Honda TMX 125 Alpha Forum
Model | TMX 125 Alpha |
---|---|
Displacement(cc) | 125.00 |
Available Color |
|
Transmission | 5-speed |
Starter | Electric/Kick |
km Per Liter | - |
Fuel Tank Capacity(L) | 8.6 |
Weight(kg) | 113.0 |
L*W*H(mm) | 1,904 x 754 x 1,026 |
Type | Standard,Business |
Offical Price | P51,400 |

Please feel free to post your questions on this product.

- Jee bee
- Oct 17, 2019
Good day po matanong ko lang po sa mga expert pareho lang po ba rear fender ng tmx125 at tmx155.. Same lang po ba ng mga butas
- Janine Mae P.
- Aug 17, 2019
Ito ba ang kadalasan na binbili kapag gsto niyo gamitin sa tricycle o pang delivery?
- Harry Tomas
- Aug 23, 2019
Hindi naman pero isa ito sa mga choices ng karamihan, medyo mahal din ito kasi sa Honda siya pero maasahan mo naman ang ganda ng quality niya kaya madami nga ang pumipili ng ganitong klaseng motor, aside dito Kawsaki ang napapansin ko na binibili para gawing tricycle, siguro okay din yun kaya yun din ang choice ng marami
- Jane Castilyo
- Aug 23, 2019
oo nga noh ito din kasi binili ng tatay ko pati ng tito ko na motor siguro ito nga ang uso na motor para sa tricycle, uy matibay itong motor na ito kasi 5years na naming gamit ito at matagal na itong pumapasada, basta well checked ang motor talagang maayos siya.Okay din na ibang motor pro kadalasan nga ito ang nakikita ko sa amin
- Eunica Behira
- Dec 19, 2018
Meron ba nito sa davao city..yung TMX?yung price po ba 35k LNG yung new..parami pong salamat...sana po magresponse kayo regarding sa nganong ko
- Jake Capuno
- May 19, 2019
Tignan mo na lang sa mga nakalistang seller, yung iba nilalagay yung location nila pero region lang so kelangan mo pa tignan yung page ng seller para sa complete details, kasma na yung description ng motor kung bago ba o ano yung condition, yung complete address ng seller o kung saan yung preferred meet up niya, saka contact info
- Liberty2000
- Jun 25, 2019
Mosty dito taga Manila ang seller kaya baka mahirapan ka mag hanap ng taga Davao,okay din na icheck mo ito paisa isa para malaman niyo kung ano ang okay sa kanila o hindi. Mas okay pa din kasi na makit mo muna ang motor bago mo ito bilhin kasi kami ilang beses na kami naloko sa online na pag bili kaya doble ingat lang.
- marshmallowlove
- Jun 25, 2019
Yung kaibigan ko taga Davao nakabili naman ng Honda niay, pero hindi lang onlien alam ko may Honda na din sa Davao hindi ko lang alam kung saan pero meron niyan, subukan niyo mag check isa isa para malaman niyo kung may taga Davao na seller o wala kasi hindi ko din alam kung meron unless mag browse ako eh
- John Jean Castro
- Jun 25, 2019
Yes meron niyan kasi naka order yung pinsan ko online at from Davao siya pero hindi ko alam saang online siya bumili noon, basta meron pero hindi ko alam kung excat model motor pala ito kasi Honda din naman yung binili niya pero hindi ko alam exact model kasi hindi ko kabisado mga model ng motor sa Honda kasi
- Mark Lee
- Jul 24, 2019
Meron siguro, kung titignan mo yung mga location ng seller baka may makita ka na taga Davao City
- Markmhel Mathew Reyes
- Nov 18, 2018
Yung downpayment po na 1200 ano pa po ang babayadan. Down payment lng po ba o my bayad pa din ang pa register. Mag kano po lht ng magagastos kung 3yrs po huhulugan.
- Jake Capuno
- May 19, 2019
Yung downpayment tanong mo sa seller mismo na may deal na yan, kasi madaming seller dito kaya baka di mapansin yung post mo o iba yung seller na sumagot magkalituhan pa kayo. Kadalasan naman sa downpayment yung motor mismo yung binabayaran mo wala pang papeles yun, saka sa seller ka na din magpacompute ng installment kasi baka iba pa yung magiging bayarin
- Mark Lee
- Jul 24, 2019
For sure downpayment pa lang din yang Php1200 kung second hand yan, mababa masyado kung kasama yung registration kasi may bayad din yun, kung brand new siguro baka libre na o isama sa monthly payment. Bakit hindi mo tanongin na lang yung seller mismo? Maguusap pa din naman kayo kapag gusto mo na ifinalize yung deal kaya mas mabuti sa kanya mo na itanong lahat yan
- Al Krisano
- Jul 24, 2019
Specific na sa seller yang tanong mo kasi hindi lahat mag papadownpayment ng Php1,200 at additional service din yang tanong mo tungkol sa registration kaya wala makakasagot sayo ng tama dito sa forums. Puntahan mo yung page ng seller kunin mo yung contact info at mag usap kayo para mas maayos yung transaction niyo dahil kapag mga tao dito sa forums sumagot baka magulat ka magkaiba yung sinabi sayo dito saka sagot ng seller
- Josh Delos Santos
- Jul 24, 2019
3 years installment gusto mo? Kung ako lang magbibigay ng advice sayo gawin mo ng one year na lang kung kaya, hindi naman ganun kamahal yung presyo at malamang yung downpayment nito kung hindi kalahati halos kalahati din yung presyo, yung matitira diyan malamang konti na lang kaya for sure magaan na din yung monthly payment niyan
- soliman sandra
- Sep 21, 2018
Sobrang tagal natong product nato ba medyo di na siya bago sa paningin ng iba, makaluma siya masyado. Pero alam niyo kahit luma pero power parin yung engine nito. Kung irirate ko to out of 10, 8 yung ibibigay ko kasi okay talaga yung engine performance nito ee kahit luma na. Tapos kapag deep excavation naman yung travel mo nakakapagride parin ng maayos ng hindi namamatay yung makina kahit apat payong nakasakay dito hindi kagaya nung ibang mga bagong itsura ng motorbike hindi sila nakakapagride ng mga rocky o tough na mga daanan pero hindi lahat ha may iba lang. May ganito kasi kami, papa ko merong ganito for almost 8 years na. Tapos power parin hanggang ngayon.
- LEAN ALCANSAS
- Sep 21, 2018
Nasa luma kaya ang pinakamas-matibay. Bulok o hindi gamit man tignan pero alam mo mas malakas pato sa ibang motor na nakilala ko, tapos nakakapagride pato ng mula sa 4 hanggang 5 na tao. Totoo talaga nakakapag-travel to sa mga deep excavation na mga places na mapupuntahan mo. tama katalaga hanggang ngayon power parin yung engine nito, i like it so cheap tignan pero kung alam niyo lang patok to noon sikat din to noong una pero kasi ngayon masyadong upgraded lahat ng mga product na patok sa ating generation ngayon kung baga pang millennial yung gusto natin.
- ALF*NS*
- Sep 26, 2018
Hanggang ngayon malakas parin to sa mga tao, tama ka nasa luma yung pinaka-masmatibay, matibay yung makina. Lahat ata ng malikong daan kaya nitong lusutan. Ewan ko nga sa sobrang tagal na nito hanggang ngayon exist parin to sa lahat. Pero siguro bumasi nalang tayo sa power ng engine nito. Commentary ko lang naman din ito may sa ganitong motor is ang price mura lang so affordable din accelerated yung clats nito tsaka makina.
- Svan Alcan
- Oct 7, 2018
Hindi naman siya ganun ka luma tignan, actually yung style niya parang pang motorcross, yung magagaan na klase na motor ginagamit pang tricks saka palipad sa ere, medyo mahirap iexplain yung sports pero totoong matibay nga tong motor, tiwala din ako sa parts na kinukuha ng Honda kaya agree din ako sa score na binigay mo
- Jake Capuno
- May 19, 2019
Matitibay talaga yung mga ganitong motor, pansin ko nga matitibay lahat ng mga lumang model kotse saka motor, yung mga latest kasi parang madaling masira na, yung mga tricycle driver dito makikita mong luma na din mga model ng motor nila pero maayos pa din takbo, yung iba nga nakikita ko parang dinidiskartehan na lang yung sira ng motor nila pero hindi derecho pa din takbo
- Al Krisano
- Jul 24, 2019
Pang pasada yung mga ganitong tricycle ah? Hindi ko alam ito pero matitibay naman karamihan yung mga ganito kaya okay din
- Caysie Bonilla-Pascual
- Sep 15, 2018
Magkano po 2nd hand? Tsaka po San po may available dito sa San Pablo?
- Ren Ashbell
- Oct 7, 2018
P20,000 yung second hand pero hindi lahat ng second hand parehong presyo, check mo na lang yung mga prices kung alin yung pasok sa budget mo or kaninong seller mo trip bumili ng motor, click mo lang yung green na button para mapunta ka sa page ng seller, para din makita mo yung location nila kung malapit or kaya puntahan
- Caysie Bonilla-Pascual
- Oct 8, 2018
Kung sa motortrade po ako ng San Pablo branch pupunta, if ever po na 2nd hand ang kukunin ko na tmx 125,magkano po kaya DP nito at ung monthly? If ever hulugan po kukunin ko.. thanks
- Al Krisano
- Jul 24, 2019
Yung presyo ng second hand nito makikita mo sa listahan ng mga seller na meron dito sa website, Php18,000 yung pinakamurang benta pero madami pang iba't ibang offer kaya tignan mo lahat at kung gusto mo yung lowest price, check mo yung page ng seller para malaman mo kung bakit ganyan kababa yung benta niya, baka mamaya downpayment pa lang pala yan
- Revilo
- Jul 19, 2018
matanong ko lang po sana kung ilang liters po ba ang reserve ng tmx alpha at pwede kaya palitan ng center block ito at palitan din ng piston ng 155 tmx. i mean pwede kaya gawin 155 itong alpha natin? medyo nahihinaan kasi ako. pwede kaya palitan ng center block, piston at piston ring ng 155 tmx or pa rebore at gawin parehas ng bore ng 155.
- Arturo Ayawpapili
- Jul 20, 2018 / Good Answers : 7
Check mo yung specs ng motor sa manufacturer or page ng seller, malamang nakalagay yun doon or tanongin mo na din yung seller na lang kung nahihirapan ka mahanap yung info na gusto mo. Tungkol naman sa pag palit ng parts ng motor, tingin ko naman pwede
- peachygirl
- Jul 20, 2018
mas maganda siguro kung sa talyer kayo magtanong kung magiging compatible yung parts na gsto mo ipalit sa TMX na motor, kasi baka hndi pwede dahil maliit lang talaga ang kaya ng motor na ito.kaya para makasiguro ka tanungin niyo po ang tga ayos sa talyer.
- Karen Sagit
- Jul 23, 2018 / Good Answers : 1
Ang alam ko standard ang dami ng reserved ng tank para sa mga motor at kotse, kung kunwari 5 liters ang reserve tank ng motor na to, malamang for the rest ganun din since reserve tank naman yun, kaya din siguro hindi yun nakalagay sa specs
- Raizen Mcline
- Feb 23, 2018
Yung 2nd hand po magkano
- Jeffrey Adan Jose
- Nov 22, 2018
Meron ako 2nd hand TMX 155 bilin u?
- Angelo Lucagab
- Sep 2, 2017
Mag kano po monthly ng tmx alpha 125 if nag down ako ng 15,000? Monthly po hangang 1 year sana ung monthly
Ask ko lng..yun kasi budget ko eh
- jasper
- Sep 3, 2017
sa pag check ko may isang seller lang ang nagpost na nagbebenta ng tmx 125 nila kaso built as tricycle na nga lang po, sila nalang po ang tanungin niyo kung interesado po kayo o kaya kung bnew sa mismo honda shop na po kayo mag ask.
- Albert Arevalo
- Jan 14, 2017
Ok n po ba ang issue dati sa alpha un mingay n tunug s makina ng alpha?..bibili kasi ako ng alpha .
- Bradley
- Jan 15, 2017
Dapat yata sa mga mismong sellers mo itanong yan, or magagawa naman ng paraan yan ng mga mechanic
- encantadia
- Jan 16, 2017 / Good Answers : 1
Kung hndinpo unusual ang tunog ask nga kyo sa mechanic pra sure kyo sa sira kung meron man
- Jeoff Mallari
- Jan 18, 2017
Kukuha rin ako. Kaso advise sakin me recall na daw tungkol jan sa sinabi mo issue
- Mark Mahinay
- Jun 12, 2017
Wla ng discount yan. Brad new 47k.
- Bong Gemelgo
- Jun 1, 2018
Saan tayo makabili ng Honda tmx 125 na 35 k and prisyo
- Bong Gemelgo
- Jun 1, 2018
Among companya
- Fernando Frendzie Ijann Mislos
- Jan 1, 2021
kumuha ako TMX 125 nasa 400km kumatok, sabi ng mekaniko sa kasa issue daw talaga ng TMX 125 ang bushing ng CAM. Sabi mekaniko ng Casa ay low quality talaga ang bushing ng cam from supplier ng TMX 125. Malakas sya humatak at mabilis mag 100kph ang issue lang ay sobrang lakas ng lagatik na alam ng brgy na ako na dumarating dahil sa tunog ng motor.
Page 1 of 1
- 1
Latest Topics for Motorcycle
- Last updated : Apr 1, 2021
- Posted by Brit Heart
- Replies of This topic : 0 Replies
- Last updated : Mar 31, 2021
- Posted by PeeJay Soriano
- Replies of This topic : 0 Replies
Suspension issues
Totoo bang sisirain ang suspension nito? madali mag leak. bibili kasi ako ng second hand, kasi mag comportable ako sakyan to kaysa sa raider
- Last updated : Mar 30, 2021
- Posted by Blue cross
- Replies of This topic : 5 Replies