Honda BeAT FI Reviews

Honda BeAT FI

Honda BeAT FI
Model BeAT FI
Displacement(cc) 108.20
Available Color
  • Black
  • Red
  • Blue
Transmission AT
Starter Electric
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 3.7
Weight(kg) 92.0
L*W*H(mm) 1,873 x 678 x 1,074
Type Scooter
Offical Price P66,900

New & Used prices

Reviews

Forum

Overall Rating

design 3.9
engine performance 4.0
travelling performance 4.0
ride quality 4.1
fuel efficiency 3.9
Total 4.0

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Kitty Parenas

  • Review by Kitty Parenas
  • Oct 8, 2019
design 4.0
engine performance 4.0
travelling performance 5.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 4.0
Total 4.4

simplicity

I got this scooter last year and I like its performance naman, hindi ko inexpect na ganun siya kaganda despite sa mga negative feedback na nabasa ko from this motor. Gusto ko ito kasi with its price and quality gusto ko siya overall kaya wala akong nakitang problema dito. Siguro I can say that don't expect too much with this scooter, simple lang siya I guess one of the standard na scooter ang ganito kaya para sa akin simple lang siya at very useful sa mga nearby travel lang, kaya I love using it and very affordable and useful scooter.

Good Review

Riju Cruz

  • Review by Riju Cruz
  • Oct 7, 2019
design 2.0
engine performance 2.0
travelling performance 3.0
ride quality 2.0
fuel efficiency 2.0
Total 2.2

too basic to use

This is the first scooter that I have ever tried kaya akala ko perfect nasiya pero nung nakabili ang brother ko ng scooter niya at sinubukan ko, mine was like below average ang performance. Akala ko mas maganda ang akin kasi Honda, same price at same specs naman kami pero iba ung takbo ng scooter niya, kaya sadly hindi o ma irecommend na good scooter ito. Budget wise okay pero kung hanap niyo performance wise naku sadly this is not one good choice of scooter from Honda siguro ibang Honda scooter or better yet huwag nalang kayo mag Honda

Good Review

Rose Dehada G

  • Review by Rose Dehada G
  • Oct 3, 2019
design 3.0
engine performance 4.0
travelling performance 4.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 2.0
Total 3.4

quite good

maayos naman ang takbo ng motor na ito, sa lahat ng scooter ito talaga ang pinaka gusto ko ang takbo. Simple lang pero ang kakaiba sa motor na ito kasi madali lang siya gamitin at hindi katulad ng luma kong scooter hirap lagi na istart need ko pa ito lagi na iheat up para lumakas ang power niya kaya nakaka disappoint kay nung nagswitch ako ng brand nag motor masaya naman ako sa quality nito at nakita ko naman na mas okay talaga ito kumpara sa ibang mga scooter na pwede mong gamitin. Happy ako sa pag gamit ng ganito ng motor, finally found the right one!

Good Review

britnney k.

  • Review by britnney k.
  • Sep 15, 2019
design 2.0
engine performance 2.0
travelling performance 3.0
ride quality 3.0
fuel efficiency 2.0
Total 2.4

tough ride

Gusto ko yung takbo niya kaso smooth naman pero lakas pala nitong mga scooter sa gas. Hindi ko gusto ang style niya kasi maliit lang ang seats niya maliit lang ang compartment niya at hindi kasya yung helmet ko kaya ko medyo hindi ko nagustuhan ang style niya dito. Hindi naman mabilis ang takbo niya kasi kahit max ko pa ito hindi niyakaya talaga niya kaya yung mabilisan ang takbo sa totoo lang mas gusto ko pa yung luma kung scooter kasi mas gusto ko pa yung takbo niya. Gusto ko din yung design nun ito kasi ang weird lang ng look niya.

Good Review

georgina07

  • Review by georgina07
  • Sep 14, 2019
design 3.0
engine performance 4.0
travelling performance 4.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 4.0
Total 3.8

easy city driving

We are planning to buy a new scooter last week kaso nung sinubukan namin ito hindi namin nagustuhan ang takbo nito kaya nag decide kami na bumili nalang ng ibang scooter kasi naalala namin yung Honda beat na scooter, yun kasi ang scooter namin lahat kaya naisipan namin na bumili nalang ng Honda kasi alam namin na maganda talaga ang takbo ng Honda. Sa lahat kasi ng scooter namin Honda talaga yung may magandang quality ang takbo kaya satisfied kami na bumili ulit ng another Honda scooterkasi sigurado naman kami sa takbo nito

Good Review

carmelito pilo

  • Review by carmelito pilo
  • Sep 12, 2019
design 3.0
engine performance 3.0
travelling performance 2.0
ride quality 2.0
fuel efficiency 3.0
Total 2.6

Looks Simple

looks simple kaya naman di siya swak sa gusto ko, siguro ang magffit in para sa akin na motor ay yong mas malakas ang dating para sa mga lalaki na mahilig sa motor racing. I love motorcycle i do really appreciate motor kesa sa kotse lang.. kasi ang motor is parang you are free to stroll, joy ride but the fact is ayaw ko lang talaga ng honda simula pa nung na launched na ang produkto nila maybe the reason is napakasimple lang ng structure feeling mo parang di strong yong capacity nito , my concern kasi is always the engine performance kasi di mo naman yan mapapatakbo ang isang vehicle if wala yang engine ee. kaya para sa akin di ito yong bibilhin ko kasi simple lang ang style not my type anymore.

Good Review

natasha

  • Review by natasha
  • Aug 22, 2019
design 5.0
engine performance 5.0
travelling performance 5.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 5.0
Total 5.0

greatest highlight

this is one of the greatest highlight of the honda beat fi and I love honda brand. Dati pa naman talaga akong naa-attached sa brand nato ehh. So simple and so magaan to drive on. kaya parang di ako natatakot patakbuhin ito kasi di naman ito kagaya ng mga raider oh ano pa yang mga heavy to drive on. Ang gusto ko lang is yong madali lang patakbuhin tapos simple lang siya tapos ano pa .. syempre number one jan is the engine dapat nga eh strong ito. so ayon strong naman din ang performance nito ngayon.

Good Review

nabate

  • Review by nabate
  • Jul 29, 2019
design 3.0
engine performance 4.0
travelling performance 3.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 3.0
Total 3.4

new

ito yong mas bago para sa akin na model pero kahit pa ngayon ko palang to nakita parang naffeel ko na gusto ko tong bilhin .syempre diba dahil narin sa kagandahan at kabagohan ng isang product kaya mapapaaga ka talagang makabili ng gamit lalo na kapag may pera ka na agad. sa tingin ko naman magugustohan ko ito patunay lamang na kaya to nasa top rank para naman

Good Review

tintoons

  • Review by tintoons
  • Jul 19, 2019
design 3.0
engine performance 3.0
travelling performance 3.0
ride quality 3.0
fuel efficiency 3.0
Total 3.0

typical scooter ride

Hindi mo maeenjoy ang pag gamit ng scooter na ito, bakit? kasi simple naman hindi mabilis ang takbo niya sa lahat ng scooter na nagamit ko ito lang talaga ang scooter na napaka bagal ng takbo, I mean mabilis siya pero kulang ang speed niya para sa akin, bitin ang takbo eh, basta simple lang talaga ito at wala kang makikitang special na feature sa kanya wala kasi siya adavance technology type katulad ng ibang scooter ng Yamaha na merong magandang brake system, Okay naman ito sa mga walang reklamo sa simplicity niya

Good Review

delamarieya

  • Review by delamarieya
  • Jul 17, 2019
design 5.0
engine performance 5.0
travelling performance 5.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 5.0
Total 5.0

perfect one

Marami kasi naghahanap ng perfect na first scooter, at iisa lang ang sagot ko ito yung beat model ng Honda, gusto ko siya kasi kumpara sa iba matigas ang handles ng scooter nila kahit yung ibang Honda model ng scooter natitigasan ako pero hindi very comfortable siya para sa akin. wala din akong nakitang issue sa kanya nung gamit ko pa ito nung highschool ako, very useful sa akin pag pupuntahan ko ang bestfriend ko sa village kasi maganda ang takbo at madali din siyang gamitin, kahit hindi ka marunong matututo ka kasi super easy niyang idrive

Good Review

shierlane

  • Review by shierlane
  • May 2, 2019
design 3.0
engine performance 4.0
travelling performance 3.0
ride quality 3.0
fuel efficiency 4.0
Total 3.4

good ride

Hindi ko makakalimutan na ito yung unang scooter na pinabili ko sa parents ko kasi excited talaga ako na Honda ang pinili ko at ito din yung binili nila para sa akin. Alam ko kasi na matibay at maganda talaga siya sa lahat ng mga motor na nilabas noon, hindi ko kasi makakalimutan na sinurprise nila ako nito after graduation ko and until now ito pa din talaga ang nagagamit ko inside our village. maayos talaga ito at wala kang magiging problema sa kanya kapag ito yung gamit ko kahit medyo sa malayong lugar maayos talaga ito.

Good Review

airene upong

  • Review by airene upong
  • Apr 23, 2019
design 3.0
engine performance 3.0
travelling performance 2.0
ride quality 2.0
fuel efficiency 4.0
Total 2.8

okay so simple

ok lang simple lang siya but not my type actually. sa iba nalang muna ako magkacanvass baka may iba pang mas better sa model ng Honda. And also other brands pa bakit naman ako magtsatsaga rito e di naman kagandahan ang model looking ordinary model lang siya for me. I know naman na looking good but definitely not my type sorry guys!..

Good Review

TOMAS

  • Review by TOMAS
  • Apr 22, 2019
design 5.0
engine performance 5.0
travelling performance 4.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 5.0
Total 4.8

air-cooled engine

sapagkakaalam ko kasi ang ganitong klasi na motor iba din ito sa lahat ng nakilala kong motorbike. mas kakaiba to compared sa ibang brand ng motorbike. the Honda BeAT-FI runs on a 110cc air-cooled engine which is very capable of generating a maximum power of 8.5hp at 7,500rpm. So very possible to have a long ride dude!

Good Review

green

  • Review by green
  • Apr 15, 2019
design 4.0
engine performance 5.0
travelling performance 4.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 4.0
Total 4.4

plain speed

next time talaga ayaw ko ng magride na ito ang gamit kasi naman ang jowa ko eh pinilit akong magride sa motor niya e di naman ako marunong. alam niyo minsan talaga natatakot ako kapag motor ng sasakyan namin kasi ang liit tsaka malakas makapagdrive ang jowa ko ehh. high kasi ang speediness nito tapos parang matulin talaga as in!!!

Good Review

luke angelou

  • Review by luke angelou
  • Apr 12, 2019
design 4.0
engine performance 3.0
travelling performance 3.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 3.0
Total 3.4

got my first motor

i got my first motor kahapon lang, but the fact na para bang ayoko ng subukang gamitin ito kasi I feel something napara bang di ako satisfied sa nabili kong motorbike kahapon. siguro ibibigay ko nalang to sa brother ko para naman may motor siya gusto niya rin kasing magkaroon ng motor bibili nalnag ako ulit. maganda naman ang design sakto lang pero di ko ito gusto talaga.

Good Review

jayson alaz

  • Review by jayson alaz
  • Apr 11, 2019
design 5.0
engine performance 3.0
travelling performance 3.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 3.0
Total 3.8

everyday damage

everyday nalang may sira sa motorbike ko, kung tutuusin naman is may patrials pa nga kung nagfafunction ba laaht ng specifications nito. gusto ko kasing matry lahat ng meron sa gantiong klasi na motor para naman wala akong sabit rito. kya nga iniisip ko na bago ko muna bilhin to is kailangan walang damage lahat ng specs nito. sayang rin naman ang pera ko no tapos ganun ganun lang.

Good Review

clarisa fairchild

  • Review by clarisa fairchild
  • Apr 9, 2019
design 3.0
engine performance 4.0
travelling performance 4.0
ride quality 3.0
fuel efficiency 4.0
Total 3.6

simply good

One of the nicest and simple scooter that you can have. Madali lang gamitin, easy to ride hindi din hassle na intindihin ang mga symbols sa screen niya. For me kung firstimer ka ito ang ma rerecommend ko na bilhin niyo. Honda scooters are the best para sa akin simple lang kasi ang takbo niya tapos reliable naman sa mga biayhe, kahit medyo malayo okay din naman ito kayang kayang ng motor na ito. Hindi lang very comfortable sa long drives pero still its better thna doing public commute. Simple lang ito hindi masyado maganda ang design unless uupgrade mo ito.

Good Review

sumy

  • Review by sumy
  • Jan 25, 2019
design 4.0
engine performance 3.0
travelling performance 4.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 3.0
Total 3.6

it's stocks availability

lahat ng stock availability na benebenta nila is yung available lang nacolor is black, red tska blue. Gusto ko sanang bilhin na motor is yung kulay yellow dahil mahilig ako sa mga dilaw na maliliwanag yung kulay. And since wala silang ganoong kulay so di nalang ako bibili. And yung bibilhin ko nalang is sa other brand ng motor. I can't see any difference naman yung kulay lang talaga hinahanap ko . .

Good Review

Ya Ya Limuel

  • Review by Ya Ya Limuel
  • Jan 24, 2019
design 5.0
engine performance 5.0
travelling performance 5.0
ride quality 5.0
fuel efficiency 5.0
Total 5.0

An honorarium moment

It is my honor na mabigyan ako ng ganito to, kasi sumali I mean sumalang ako sa mga fun racing competition and nanalo nga ako naging isa akong first runner up ng time na yon. Pagkatapos binigay to sakin after kong manalo sa palaro na iyon and ito nga yong binigay nila sakin na bike, which bagong labas lang I mean kakalabas palang nito but ako pa yong nabibiyayaan. So I'm really proud of myself sobra.

Good Review

Lourdes Maria

  • Review by Lourdes Maria
  • Jan 22, 2019
design 4.0
engine performance 4.0
travelling performance 4.0
ride quality 4.0
fuel efficiency 5.0
Total 4.2

yes, indeed great!!!

Ito kasing motor ng husband ko which is Honda is very exclusive technology that automatically turns the engine off after 3 seconds of being stationary. Yung engine kasi nito ehh automatically turns on again without having to restart it once the throttle is rotated. So by that technology, it really helps prevent fuel wastage and delivers enhanced fuel-efficiency of up to 63 km / liter. Kaya Honda yong piniling bilhin ng husband ko, and it was really effective naman.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Motorcycle

Hindi man kasing tulin ito ng wave at xrm pero maganda ang handling nito at madaling e drive. nde power kung handling ang ok sa bike na ito kaya dka mag tataka bat mraming nabili nito. Yung parts e ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by system x
  • Date : May 23, 2020

Sobrang trusted bike tlga ang honda. dka magkakamali na bilhin to kasi matibay na matibay. an lakas din humatak nito kahit 110cc lang sya. kahit mag sakay ka ng 3 tao dito e walang issue kasi ok na ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by living proof
  • Date : May 23, 2020

Na try ko to nung nsa Indonesia ako. ibang iba ang bike na to. currently ninja 250r owner ako pero mas malakas ang hatak ng cbr250rr. mas magaan at mas madali e liko ang bike na to. kahit maka hanap ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by dark sun
  • Date : May 23, 2020
View Mode: PC | Mobile