Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
As of May 17, 2021 (scheduled), all new posts to reviews and forums will be stopped.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

HUAWEI nova 7 SE Reviews

Overall Rating

Design 4.3
Portability 4.3
Operability 4.1
Response 4.1
Display 4.3
Listenability 4.3
Battery 4.3
Total 4.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Tony Lima

  • Review by Tony Lima
  • Mar 26, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Huawei VS Xiaomi

Maganda pa din naman ang Huawei. Mas gusto ko naman to kesa sa Xiaomi, design pa lang nito e panalo na. Bago pa lang sa business ang huawei nuon pero nabili na ko ng phone nila. Ang astig kase ng design at screen akala mo pangmayaman.

Good Review

Kyla Ang

  • Review by Kyla Ang
  • Mar 21, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

SUPERB

Magandang phone eto bukod sa display resolution e maganda din ang battery. Ang ltagal ng life span kaya hindi ko problema ang pag chacharge. Mabilis din ang response nya lalo na sa mga games at mga application. All in all good deal pa din ang huawei.

Good Review

Ella Acuesta

  • Review by Ella Acuesta
  • Mar 13, 2021
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

Camera na lang

Hindi ko ramdam ang SUPER CHARGE feature nito. Parang normal lang. Hindi din naman mabilis madrain ang battery nya kaya okay lang. Hindi na din maupdate ang Google play kaya hindi ko na sya masyado nagagamit. Sa camera na lang halos.

Good Review

Kyle Liam Alonzo

  • Review by Kyle Liam Alonzo
  • Feb 25, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Good performance

Hindi tulad ng dating Nova 5T, wala itong Google apps at services dahil sa pag-ban ng US sa Huawei. Pero gumamit ang Huawei ng sarili nitong HMS o Huawei Mobile Services na merong AppGallery app store at saka meron ding mga system apps tulad ng browser at photo gallery. Maganda naman talaga ang nagawa ng Huawei at usable ito sa mga hindi nagre-rely sa Google ecosystem. Sa performance ng phone ay okay naman ito at meron pa itong fast charging feature para sa 4000mAh battery nito.

Good Review

Aaron Samonte

  • Review by Aaron Samonte
  • Feb 19, 2021
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.7

GMS lang talaga ang issue

Yung pinakamalaking issue na makakapagpa-ayaw sa iba sa phone na ito ay ang kawalan nito ng GMS. Pero yung ibang apps naman tulad ng YouTube at ng Gmail ay pwedeng mai-open sa browser nito. Yung ibang mga apps sa Google Playstore ay wala sa Huawei App Gallery at para makapag download ng Facebook at ng Reddit ay kailangan mo pang mag download ng APK. Pero in fairness, lumalaki na rin naman ang catalog ng App Gallery ng Huawei dahil meron na rin ng mga kailangan kong mobile banking. Kung fan ka na talaga ng EMUI ng Huawei at okay lang sayo ang sideloading ng ibang apps, maganda naman ang phone na ito.

Good Review

Aibert Dizon

  • Review by Aibert Dizon
  • Jan 30, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Okay din naman

Nagagawa ko naman ang mga gusto kong gawin dito sa phone na ito kahit na walang Google. Okay lang ang battery usage nito kasi meron itong battery saving feature. Okay din ang camera pero pagdating sa video ay medyo hindi ko nagustuhan kasi shaky talaga kapag gumagalaw ako. Nakakapaglaro naman ako ng mga games dahil sa alternatives for Playstore tulad ng Petal Search, Aurora, Amazon, at iba pa. Overall, okay naman ang experience ko sa phone na ito.

Good Review

Carl Laurens

  • Review by Carl Laurens
  • Jan 25, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 2.0
Response 2.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.4

It's a shame that this don't have GMS

Huwag na huwag kayong maniniwala kahit na sinasabi ng marami na available na ang APK. Yung sa akin kasi, hindi gumana nang maayos ang Whatsapp ko at saka hindi man lang ako makapag set ng notification sound. Nagiging sakit din ng ulo ko na meron palaging nano-notify sa akin ang YouTube na hindi daw sinu-support ng device ang YouTube kaso kailangan ko talaga ang YouTube eh. Kaya ang ending, ibinalk ko ito the same day na binili ko.

Good Review

Nikko Calino

  • Review by Nikko Calino
  • Jan 19, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.7

Nice but I'm little bit disappointed with it

Maganda naman ang phone na ito pero medyo disappointed nga lang ako kasi hindi available dito ang payment methods dito sa maraming bansa kaya kung maglalaro ako ng mga games tulad ng pubg, nakaka-disappoint. Syempre maraming nagsasabi na papalaki pa lang ang app gallery nito kaya isang araw eh maaayos din ito kaya lang ay ang tagal pa ng aantayin ko. Siguro ang maipapayo ko na lang eh isipin nyo muna maigi kung ito ang gusto nyong bilhin na phone.

Good Review

Aelyn Angelica Sy

  • Review by Aelyn Angelica Sy
  • Dec 29, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Love this phone!

Pagdating sa connectivity, okay talaga ito kasi nagwo-work lahat including WiFi, Bluetooth, at GPS at maging ang SIM connectivity nito. Napansin ko na meron ding 5G signals sa mga ilang lurag na napuntahan ko at sana eh lumawak pa ang coverage nito. Tulas ng Nova 7i, itong Nova 7 SE ay merong 40-watt na charger para sa battery nito na may 4000mAh capacity. Talagang makakasigurado kayo na matagal ang battery nito at mabilis ding mag-charge.

Good Review

Jomel Padernal

  • Review by Jomel Padernal
  • Dec 23, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Great phone with nice camera

Tulad ng nakikita ko sa ibang phone ng Huawei, ang Nova 7 SE ay halos parehas lang ang photo characteristics na merong realistic, full HD colors, at okay ang dynamic range. Decent naman ang mga low-light photos na kuha nito at pwede ring mai-zoom ang pictures sa primary camera hanggang 10x na halos konti lang ang distortions. Maganda talaga ang selfie shots nito at okay din ang AI Beautification. Nakaka-enjoy gamitin ang 3D Qmoji stickers. Pagdating naman sa portrait depth, hindi nga lang masyadong blurred tulad ng ini-expect ko.

Good Review

Airam Celeste

  • Review by Airam Celeste
  • Dec 17, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Love using this phone!

I am so happy na ito ang binili kong phone. Nakapag-download naman na ako ng APK dati pa kaya hindi problema sa akin ang kawalan nito ng Gogle Playstore. Ang maganda sa phone na ito ay yung processor nito na Kirin 820 5G na underrated beast para sa akin. Powerful naman kasi ang processor na ito pero nagtataka ako kung bakit hindi napapansansin ng iba. Mabilis at walang anumang lag akong nae-experience sa paggamit ng phone na ito that's why I love using it!

Good Review

Samantha Peralta

  • Review by Samantha Peralta
  • Nov 27, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.7

Amazing

Meron itong chipset na Kirin 820 na capable for 5G. Kaya lang, kelangang malaman nyo rin na ang primary SIM lang ang pwedeng maka-connect via 5G habang ang pangalawang SIM ay limitado lang sa 4G. Maliban dito, limitado din ang ibang connectivity features nito pero kapag naging available na rin naman daw eh makaka-connect na rin. Pagdating sa battery, 4000mAh ang capacity nito at it also supports 40W SuperCharge. Ang nagustuhan ko dito eh wala pang isa at kalahating oras eh full charge na kaagad ang battery.

Good Review

Kharen Tejadilla

  • Review by Kharen Tejadilla
  • Nov 22, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Overall aspects are nice

Sa lahat ng aspects ay maganda ang performance ng phone na ito. Meron itong IPS display na talagang amazing. Isa itong mid-range na chipset na solid talaga. Battery life is sufficient, capable ang cameras nito at ang maganda pa dito ay meron itong 5G connectivity. Yun lang siguro na makaka turn off dito sa iba eh yung kawalan nito ng Google Mobile Support. Pero pwede rin namang magamit ang mga Google apps sa browser. Ang App gallery ng Huawei eh wala ng ibang apps na available lahat sa Google Play Store. Kung gusto mong makagamit ng Facebook, kelangan mo pang mag download ng APK at kelangan ng third-party app stores dito. Pero yung mga importanteng apps naman na ginagamit ko tulad ng Online banking apps, GCash, at iba pa eh meron na sa App Gallery at habang tumatagal eh dumadami na rin ang mga apps nila. Kung talagang fan ka ng EMUI ng Huawei at okay lang sayo ang mga sideloading ng ibang apps, then itong phone na ito ang recommended ko.

Good Review

Ianee Lee

  • Review by Ianee Lee
  • Nov 13, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

It's a durable phone

Kumpara sa ibang phone ng Huawei na mga midrange phone, itong Huawei Nova 7SE ay premium talaga na meron pang curved glass at merong Corning Gorilla Glass 5. Meron itong makapal na metal frame na nagdadagdag sa pagiging durable nito. Yung nabili kong variant eh yung glossy Space Silver na parang humahalo sa pinkish color pababa ng phone. Pero kahit na talagang nakaka-attract ito, madali nga lang itong madikitan ng mga fingerprint kaya mas better kung lalagyan mo ito ng case bago gamitin.

Good Review

Junel Cuerca

  • Review by Junel Cuerca
  • Oct 28, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Okay ang performance nito

Okay naman ang performance ng battery ng phone na ito sa light hanggang moderate usage. Nakakatagal ng dalawang araw ang battery nito. Pero kung heavy usage naman, mas okay i-charge ang phone na ito nang overnight o bago mo gamitin sa umaga. Pero kung gusto mo namang manood ng video nang matagalan, nakakatagal ang Huawei Nova 7 SE nang mga labing walong oras mahigit. Pagdating naman sa charging, tumatagal ito ng tatlong oras from 0 percent to 100 percent. Pagdating sa performance, okay naman ang Kirin 820 chipset nito. Hindi nagla-lag habang hindi nagge-gaming kaya maganda ang talaga ang quality.

Good Review

Juvy Lin

  • Review by Juvy Lin
  • Oct 24, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Impression...

I just got mine on the 22nd. So far so good. The design itself is very good. I really like the performance.

Good Review

Scarlet Manalastas

  • Review by Scarlet Manalastas
  • Oct 23, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Solid na phone

Napaka-hefty ng phone na ito at hind man ito ang pinaka-manipis na phone, parang medyo mabigat ito kapag hawak ko na pero hindi naman ito yung phone na nakakangalay gamitin kung matagal kong ginagamit. Kaya lang ay hindi masyadong remarkable ang design ng phone na ito. Meron itong medyo slight na chin at punch hile sa may ibabaw sa kaliwang side pero full-screen pa rin naman ito. Sa mga nakakagamit na ng mga Huawei phone, magiging pamilyar na sa inyo kung paano mag-work ang EMUI dito. Medyo nanibago nga lang ako sa pag-swipe dito pero nakakasanayan naman.

Good Review

Marjorie Lucero

  • Review by Marjorie Lucero
  • Oct 9, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Ergonomically made

Pagdating sa design, maganda ang nagawa ng Huawei sa phone na ito. Isa na dito ay ang pagkakaroon nito ng side-mounted fingerprint sensor na pwede ring maging power button. Ergonomic talaga ang design ng phone na ito at ang isa pa ay ang maganda nito ay meron itong 3.5mm na audio jack. Dahil sa maraming phone na ang tinatanggal ang feature na ito, masasabi kong maganda na hindi ito tinanggal ng Huawei kasi marami pa rin ang naghahanap ng ganito sa kanilang phone. Added bonus na rin ang pagkakaroon nito ng USB-C charging port. As for my experience sa phone na ito, talagang mabilis naman ito pagdating sa performance nya at hindi ako nagkamali sa pagbili nito. This is my best purchase so far.

Good Review

Mike Mendoza

  • Review by Mike Mendoza
  • Sep 27, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Good quality of phone

Mas okay sana kung nilagay nila on screen yung fingerprint scan feature kesa sa gilid. So far naman wala ako nakikitang problem sa kanya lalo na sa Speed ang storage. Maganda ang quality ng phone. Hopefully tumagal sya.

Good Review

Marie Rodriguez

  • Review by Marie Rodriguez
  • Sep 16, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

A nice phone feature

Ang pinakamaganda sa Huawei is yung supercharging and fingerprint sensor feature nya. Slick and classy ang design and hindi sya bulky hawakan. Akala mo pang mayaman. Ang panget naman sa kanya is wala syang Google Play services. Sana maayos pa ni Google at Huawei ang agreement nila para super phone na to. When it comes to battery matagal syang gamitin hindi mo na kailangan mag dala ng powerbank kahit 24 hours mo sya hindi icharge kaya nya pa din 20 percent pa din ako paguwi sa house. Hindi mo aakalain na hindi sya ganun kamahal d kaya ng ibang phone in the market.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Mobile Phones

I got it from online and happy ako kasi ang bilis ng delivery nito. Honestly, talagang nagustuhan ko ang phone na ito. Kahit na wala itong Google products na nakaka-frustrate din at minsan eh ang ...Read more

  • Rating : 4.4
  • Review by Zyrus Garcia
  • Date : Mar 31, 2021

Sobrang elegant tingnan ng phone na ito at it works kahit na sa Globe or Smart na network communications dito at parehas na malakas ang signal. Ako mismo ang naglagay ng sim card dito at naglagay ng ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Noel Aspilla
  • Date : Mar 30, 2021

Meron lang akong tanong tungkol sa Optimizor, nagra-run ba talaga ito sa background at ini-scam lahat tulad ng ginagawa ng AVG sa Sony Experia? Pwede kaya itong mai-disable at dini-delete kaya nito ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Hannah Fulgencio
  • Date : Mar 30, 2021
View Mode: PC | Mobile