Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
As of May 17, 2021 (scheduled), all new posts to reviews and forums will be stopped.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

HUAWEI nova 7 5G Reviews

Overall Rating

Design 4.6
Portability 4.6
Operability 4.3
Response 4.3
Display 4.6
Listenability 4.6
Battery 4.6
Total 4.5

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Angel Diva

  • Review by Angel Diva
  • Mar 26, 2021
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

Hassle ang walang google play

Ang issue talaga ng Huawei ngayon ay yung Play store. Kagaya ng pag gusto ko manuod ng youtube need ko pa mag open ng browser. Ang hassle lang gamitin. Ibang iba talaga pag may Google services. Nakakatakot na tuloy bumili ng Huawei.

Good Review

Amaris Martinez

  • Review by Amaris Martinez
  • Mar 21, 2021
Design 3.0
Portability 3.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 3.0
Listenability 3.0
Battery 3.0
Total 3.0

A big disappointment

Parang basic phone ko na lang ang Huawei e. Bukod sa mahirap mag magupdate dahil wala ng google play store e hindi naman ganun kataas ang specs. Mabilis din masira ito kahit maganda ang camera. Nakakalungkot lang hindi naman ganito ang mga phone ni huawei nuon.

Good Review

Grace Santos

  • Review by Grace Santos
  • Mar 13, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Pinaka maayos na phone ni Huawei

Bukod sa magandang camera at video resolution ng NOVA 7 e talagang nakakaamaze ang response ng phone. Eto na ata ang pinakaokay na nirelease ni Huawei. Mas okay pa to kesa sa P30. Ang ganda ng display at audio hindi sya sabog.

Good Review

Junward Benitez

  • Review by Junward Benitez
  • Feb 26, 2021
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

User-friendly talaga

I am so happy that I got this phone na talaga namang user-friendly at hindi nagla-lag. Sobrang smooth gamitin ng interface nito at super simple lang at secure pa. Wala akong naranasang heating problema sa phone na ito at maganda ang security features. Lahat ng mga sensors nito ay nagre-respond at very accurate pa. Okay din ang battery features nito at lahat ng mga verified apps ay compatible sa phone na ito. Wala mang GMS, wala ring problema kasi hindi naman ako nagre-rely lang sa mga Google apps. Marami pa namang alternative apps na nagagamit. I love this phone!

Good Review

Kathleen Mae Avila

  • Review by Kathleen Mae Avila
  • Feb 21, 2021
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

So satisfied naman ako

Isang taon ko na rin namang ginagamit ang phone na ito at extremely satisfied naman ako dito. Meron itong nai-o-offer na reliable performance at battery life. Oo nga at maraming nagrereklamo na wala daw itong GMS pero for me, it's totally fine. Maganda ang camera setuo nito at nakakakuha ako ng magagandang pictures. Medyo hindi nga lang maganda kapag low light pero good enough na rin ang mga pictures. Pagdating sa battery life, nakakatagal ito ng whole day with single charge. Very smooth din ang EMUI nito at talagang okay ang user experience dito.

Good Review

Aaron Nile Araya

  • Review by Aaron Nile Araya
  • Jan 30, 2021
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Amazed with its battery

Hanga ako sa battery ng phone kong ito kahit na 4000mAh lang ito na medyo smaller kumpara sa mga bagong labas na mga brand ngayon. Well-optimized pa ang OS nito para makapag-run ng mga importanteng mga apps at nagfe-freeze yung mga apps in the background na unnecessary naman kaya siguro tumatagal kesa sa iba ang battery life nito. Sa pagrerecharge ng phone na ito ay wala ding problema kasi kalahating oras lang ay nasa 60 percent na kaagad ang battery nito at mga isang oras at bente minutos naman para sa 100 percent full charge.

Good Review

Jameson Reyes

  • Review by Jameson Reyes
  • Jan 25, 2021
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Amazing

The best na phone itong Huawei Nova 7 5G at I'm happy na ito ang nabili kong phone kasi ang ginagamit ko dati eh yung Huawei Nova 3 at panahon na para mag-upgrade ako. Pero maganda pa rin naman ang Nova 3 kong phone kasi talagang maganda ang quality ng Huawei. Ang nagustuhan ko talaga dito ay yung mas maganda ang camera nitong Nova 7 5G at talagang premium ang glass at ang metal body. Okay rin ang performance nito na talagang nakaka-impressed. This phone is totally amazing.

Good Review

Kaye Lopez

  • Review by Kaye Lopez
  • Jan 19, 2021
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 1.0
Response 1.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.1

Problem!

Nabili ko ang phone na ito 3 months ago pa at hindi ako masyadong aware tungkol sa Google Playstore nito at hindi pala pwedeng maka-access o ma-download at third party apps ang kailangan. Nagka-problema ako sa phone ko na ito kelan lang. Hindi ako makapag download ng Astro Go apps at makapanood ng movie at kailangan kong mag install ng Chrome browser para ma-enable sa phone ko at maka proceed ako. Kaya nga nagsisisi ako na ito ang nabili kong phone. Iniisip ko tuloy ko ano ang ginagawa ng Huawei para maayos ang problemang ito.

Good Review

Francesca Navaja

  • Review by Francesca Navaja
  • Dec 29, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Improving...

Kahit na walang Google ang phone na ito, halos 90% sa mga apps nito ay nagwo-work naman. Dahil sa naging sitwasyon between China and US, napilitan tuloy ang Huawei na palitan ang Google ng sarili nitong Huawei Mobile Services na gumagamit ng AppGallery. Habang tumatagal, nag-iimprove naman ang AppGallery at bumibilis pa. Marami na rin itong mga local apps, mga apps na pang social media, apps for banking, at mga games. Sinigurado din ng Huawei ang siguridad nito sa paglalagay ng 4-layer threat detection. Kung wala pa sa AppGallery ang app na gusto mo, mag-download ka lang ng AppGo o kaya naman eh Petal Seach Widget sa AppGallery.

Good Review

Charles Santos

  • Review by Charles Santos
  • Dec 23, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 5.0
Total 4.4

Nice phone ito

Gumagamit ako ng AppGo o kaya naman eh Petal Search Widget sa pagda-downlad ng mga apps dito sa phone na ito tulad ng FB. Messenger, Netflix, Instagram, at iba pa. Kung hindi naman compatible sa phone ang app na ginagamit ko, gumagawa ang Petal Search Widget ng web shortcut para sa app. Ito ang ginagamit ko para maka-access ng Google apps. Hindi pa masyadong okay ang Huawei App Gallery pero gumagawa ng ng paraan ang Huawei para mas mai-improve nila ang quality at dami ng mga apps sa sarili nilang app marketplace.

Pros:
- Premium ang pagkakagawa ng phone na ito at maganda ang display na merong maliit na punch-hole. Mabilis ito at future-proof ang processor nito na Kirin 985 5G, mabilis din itong mag-charge, at mahaba ang battery life, maganda at maraming features ang camera.

Cons:
- Walang sinasabing glass protection. Hindi pwedeng mai-expand ang storage, at hindi masyadong nakaka-impressed ang ultra-wide cam nito. Wala rin itong 3.5mm audio jack at hindi gumagana ang Huawei Share for PC kahit na meron itong NFC.

Good Review

Jave Suazo

  • Review by Jave Suazo
  • Dec 17, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Very good ang battery capacity nito

Okay ang real-time battery performance ng phone na ito. Nakakatagal ito nang buong araw kahit na heavy usage ako at may natitira pa na mga 20 hanggang 30 percent na battery bago ako matulog. Kung gagamit ka ng 5G, mas madali nga lang ma-drain ang battery. Base sa naging experience ko, mga isang oras ko bago na-drained ang 10% ng battery dahil sa panonood ng Netflix. Katulad ng ibang Huawei phone na merong 4000mAh na battery at 40W SuperCharge, madaling nacha-charge ang phone na ito mula 0 hanggang 70% within 30 minutes lang at mula 0 hanggang 100% sa isang oras. So far I love using this phone and it's performance is very smooth.

.

Good Review

Edward Villegas

  • Review by Edward Villegas
  • Nov 27, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 4.4

Napakagandang phone but sadly, no GMS

Sa Huawei Mate 30 series talaga nagsimula nung ma-ban ang Huawei sa US gov. Kaya naman tinanggal ng Google ang mobile service support nila sa Huawei. Pero wala pang isang taon eh nakagawa ng paraan ang Huawei. Mula sa dating unsusable na phone nila eh naging okay na rin ngayon. Pero dahil sa walang Google apps at GMS ito, marami pa rin ang piniling wag bilhin ito dahil sa kalimitan eh ginagamit talaga ang GMS ngayon. Kapag hindi makagamit ng YouTube at Google eh talagang boring. At saka kung kailangan mong gumamit ng certain apps para sa work eh mahirap kung ito ang phone. Pero meron na rin namang naging paraan ang Huawei para sa iba nilang users na hindi kailangan ng GMS, ito ay ang kumbinasyon ng App gallry at APKPure at saka nagkaroon din sila ng Petal Search para makapag search ng mga apps.

Good Review

Ruffa Buendia

  • Review by Ruffa Buendia
  • Nov 22, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

The best phone

Okay ang battery life ng phone na ito. Kahit dalawang araw na eh 80 percent pa rin ang battery nito at full charge pero hindi ko naman ginagalaw ang phone ko pag ganito tuwing weekends. Impressive din talaga. Parang alam ng phone na hindi ito nagagamit kaya na-reregulate ang power nito. Pero kapag ginagamit ko naman, mga 40 percent ang natitira everyday bago ako matulog. Ang maganda sa phone na ito eh meron itong Huawei Share kasi nagpapadali ng pagshe-share ng files at pwede ko ring ma-access ang apps ko sa phone gamit ang laptop.

Good Review

Crismarco Villanueva

  • Review by Crismarco Villanueva
  • Nov 13, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Futuristic na phone talaga ito!

Wala akong naging problema sa performance ng phone na ito at saka sa camera. At kalimitan kasi kapag bibili ako ng phone, ito ang tinitingnan ko. Pagdating naman sa battery ay above average naman ito at maganda talagaang display. Medyo nakakainis ang app access nito pero tolerable naman. Okay din ang pagkakaroon nito ng 5G na iba kesa sa karaniwang phone kaya mas nagustuhan ko ito.

Good Review

Avenir David

  • Review by Avenir David
  • Oct 28, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 3.0
Response 3.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 3.7

Problem with apps opening

Nakabili ako ng phone na ito last week at ang naging concern ko lang dito ay hindi ako makagamit ng viber na app. Naka-installed na ito sa Nova 7 5G ko na ito kaya lang sa tuwing i-oopen ko ito ay nagtataka ako kasi palagi itong nagka-crash. Pagdating naman sa camera nito, nagustuhan ko ang pagkakaroon nito ng high quality ng photos. Mabilis din ang 5G RAM Kirin 985 nito. Sana ma-fix na yung sa issue sa app nito at maka-open na nang maayos...

Good Review

Russel Cruz

  • Review by Russel Cruz
  • Oct 23, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Good 5G phone

Kung gusto nyo ng magandang phone na merong 5G capability pero okay lang kahit walang GMS, itong Nova 7 5G ng Huawei ang magandang option. Maganda at mabilis ito. Mas mahal nga lang ito nang konti sa SE version pero worth it naman ang mga features nito, power, at ang storage. Pero kung tight naman ang budget nyo, okay na rin naman ang Huawei Nova 7SE 5G kung papipiliin ka sa dalawa.

Good Review

Jeffy Sumulong

  • Review by Jeffy Sumulong
  • Oct 14, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Medyo nanibago lang...

Ilang months ko na ring gamit ang phone na ito kaso hindi ko alam kung bakit nagloloko yung ibang apps nito at hindi nag-rerespond para mai-install at kapag na-download ko naman nang buo, kailangan pang i-tap ulit ang install at i-allow. Hindi ito automatic na nag-iinstall after kong makumpleto ang pagda-download. Talaga bang ganito ito? Kasi sa dati kong phone eh hindi ganito kaya naninibago ako.

Good Review

Richie Advincula

  • Review by Richie Advincula
  • Sep 28, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Fantastic

Ito ang current phone na ginagamit ko sa ngayon at talagang nagustuhan ko ito. Napaka-fantastic ng camera at ng battery nito. Wala itong anumang heating issues dahil siguro sa magandang specs nito kaya lang ay iilan lang ang mapagpipiliang colors nito. Sa performance ay wala akong masabi kasi ang bilis-bilis talaga. Kung magkakaroon nga lang ng Google Playstore ito, ito na ang perfect phone para sa akin eh.

Good Review

Narlyn Burgos

  • Review by Narlyn Burgos
  • Sep 19, 2020
Design 4.0
Portability 4.0
Operability 4.0
Response 4.0
Display 4.0
Listenability 4.0
Battery 4.0
Total 4.0

Go lang kung techie kayo

Kung gusto mo ng simpleng phone lang at meron pang google play store, mag Nova 5t na kayo. Dito kasi sa Nova 7 5G, kung hindi nyo alam mag-download ng app na kailangan para magkaroon din kayo ng YouTube at iba pang Google products, hindi ito dapat ang bilhin nyo kasi mahihirapan kayo lalo na kung di kayo techie. Pero kung alam nyo naman, go lang kasi maganda naman ang performance nito.

Good Review

Cyrine Palmero

  • Review by Cyrine Palmero
  • Sep 10, 2020
Design 5.0
Portability 5.0
Operability 5.0
Response 5.0
Display 5.0
Listenability 5.0
Battery 5.0
Total 5.0

Huawei rocks!

Ang talagang dahilan kung bakit na-banned ang Huawei sa US ay hindi naman tungkol sa pag-eespiya nito sa gobyerno kundi yung market control nito. Naglabas kasi ang Huawei ng ultimate phone sa murang presyo lang at talagang makaka-apekto ito sa product ng Apple nang sobra. At dahil sa marami na ring mga citizen sa US na gumagamit ng Huawei na product, nalulugi nang husto ang Apple. Maganda kasi talaga ang mga phone ng Huawei at mura pa.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Mobile Phones

I got it from online and happy ako kasi ang bilis ng delivery nito. Honestly, talagang nagustuhan ko ang phone na ito. Kahit na wala itong Google products na nakaka-frustrate din at minsan eh ang ...Read more

  • Rating : 4.4
  • Review by Zyrus Garcia
  • Date : Mar 31, 2021

Sobrang elegant tingnan ng phone na ito at it works kahit na sa Globe or Smart na network communications dito at parehas na malakas ang signal. Ako mismo ang naglagay ng sim card dito at naglagay ng ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Noel Aspilla
  • Date : Mar 30, 2021

Meron lang akong tanong tungkol sa Optimizor, nagra-run ba talaga ito sa background at ini-scam lahat tulad ng ginagawa ng AVG sa Sony Experia? Pwede kaya itong mai-disable at dini-delete kaya nito ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Hannah Fulgencio
  • Date : Mar 30, 2021
View Mode: PC | Mobile