GoPro HERO8 Black Reviews

Overall Rating

Design 3.8
Picture Quality 4.1
Operability 3.9
Functionality 3.9
Battery 3.8
Portability 4.2
Display 4.2
Sound Quality 4.2
Total 4.0

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

April Santiago

  • Review by April Santiago
  • Sep 22, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

Amazing and great camera!

Mapapa-wow ka sa GoPro Hero8 Black na ito at talagang maganda ito para mapalitan ang luma kong GoPro Hero 5 Black. Yung camera nito at okay ang stabilization at na-amazed ako kung gaano kaganda ang quality ng sound nito kahit na sobrang hangin dito sa lugar na pinuntahan ko. So far, nagagamit ko palagi ang camera na ito sa mga road trips namin at sa mga hiking and swimming and it's really a great camera to use.

Good Review

Ivan Corcuera

  • Review by Ivan Corcuera
  • Sep 17, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

Ideal for active people

Importante na meron ka nitong GoPro camera kung very active ang lifestyle mo. Hindi mo kasi alam kung kelan mo gugustuhin na kumuha ng important moments. Kung naka-on ang GoPro mo, pwede mo itong mai-replay at makahanap ng mga magagandang moments ng ride mo, ng walk, at ng jog. Yung sa akin ay inilagay ko sa unahan ng motor ko. Hindi ko mabilang kung gaano karami ang mga na-capture kong moments na nkasama ang mga kaibigan ko kapag nagra-ride kami. Kaya rekumendado ko rin itong GoPro sa sinuman na gustong i-capture ang mga journeys nila.

Good Review

Herman Tan

  • Review by Herman Tan
  • Aug 28, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 4.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 4.9

Okay itong camera na toh!

Gustong-gusto ko ang camera na ito. Gusto ko kasi na nakakapili ako ng size ng lens at merong options sa frame rate. Inirerecommend ko na bumili kayo ng good set ng ND o kaya naman ay Polarizing filters. Mas maganda kasi tingnan ang mga images dahil dito eh. Yung isang downside na nakita ko lang dito ay nag-iinit ito nang sobra. Kahit na hindi pa ako tapos mag-record eh ganito ito kaya naman minsan ay binubuksan ko ang door ng battery para medyo i cool down ito.

Good Review

Alpha Joy Jose

  • Review by Alpha Joy Jose
  • Aug 20, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

So easy to use

Binili ko ito para sa daddy ko na palaging nagfi-fishing. Madali lang itong i-setup at napakadali ding gamitin. Kahit hindi siya techy ay kayang-kaya nya iset-up ito. Ang gaganda talaga ng footage at hindi nagiging issue mabasa man ng tubig. Nakabili ako ng battery charger pack na merong dagdag na battery dahil halos dalawang oras lang ang itinatagal ng battery kapag continous ang gamit. We really love it!

Good Review

Rizalea Cabrera

  • Review by Rizalea Cabrera
  • Jul 31, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

My daily camera

Kung active person ka, isa ang GoPro sa mga dapat ay essential na device mo. Hindi mo kasi alam kung kelan bigla-bigla mo na lang gugustuhing mag-capture ng isang scene. Kapag naka-on ang GoPro mo, pwede mong i-capture ang mga magagandang moments ng iyong mga lakad at mga travel. Yung sa akin ay may lagayan na permanently sa unahan ng bike ko kapag nagta-travek ako. Marami akong nakukuhang mga moments na masasaya kasama ang mga kaibigan ko. Kaya naman recommended ko talaga ang camera na ito.

Good Review

Maxine Velasco

  • Review by Maxine Velasco
  • Jul 23, 2020
Design 4.0
Picture Quality 5.0
Operability 4.0
Functionality 4.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 4.6

Awesome images

Ito ang ipinalit ko sa dating Hero Session ko at talagang pakiramdam ko ay nag-upgrade ako ng camera lalo na pagdating sa quality. So happy sa Hero 8 na ito. Kung meron man akong mairereklamo ay yung pagiging annoyung ng door nito. Palagi itong nagpa-pop out na buti na lang hindi natatanggal pero pakiramdam ko, isang beses eh matatanggal ito at mawawala. Pero buti na lang pwedeng palitan ang door. At saka kapag nag transfer ako ng files sa computer ko gamit ang cord eh halos dalawang oras ang itinatagal pero 2 minutes lang naman kapag i-iinsert ang card nito. Siguro ay mabagal na ang usb port ko pero nakakainis talaga. Pagdating naman sa mga images na kuha nito ay ang gaganda talaga at wala akong masasabi.

Good Review

Pia Myla Buena

  • Review by Pia Myla Buena
  • Jun 27, 2020
Design 2.0
Picture Quality 3.0
Operability 3.0
Functionality 3.0
Battery 1.0
Portability 3.0
Display 3.0
Sound Quality 3.0
Total 2.6

Disappointed ako dito

Pangit ang battery nito. Wala man lang nagsabi sa akin bago ako bumili nito na tumatagal lang ng isang oras ang battery nito at kapag icha-charge naman ay dalawa hanggang apat na oras na charging. What?? Pero ito ang totoo. At saka wala itong kasamang charger, Ang meron lang eh type C cable. Kahit na pwede namang gamitin ang luma kong Samsung na less than 2A ang charger, ayoko kasi. Kaya napabili na rin ako ng talagang charger kaso ang mahal din ng talagang charger nito kaya parang naglo-loot ang GoPro sa mga buyers nya. Ang mamahal din ng mga accessories nito.

Good Review

Maye Ann Borromeo

  • Review by Maye Ann Borromeo
  • Jun 23, 2020
Design 4.0
Picture Quality 4.0
Operability 4.0
Functionality 4.0
Battery 4.0
Portability 4.0
Display 4.0
Sound Quality 4.0
Total 4.0

It does the job naman

Napakaganda ng camera na ito at ang pinaka the best tungkol dito ay yung gimbal-like stabilization ng camera. Base sa mga naging experience ko sa paggamit nito, ito yung mga napansin kong mga pros and cons sa camera na ito:

Pros:
- Satibilzation na gimbal-like
- Maganda ang quality ng video.
- Napakadaling mag-edit dito dahil sa protune features.
- Pwedeng i-manual ang paggamit ng ISO at ng shutter control.
- Meron itong feature na "Timewarp"

Cons:
- Hindi masyadong maganda ang quality ng still image.
- Average lang pagdating sa low light.
- Wala man lang itong carrying case o kahit man lang pouch para ma-protektahan ang camera. Sa mahal ba naman nito, sana man lang ay meron kahit pouch.
- Walang kasamang accessories. Ang meron lang ay mount at adhesive para sa mga pakurbang surfaces. Sa mga bagong version nito, binabawasan pa nila ang accessories at nagmamahal pa sila ng presyo.

Good Review

Joanne Ayco

  • Review by Joanne Ayco
  • May 24, 2020
Design 1.0
Picture Quality 1.0
Operability 1.0
Functionality 1.0
Battery 1.0
Portability 1.0
Display 1.0
Sound Quality 1.0
Total 1.0

Pangit ang image quality nito

Gustuhin ko mang i-like ang camera na ito ay hindi ko magawa. Ilang buwan din kasi akong nag-antay na makabili nito sa halip na Hero 7 dahil sa mga features nito na ini-expect ko. Pero masasabi kong yung luma kong Galaxy na phone ay mas maganda pang gamiting pangshoot ng videos at pictures kesa sa camera na ito. Hindi naman sa pangit ang quality nito pero nagtataka ako kung meron bang mali dito sa camera na ito at nagalaw ko na ang ibang mga settings para umayos lang. Nakapanood na rin ako ng mga videos sa YT at na-praktis ko ang iba-ibang lighting pero ang horrible pa rin nitong gamitin. Ang isang dahilan kung bakit ito ang gusto kong bilhin ay dahil sa nagsho-shoot palagi ako ng pictures at videos at na-eexpose ang camera ko sa wet at maduming environment kaya ang gusto ko sana ay waterproof at dustproof na camera. Kaya lang ay nadisappoint talaga ako sa camera na ito at kung maibabalik ko lang eh ibabalik ko talaga.

Good Review

Althea Dela Cruz

  • Review by Althea Dela Cruz
  • Apr 22, 2020
Design 3.0
Picture Quality 4.0
Operability 3.0
Functionality 3.0
Battery 3.0
Portability 4.0
Display 4.0
Sound Quality 4.0
Total 3.5

Para lang ding GoPro 7s

Parang inulit lang ang gawa ng camera na ito eh. Lahat ng mga selling points nito ay makikita rin naman sa GoPro 7s black na nag upgrade lang ng software. Oo nga at bago ang hardware nito pero lahat ng mga vital key elements ay yon pa rin. Ang pangit nga lang ng battery door nito na talagang filmsy at madaling matanggal. Madaling mawala habang nagpapalit ng battery sa labas. Mas magiging maganda sana kung meron itong rubber tether na nakakabit sa battery door at sa camera.

Good Review

Wella Tahimic

  • Review by Wella Tahimic
  • Apr 20, 2020
Design 1.0
Picture Quality 3.0
Operability 2.0
Functionality 3.0
Battery 3.0
Portability 4.0
Display 4.0
Sound Quality 4.0
Total 3.0

Merong glitch

Merong glitch ang camera na ito. Kapag hawak namin ito nang naka-steady gamit ang selfie stick at i set nang rekta sa table namin, nagfi-flick sa kanan at kaliwa ito nang mga 10 segundo sa di malamang kadahilanan. Sobrang mess tuloy. Hanggang hindi nareresolbahan ang issue na ito, huwag na kayong bumili nito. Kaya naman balak ko ito isauli sa seller na pinagbilhan ko nito.

Good Review

Charine Balmaceda

  • Review by Charine Balmaceda
  • Mar 25, 2020
Design 4.0
Picture Quality 4.0
Operability 4.0
Functionality 4.0
Battery 1.0
Portability 4.0
Display 4.0
Sound Quality 4.0
Total 3.6

Mas higit pa dito ang ini-expect ko

Napaka-disappointing ng battery life nito. Wala man lang nagsabi sa akin tungkol dito bago ako bumil kasi halos isang oras lang ang itinatagal ng battery at kapag chinarge ko naman ay mga dalawa hanggang apat na oras katagal. Sobrang nakakairita talaga. At saka bakit wala itong kasamang charger? Basra meron lang na type C Cable. Though magagamit ko naman ang lumang Samsung ko na less than 2A ang charger, still, hindi pa rin dapat.. sa mahal ba naman nito. Ang mamahal din ng mga accessories nito. Sana iba na lang ang binili kong camera.

Good Review

Diana Lachica

  • Review by Diana Lachica
  • Mar 19, 2020
Design 3.0
Picture Quality 3.0
Operability 4.0
Functionality 4.0
Battery 4.0
Portability 4.0
Display 4.0
Sound Quality 4.0
Total 3.8

It does the job

Okay ang camera na ito at ang best thing tungkol dito ay yung gimbal like stabilization ng camera. Base sa naging experience ko sa paggamit nito, ito ang mga pros and cons na napansin ko dito:

Pros:
- Gimbal like stabilization nito.
- Ang ganda talaga ng quality ng video.
- Napakadaling mag-edit dahil sa protune features at flat profile.
- Yung option na manual ISO at shutter control.
- Yung pagkakaroon nito ng feature na Timewarp.

Cons:
- Yung image quality ay still photos pa rin.
- Average lang ang performance kapag low light ang environment.
- Wala man lang na carrying case o kahit man lang sana pouch para maprotektahan ang camera. Sa mahal nito, sana man lang meron ding pouch na kasama.
- Walang accessories na kasama. Ang meron lang ay yung mount at adhesive para sa mga curved surface. At sa mga version na lumalabas, nagmamahal sila ng presyo at binabawasan din ang accessories.

Good Review

Jonaly Suarez

  • Review by Jonaly Suarez
  • Feb 27, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 4.0
Functionality 4.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 4.8

Mas better kesa sa Hero 7

Nagkaroon ako ng problema dati sa camera kong ito at pinaayos ko pero ngayon ay ayaw nang mag dim down nito nang 10 percent after ng 1 minute na pagfi-film ko kaya naman ang hirap makita ng screen nito outside. Medyo nag-improve naman ang quality ng video at ng stabilization at mas naging earthy at warmer ang kulay. Mas nagiging okay pa lalo ang stabilization nito. Nagustuhan ko na hindi ko na kailangan pang ilagay ang camera na ito sa case para ma-mount ito. Yung isa ko nga lang na complaint ay hindi ako makakuha ng picture in 16x9 na format. Pero masasabi kong mas okay ito kesa sa Hero 7.

Good Review

Ruby Anna

  • Review by Ruby Anna
  • Feb 24, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

Best na action camera!

Napaka-spectacular ng camera na ito. Dati, ang ginagamit ko ay yung Osmo Action at at yung Hero 7 na black. Kung ikukumpara ang camera na ito sa mga nagamit kong camera dati, mas nagustuhan ko ang Hero8 black at wala nang parang nagiging blurry tulad nung sa Hero7. Mas okay pati ang stabilization nito sa Hero 7 at sa Osmo Acrion. Parang mas smooth at cinematic ang mga kuha ko gamit ang Gero8. Medyo mukhang noisy nga lang ito pag kuha sa loob lalo na kapag madilim pero talaga naman kasing ginawa ang camera na ito for daytime action scene. I love this camera at para sa akin ay the best na action camera ito.

Good Review

Carina Sia

  • Review by Carina Sia
  • Feb 14, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

The best GoPro!

Di ako bumili ng Hero 7 dahil meron na ako ng Hero 6 nung bago pa man lumabas ang 7. Pero itong 8 ay ang laki ng ini-upgrade sa stabilization sa 6 ko at saka mas maganda ang audio nito. Ito na nga ata ang pinaka-magandang GoPro pagdating sa stabilization. Kung kailangan nyo naman ng gimbal performance nang walang gimbal talaga, mas okay ito at saka kasyang-kasya pa sa bulsa ko kaya palagi kong dala-dala para makakuha ako ng mga videos kahit saan ko gusto. Hindi man masyadong great kapag medyo madilim ang paligid pero mas okay ito sa GoPro Hero 6 ko. Though hindi ko naman ito nagagamit talaga kapag madilim na kasi action camera ito na nagagamit ko sa daytime.

Good Review

Laarni Barreto

  • Review by Laarni Barreto
  • Jan 31, 2020
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

Great action camera!

Marami akong nababasa na review tungkol dito sa GoPro HERO8 Black na karamihan ay hindi masaya sa pag-upgrade nila dito. Unang beses ko pa lang makagamit ng GoPro na camera pero masasabi kong nagustuhan ko kaagad ito. Okay ang stabilization nito at na testing ko na rin itong gamitin underwater nang walang case at still, nag-performed pa rin ito nang maayos. Wala akong naging issue sa SD cards nito, o kahit na anu pa man. Incredible din ang quality ng image nito at kaya naman sobrang na-pleased akosa pagbili ko nito.

Good Review

Aloha Vicerio

  • Review by Aloha Vicerio
  • Jan 30, 2020
Design 3.0
Picture Quality 3.0
Operability 2.0
Functionality 2.0
Battery 3.0
Portability 3.0
Display 3.0
Sound Quality 3.0
Total 2.8

So many issues

Nagfe-freeze pa rin ito tulad ng GoPro 7 at bumabagsak ang takip ng battery kapag binuksan nang sobra. Hindi maganda ang mic adaptor na merong external mic dahil minsan ay nagrerecord at minsan naman ay hindi. Yung battery o SD slot ay iisang spot lang kaya kelangan pang tanggalin ang takip para magamit ang external mix adapter kaya naman sobrang exposed na yung battery at yung card slot. Hindi rin maganda ang connection nito kapag nagla-live stream ako gamit ang hotspots. Palagi kasing nadi-disconnect ang app at inaabot ako ng ilang oras para lang makapagsimula mag streaming. On paper, okay naman ang gopro at maganda tingnan kaya lang dahil sa mga issue nito, talaga namang nakakainis na.

Good Review

Daria Quintas

  • Review by Daria Quintas
  • Jan 27, 2020
Design 1.0
Picture Quality 1.0
Operability 1.0
Functionality 1.0
Battery 1.0
Portability 1.0
Display 1.0
Sound Quality 1.0
Total 1.0

Disappointed!

Nag-purchase ako ng camera na ito at nalaman ko after kong mai-unbox na hindi pala ito gumagana. Mahigit walong oras ang nasayang sa akin sa pagtawag sa mga customer service support nila para lang i-try ko kung maaayos pa ito. Kaya lang ay wala na. Hindi talaga nagwo-work. Kaya nung sinubukan kong kumuha ng kapalit dahil hindi nagwo-work, hindi daw pwede. Nagbayad ako para sa camera na magagamit ko sana pero dumating ito nang hindi gumagana. Kaya lang nakaka-disappoint na hindi ko pwedeng papalitan ito. Kaya sa may mga balak bumili nitong camera na ito, learn from my mistake at wag na nyong tangkain pang bumili nito dahil baka magka-problema rin lang kayo..

Good Review

Jun Padilla

  • Review by Jun Padilla
  • Dec 13, 2019
Design 5.0
Picture Quality 5.0
Operability 5.0
Functionality 5.0
Battery 5.0
Portability 5.0
Display 5.0
Sound Quality 5.0
Total 5.0

light and amazing specs

You will never go wrong in buying a gopro camera, kung mahilig ka sa adventure and you want to capture every good moments having a good pro is a good choice talaga lalo na pag sa dagat super ayos ito na gamitin kasi ganda ng kuha underwater at yung mag features niya super ganda talaga, so far wal apa akongmakitang cons niya side fom its price pero worth it pa rin naman, parang cellphone lang pero maliit at camera type lang talaga ito. I love this camera, and I love using it everyday, perfect for very vlogger din ngayon.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Digital Video Cameras

Magandang rugged na camera ito at camcorder. Marami ang nakakalimot na camera din ito at hindi lang basta pang video. Napakaganda nitong gamitin kahit saan ka pumunta o sa mga lugar na hindi mo ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Garreth de Dios
  • Date : Jan 25, 2021

Okay itong action camera at medyo nag-upgrade kesa sa dating model. Yung isang naging malaking upgrade nito ay ang lens cover na ngayon ay pwede nang mapalitan kaya talagang okay na okay na talaga ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Paua Castillo
  • Date : Jan 22, 2021

Ang ganda talaga ng camera na ito! Nagustuhan ko ang pagiging weather proof nito. Dinadala ko ito kahit saan eh. Ito yung una kong gopro camera at nag-research pa nga ako dati tungkol dito kaya nga ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Antoinette Labrador
  • Date : Jan 19, 2021
View Mode: PC | Mobile