Fujifilm X-A3 Kit Forum

Lowest Price P18,400 13 Prices
Color
A 24 MP sensor camera with a retro feel, touch screen LCD that tilts 180-degrees and can be used for macro photography and has wireless connectivity.
  • Mirrorless, 24.2 MP
  • 6400, 25600(Extended)
Related Models
Fujifilm X-A3 Kit

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Tiffany L.

  • Tiffany L.
  • Feb 11, 2019

Sa fuji ba may nabibili na case prefer ko actually silicone case, meron kasi ang canon eh gusto ko sana fuji ang camera na bilhin ko kung may case din sana ito.

gorio

  • gorio
  • Feb 15, 2019

may universal case naman ata na mabibili para sa mga camera sa akin kasi nabili ko online wala naman tatak sabi pwede sa canon at fuji yun. parang leather case yung nabili ko na brown at matagal ko din ito nagamit sa camera ko kahit papaano malaking tulong kapg nasa labas maliit lang na case ko siya nilalagay

Good Answer

jastine o. santos

  • jastine o. santos
  • Feb 15, 2019

mahirap makahanap ng silicone case para sa phone, matagal na ako naghahanap wala kasi dito sa amin, siguro nga puro online lang ito available hindi pa kasi ako nagchecheck sa online hindi ko pa kasi nasubukan na through online ako bibili na scam na din kasi ako dati kaya hirap na maulit nanaman ito para safe lang.

Good Answer

Tiffany L.

  • Tiffany L.
  • Feb 15, 2019

sa online ko nga nakita yung silicone case for canon nga lang ang nakita ko wala pang fuji kaya baka may alam kayo kung saan makakabili kahit online lang basta sigurado at maganda ito. Wala naman kasi mabibili sa mall puro leather nga eh ayoko ng leather na case mas gusto ko yung iba ibang kulay na silicone cases.

gorio

  • gorio
  • Feb 15, 2019

okay naman ang leather ahh, black at brown naman ang available, silicone kasi yung rubbery hindi ko gusto ang quality nito tska parang laruan na ang itsura kapag ganun ang gagamitin ko kaya hindi ko pinili yun, sa shopee ako tumingin so baka doon makakita ka din ng silicon case mo doon universal naman ata mag cases nila.

Good Answer

Sven Michael

  • Sven Michael
  • Feb 16, 2019 / Good Answers : 3

Case para sa camera? Wala pa ako nakitang camera na naka case kaya hindi ko alam, sa mga action camera meron pero yung case niya transparent at more of protection sa tubig kesa aesthetics, tanong mo din kaya sa mga seller dito kung meron silang binebentang case para sa mga camera nila at baka may alam sila na pwede mo pag bilhan kung wala sila

Good Answer

Mary Ko

  • Mary Ko
  • Feb 16, 2019

Last price na ba yan? Hindi ko alam kung eto yung nakita ko dati na nagustuhan ko kasi alam ko mas mahal pa yung presyo nun. Magkano din yung shipping fee at may warranty ba?

Good Answer

Kalbong Kalibo

  • Kalbong Kalibo
  • Feb 16, 2019 / Good Answers : 1

Yung presyo nito, siguro last price na yan at kadalasan naman talaga mas mura sa mga online shops kesa sa mismong mga tindahan kasi bawas na sa presyo nila yung renta pwesto, wala naman silang nirerentahan na pwesto at kung may bayad man yung pag post nila ng mga items nila dito mas mura pa yung singil sa kanila, wala pa nga sa kalahati ng singil sa renta yun. Check mo na din yung page ng seller, kung ano yung price na nakalagay doon ayun na yun

Good Answer

Arnel Duo

  • Arnel Duo
  • Feb 16, 2019 / Good Answers : 1

Yung shipping fee depende kung saan yung delivery address, kapag local delivery lang tulad ng withing Metro Manila madalas libre na o yung seller na nagbabayad kasi mura lang naman pero kapag probinsya ayun papabayad na nila sayo kasi mas mahal kapag malayo lalo na kapag nasa kabilang isla ka ng Pilipinas tulad ng Visayas o Mindanao kasi may shipping na talaga yun

Good Answer

John Apex

  • John Apex
  • Feb 16, 2019 / Good Answers : 2

Karamihan ng office ng mga online seller at courier ay nasa Metro Manila kaya may shipping na involve kapag bandang Visayas at Mindanao yung delivery unless siguro may office din sila sa mga lugar na yun or doon mang gagaling yung items, pag probinsya naman siyempre yung gas mahal. Sa warranty depende sa seller na din yun, kapag sobrang mura kesa sa original price malamang wala warranty

Good Answer

Miss Jackie

  • Miss Jackie
  • Mar 11, 2019

Yes meron yan nakabili ako sa Shopee ng silicone case, try mo lang yan isearch, pero para sa akin hindi ito maganda iba pa din yung leather cases niya, madali kasi mapunit nung silicon hindi ko alam kung sinadya na punitin o manipis talaga ito kaya napunit kaagad, pero kasi maraming colors kaya ang ganda sana.

Good Answer

jadenes

  • jadenes
  • Mar 11, 2019

Ako mas gusto ko kung bare lang kung bibili man ako ng camera wala ng case kasi sayang at hindi makikita yung ganda ang camera ko, balak ko din kasi bumili ng camera na lang kesa bagog telephono, kesa bumili ako ng mamahalin na phone camera nalang para matagal din ang battery nito kung palagi din naman ako nagpipicture.

Good Answer

sam eugenio

  • sam eugenio
  • Mar 11, 2019

para sa akin iba pa din kpag phone na bago wth a nice camera, sa dami ng bagong phone ngayon okay pa din yung may bagong phone na magagamit, iba din yung mismong camera lang. Pero gaya nga ng sabi mo more on picture taking ka siguro kailangan mo nga ng camera nalang. iba iba lang siguro tayo ng gusto.

Good Answer

SunBurst

  • SunBurst
  • Mar 11, 2019

maganda ba itong fujifilm na camera? okay din b na vlog at at pang video ito?

Good Answer

Mango Ramirez

  • Mango Ramirez
  • Mar 19, 2019

Maganda yung mga fujifilm camera, yung mga friends ko kasi na photographer recommended din nila sakin lalo na kapag beginner, mura daw saka may quality pero hindi ko pa mismo nagamit kasi wala pa pang bili. Kung pang video hindi ko alam pero kung pang blog okay naman, kung video blog mas okay na mag stick ka na lang sa camera ng phone mo kung maganda naman kasi hindi ata talaga ito pang video

Good Answer

EnSci101

  • EnSci101
  • Mar 19, 2019

Hindi ko recommend na gamitin itong X-A3 pang vlog, maganda yung camera at maganda din yung quality ng pictures pero hindi masyado pang video lalo na kung medyo maarte ka sa quality, hindi ko naman sinasabing masama yung itsura ng video but still mas maganda pa din yung mga video sa phones unless yung camera ng phone mo ay mas pangit pa

Good Answer

Nicolette Puntalan

  • Nicolette Puntalan
  • Mar 19, 2019

Yung presyo ba nito na Php18,400 original price na yan as in ayan dina yung presyo sa mga malls? Nalilito lang ako sa mga nakita kong presyo kasi ang lalayo ng agwat, eto Php18,400 yung isa Php24,990 tapos Php34,990, Php10,000 yung agwat nung last 2 prices so legit ba yung pinakamurang benta? Baka kasi madaya ako, wala akong way para iconfirm yung item

Good Answer

Alfredo Mayor

  • Alfredo Mayor
  • Mar 19, 2019

Totoo bang hindi pang pro itong camera na ito? Yung presyo kasi pang pro camera na pero parang kulang sa accessory slot, anyway base lang naman sa pagkakaobserve ko sa pictures. Madami nagsasabing maganda itong X-A3 kahit lumang model na pero yun nga sabi nila hindi daw ito pang pro, gusto ko sana bilhin para pwede ko gamitin pang personal saka trabaho

Good Answer

Jethro Salazar

  • Jethro Salazar
  • Mar 19, 2019

Hindi nakapost yung official price dito kaya hindi ko masasabing ayang Php18400 na yung original price pero possibleng mall price yung Php24990 kasi yung seller niyan meron store sa mga malls. Iba iba yung price na makikita mo kasi iba iba din yung seller at as long as hindi under o over price yung item, discretion na nila yung presyo

Good Answer

Rowan Nawor

  • Rowan Nawor
  • Mar 19, 2019

Sa pagkakaalam ko lang hindi talaga ito pro camera, mahal yung presyo niya pero hindi ibig sabihin pang professional yung gamit baka sadyang madami lang features kaya ayun yung nagpamahal. Pwede mo naman ata lagyan ito ng mga accessories basta compatible mukha naman kasing detachable yung lens pero hindi ko alam kung ano pang mga accessories pwede mo ilagay, anyway pro o hindi man yung camera nasa skills pa din yun ng gumagamit

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Digital Cameras

magdalin

It it assorted?

may other color pa po bang available sa fujifilm? kasi yong nakita ko sa online is black lang ang available. saan po ba ang may mas marming assorted na color specially ito po ang model na napili mo?..may masasuggest po ba kayo na nakabili ng ibang color. ... Read more

  • Last updated : Apr 15, 2019
  • Posted by magdalin
  • Replies of This topic : 5 Replies

kurt pam

Kind of Cam

what kind of camera is this? what is the greatest specification that can captivate may attention to buy this right now? just leave your comments here because im gonna wait at you. if someone gonna say yes you probably need these because it is so amazing ... Read more

  • Last updated : Apr 14, 2019
  • Posted by kurt pam
  • Replies of This topic : 5 Replies

sam eugenio

new or old camera?

Yung mga ganitong klase na camera ba luma na or bago pa din?? binebenta kasi sa akin ng kaibigan ko yung camera niya ng mura pero wala akong idea kung anong klaseng camera ito?

  • Last updated : Mar 22, 2019
  • Posted by sam eugenio
  • Replies of This topic : 7 Replies
View Mode: PC | Mobile