Ever Bilena All Day Liquid Foundation Reviews

Ever Bilena All Day Liquid Foundation

Lowest Price P195 4 Prices
Buildable liquid foundation that evens out skin tone and conceals blemishes, while providing hydration without the greasy feel.
  • Foundation
  • Hydrating, Long wearing, ...
  • Liquid, Blemishes, Uneven...
Ever Bilena All Day Liquid Foundation

Compare prices

Reviews

Forum

News

Overall Rating

Total 4.4

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Kyla Santiago

  • Review by Kyla Santiago
  • Feb 18, 2019
Total 4.0

Nice foundation for newbies

Medyo parang may scent na choco vanilla ito pero nawawala rin naman once na mai-apply na ito sa skin. Tumagal ito sa skin ko nang hanggang apat na oras at para sa akin ay okay na ito considering na mura lang ito. At saka siguro yung itatagal din nito ay naka-depende din kung nasaang lugar ka. Kung nasa isang air-conditioned room, mas tatagal pa ito siguro. I also like this product kesa sa nagamit ko before na mas mahal na brand at ini-rerecommend ko ito sa mga girls na nagsisimula pa lang sa magme-makeup nila..

Good Review

Suzu Abdon

  • Review by Suzu Abdon
  • Feb 17, 2019
Total 5.0

Buildable foundation

Simple lang ang packaging nito pero talagang effective ang product na ito. Hindi man ito full coverage na foundation when it comes sa formula, nagbibigay naman ito ng magandang base para sa pag-apply ng makeup. Hindi na rin kailangan pang gumamit ng concealeer o color corrector kapag gumagamit ako nito. Pagdating naman sa oil control propery nito, walang ipinagkaiba kahit na gumamit pa ako ng primer. Pero napansin ko na yung finishing powder na ginagamit ko ay nagma-matter talaga dahil nakakatulong ito na mabawasan yung pagta-transfer ng products at i-set yung tone kung gaano ito tatagal sa skin. Hindi ito shimmey tulad ng ibang BB o CC cream kaya mas preferred ko ang ganito. Nagbibigay ito sa skin ko ng parang sobrang flawless at luminous finish at mukha pang natural sa akin. Kailangan ko lang mag-blot sa T-zone ko kada dalawang oras kung hindi ko ito ise-set ng powder at hanggang apat na oras kung na-set ko naman. Overall, this product is very affordable at talagang sobrang buildable ng coverage kaya inire-recommend ko ito absolutely!

Good Review

Julia Cervera

  • Review by Julia Cervera
  • Feb 13, 2019
Total 3.0

Okay sana...

Medyo nadisappoint lang ako sa product na ito dahil hindi ito tumagal sa skin ko. Kung sana ay long wearing ito, nagustuhan ko talaga sana. Maganda naman kasi sana ang finish nito... hindi masyadong dewy at hindi rin masyadong matte at natatakpan nito ang mga blemishes ko at dark circles. Nagustuhan ko rin yung scent nya unlike sa ibang liquid foundation na hindi ko bet ang amoy. Kaya lang kahit na di ito tumatagak sa skin ko, hindi naman nagiging pangit tingnan or something na nagiging patchy sa balat ko. Yon nga lang, nakikita talaga na nagfe-fade yung foundation dahil visible yung broken apart nito sa skin ko.

Good Review

Maye Reid

  • Review by Maye Reid
  • Feb 12, 2019
Total 5.0

Love this foundation

Masasabi kong very promising ang product na ito. Very light lang ang coverage nito at hindi naman talaga natatakpan lahat ng mga blemishes kaya kailangan ko pang gumamit ng concealer. Pero nagbibigay ito ng sobrang sheet at ng natural na finish na parang hindi masyadong nagiging OA. Perfect na gamitin araw-araw dahil nagbibigay ito sa akin ng very fresh na finish. Maganda rin ito kapag ginamitan ng powder blush at ng highlighter. madaling matuyo sa skin ko at nagmumukhang matte. Sobrang bumagay ito sa normal skin ko...

Good Review

Mary Rodriguez

  • Review by Mary Rodriguez
  • Feb 11, 2019
Total 5.0

Love this foundation!

Very creamy ang consistency ng foundation na ito at sobrang buildable pa. Talagang totoo yung kini-claim nito na napapantay nito ang color ng skin at naco-conceal pa ang mga blemishes habang nagpo-provide ng moisturization sa skin nang hindi nagkakaroon ng feeling na greasy. Isa pang napansin ko sa product na ito at nag o-oxidize ito sa face ko at sa tingin ko ay naging medyo dark ang skin ko pero nagiging okay din naman kapag isi-net ito ng powder. Sobrang lightweight din nito sa skin ko at kapag na-settle na sa face ang foundation, wala kang mararamdaman na anything sa skin mo. At saka hindi ko na kailangan pang maglagay ng concealer dahil sa okay ang coverage ng foundation na ito at kahit hindi nito kini-claim na nakaka-control sila ng oil, nagwo-work pa rin naman ito sa skin ko na oily dahil hindi ako mahilig sa mga matte finish. I love the dewey look nito sa skin ko. Nagustuhan ko ang buildable coverage ng foundation nito at yung pagiging natural nitong tingnan. Kaya super-duper highly recommended ko ang foundation na ito sa mga gusto ng magandang coverage pero low ang budget.

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

Nai-try ko na nang ilang beses ang matte lipstick na ito kaya lang ay itinigil ko rin dahil nakakatuyot ng lips. Parang nagiging chapped ang lips ko sa tuwing gagamitin ko ito. Hindi ko nae-experience ...Read more

  • Rating : 3.0
  • Review by Eunice Samonte
  • Date : Jul 29, 2018

I love the Revlon Insta-Blush na may shade na nude kiss. Kahit kailan at kahit saan, nagpo-provide ito ng instant na nude kiss color sa cheeks ko. Very sheer ito at madaling i-blend na blush. Kahit ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Kate Cabuhat
  • Date : Feb 20, 2019

Hindi naman pangit ito sa face tulad ng ibang nababasa kong mga reviews. Medyo oily lang siguro pero nag-work naman sa skin ko ito at na-smoothen ang face ko. Talagang na-blur ang pores ko at parang ...Read more

  • Rating : 3.0
  • Review by Janella Guevarra
  • Date : Feb 20, 2019
View Mode: PC | Mobile