Ever Bilena Advance Lip and Cheek Stain Reviews

Overall Rating

Total 4.4

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Cess Reyes

  • Review by Cess Reyes
  • Nov 27, 2019
Total 4.0

Nice lip and cheek stain!

Talagang nice steal ang product na ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko kagusto ang lip and cheek stain na ito. Maganda ang color nito but medyo hindi lang tatagal sa skin. Nasanay kasi akong maglagay ng blush dahil kahit na naka-makeup ako kung walang blush, hindi ako kuntento. Kaya lang ang bilis lang kasi matanggal nito eh. Though madali lang itong i-applu at nabe-blend ko nang maayos sa skin ko bago matuyo. I recommend it too!

Good Review

Grace Ariola

  • Review by Grace Ariola
  • Nov 18, 2019
Total 4.0

Good for newbies!

This is the first tint na nagamit ko nung nag-aaral pa lang ako at nagsisimula pa lang mag explore ng mga makeups. Sobrang hype kasi nito dati at halos lahat ng mga friends ko ay meron nito kaya syempre meron din ako at saka ang maganda dito ay super affordable ito. Ang dami pang laman at super like ko rin ang quality nito. Hindi man the best quality pero okay na rin kaso mapait kasi ito na yon lang yung hindi ko nagustuhan. Pero madali namang nawawala yung lasa nya sa lips. At saka yon nga lang, hindi rin tumatagal ito sa lips ko. Maganda naman ang shade nito at mukhang natural lang kahit na ginagamit kong blush. It's a nice tint sa mga newbies in makeup.

Good Review

Niyyah Peralta

  • Review by Niyyah Peralta
  • Oct 29, 2019
Total 4.0

Recommended ko toh

Talagang inire-recommend ko ang lip and cheek stain na ito ng Ever Bilena kasi sobrang affordable lang nito. Wala itong anumang overpowering na amoy at talagang nagagawa ang job na maayos. Inire-rerecommend ko ito kung ang balat nyo ay may pagka-dry dahil moisturizing ang gel na ito kumpara sa mga liquid tints na nagamit ko before. Ang isa lang na ayaw ko dito ay medyo nagiging sticky na ito kapag napasobra ang lagay mo o nagdagdag ka ng maraming layer. Hindi naman ako nabo-bother nito pero sana ay ma-improve nila ang formula nito na tumagal pa sa skin at mawala yung pagiging mapait ng taste nito.

Good Review

Diana Grace

  • Review by Diana Grace
  • Oct 26, 2019
Total 5.0

Natural cheek stain

Una ko itong ginamit sa school noon at na-surprised ako kasi sobrang natural lang kung titingnan. Meron na talaga akong natural na rosy cheeks pero dahil sa palaging kulang sa tulog, parang nagmumukhang dull ang balat ko. At itong product na ito ang naging perfect na cheek stain ko na hindi halata na may ini-apply ako. Mga lima hanggang anim na oras ko itong nasa cheeks at pag uwi ko sa bahay ay nasa cheeks ko pa rin ang color nya na parang kakalagay ko lang. So natural and beautiful talaga tingnan.

Good Review

Abby Ferolino

  • Review by Abby Ferolino
  • Oct 16, 2019
Total 4.0

Love this tint for my cheeks!

Nung college pa ako nagsimulang gumamit ng gel type cheek tint na ito. Na-curious lang naman talaga ako dahil andaming gumagamit nito plus kinailangan kong maglagay ng something sa mukha ko para mas maging presentable sa tingin. Oo nga at medyo malagkit ito pero after naman itong ma-blend sa cheeks ko, nawawala din naman ang lagkit at sobrang ganda pa tingnan at mukha talagang natural. Hindi nga lang talagang long-lasting kaya kailangan ko pa ulit na palaging mag reapply ng product na ito.

Good Review

Riezel Eusebio

  • Review by Riezel Eusebio
  • Sep 7, 2019
Total 5.0

Very pretty!

Itong product na ito ay talagang unique at dual purpose talaga na nakakapagpa-kulay ng lips ko at nagbibigay din ng natural na color sa cheeks ko. Ang ganda tuloy tingnan ng makeup look ko kahit ito lang ang ginagamit ko at saka face powder. Pwedeng i-build up ang color kung gusto ng subtle color lang o mas matingkad pa dito. Di na kailangang mag apply ng lips gloss dahil very moist at lustrous ang lip pout ko.

Good Review

Alyza Lim

  • Review by Alyza Lim
  • Aug 29, 2019
Total 5.0

Parang lip tint ng The Face Shop

Pwede itong ikumpara sa The Face Shop na water tints dahil halos pareho talaga ang consistency nila at yung color pay off. Ang tagal pa nitong nag-i-istay sa lips ko at sa cheeks. Kaya lang, tulad ng ibang mga tints na nasubukan ko na, parang nakaka-dry naman ito pero pwede namang ma-fixed sa pamamagitan ng pag-aapply ng lip balm. Mas mura ito kumpara sa The Face Shop at talagang very handy pa dahil sa packaging nito. Sobrang okay nito!

Good Review

Yheng Zara

  • Review by Yheng Zara
  • Aug 23, 2019
Total 3.0

Okay sa cheeks ko but not sa lips

Yung shade na Very Red ang napili kong shade nito at ang gandang pang araw-araw na cheek tint nito sa akin. Napaka-flattering nitong tingnan sa balat ko kahit na sa mga morena na balat like me. Sobrang blendable pa nito at talagang convenient gamitin. Kaya lang, hindi ito masyadong tumatagal sa lips at yung inner part lang ng labi ko ang nagkakaroon ng stain. Hindi man long lasting ang lip and cheek tint na ito, still worth it pa rin ito sa price niya. Napaka-natural kasi nito sa cheeks eh at I really love the perfect glow na nagkakaroon ang cheeks ko.

Good Review

Faye Singson

  • Review by Faye Singson
  • Aug 15, 2019
Total 5.0

Love the look

Masasabi kong ang ganda ng lip and cheek stain na ito at talagang totally ay nakakapagbigay ito ng kulay ng lips na gusto ko at kahit na medyo nagda-dryang labi ko dito, ito pa rin ang prefer kong gamitin dahil sobrang natural lang nitong tingnan sa lips ko. Sobrang long wearing pa nito kaya mas naging bet ko talaga. Kahit na nagda-dry ang lips ko mga bandang hapon, pansin ko na okay din naman tingnan kasi nag stay talaga ito sa lips ko at parang kung titingnan ay may pagka korean ombre look talaga na gusto ko talagang ma-achieve noon pa.

Good Review

Ivy Vanessa

  • Review by Ivy Vanessa
  • Jul 26, 2019
Total 5.0

Favorite ko talaga

Masasabi kong the best ang product na ito for its price. Talagang nakakapagbigay ng hint ng tint na gusto ko at kahit na nagka-cracked ang lios ko ay nagagamit ko pa rin dahil nakakapag bigay ng madaliang flushed at mukhang healthy tingnan na lips. Long wearing talaga ang product na ito. Habang natutuyo ito sa lips ko, mas lalong tumatagal ito. Sobrang nagustuhan ko rin na parang nagkakaroon ng Korean ombre look ito sa lips ko pag matagal na at isa sa gusto kong ma-achieve. Kaya sa purpose lang na ito ay hindi na ako ulit nag-rereapply nito sa tanghali.

Good Review

Bhaby Fuentebella

  • Review by Bhaby Fuentebella
  • Jul 23, 2019
Total 5.0

Achieved ko ang natural flush sa cheeks ko!

Nabili ko ito sa Watson's at dun ako nag-swatched ng mga shades nito pero nalaman ko ang product na ito thru online. Tatlong shades ang binili ko: yung fresh fig, very red at yung tipsy. Mahilig ako mag-collect ng mga cheek tint kaya tatlo ang binili kong shades, Yung very red ang pinaka-paborito kong shade sa tatlo dahl ito yung pinaka-subtle at may most natural na look when applied sa cheeks. Kapag na-blend ang very red, parang nagbibigay ito ng pink shade flushed look. Yung fresh fig naman ay okay din kaya lang parang sobrang tingkad para sa akin katulad ng tipsy. Ginagamit ko ang mga ito over my foundation tapos ay ise-set ko gamit ang powder. Sobrang long lasting nito. Naglalagay ako nito ng mga 9am at umaabot hanggang 10pm na eh meron pa akong blush sa cheeks ko. At ang maganda pa dito ay hindi kailangang mag-apply ng marami. Isang dot lang ay tama na para sa isang cheeks. Gustong-gusto ko ang pagka-natural ng blush na ito at yung pagiging madali nitong i-blend Love it!

Good Review

May Arroyo

  • Review by May Arroyo
  • Jul 20, 2019
Total 3.0

Sana tumagal pa sa skin

Okay naman ang lip and cheek stain na itong Ever Bilena Advanced Lip and Cheek stain. Kaya lang, konting oras lang ang itinatagal nito kasi sobrang oily ng balat ko kaya I like it more as a lip stain Worth it naman kung pagbabasehan ang price dahil medyo matagal naman maubos ito. Ang complaint ko lang ay sana medyo mag last pa ito sa skin ko kung sa cheeks ko gagamitin. Maganda naman kasi ang color pero it doesn't lasts longer.

Good Review

Liezel Sacdalan

  • Review by Liezel Sacdalan
  • Jun 30, 2019
Total 5.0

Must have for me

Talagang palagi akong naghe-hesitant na gumamit ng mga makeup products dahil sa pagiging sensitive ng balat ko at saka isa pa ay hindi ako marunong gumamit ng mga makeup brushes. Pero nung magkaroon ako ng tsansa na makapag try ng makeup product, ito yung unang nabil ko at hindi naman ako nadisappoint dito. Napakadali kasi nitong gamitin at long lasting pa ang kulay. Isa ito sa mga must haves ko sa maliit ko lang na makeup kit.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Beauty

Ang gaganda ng color at halos lahat ay madaling i-blend at sobrang tingkad pa at talagang long-lasting kapag ginamit na. Medyo nahirapan nga lang akong tanggalin ng makeup wipes kaya kinailangan kong ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Camille Cabrera
  • Date : Nov 28, 2019

Hindi talaga ako mahilig sa lipstick at medyo skeptical ako sa mga shades nito. Pero pinili ko ang shade na kulay pula. At buti na lang, bumagay ito sa akin pretty well. But sadly ang color stick na ...Read more

  • Rating : 3.0
  • Review by Quincy Tan
  • Date : Nov 28, 2019

Ito ang only palette na must have ng mga makeup lovers kasi sobrang attractive nito at strong and consistent ang dating. Ang maganda pa dito ay cruelty-free ito. Yung ibang powder nito ay ang gandang ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Ariane Monzon
  • Date : Nov 21, 2019
View Mode: PC | Mobile