Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
As of May 17, 2021 (scheduled), all new posts to reviews and forums will be stopped.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

Dyson Cyclone V10 Absolute Reviews

Overall Rating

Design 4.1
Buttons 4.2
Suction 4.3
Quietness 4.3
Size 4.3
Cleaning 4.3
Total 4.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Princess Roque

  • Review by Princess Roque
  • Apr 23, 2020
Design 5.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 5.0

Best vacuum!

Wow! Sobrang slick ng vacuum na ito. Magaan at versatile pa. Talagang ito na para sa akin ang vacuum na merong pinaka-powerful na suction sa mga cordless na vacuum. Hindi tulad ng ibang cordless vacuums na wala pang trenta minutos na umaandar. Itong Dyson Cyclone V10 Absolute Vacuum ay hanggang 40 minutes ang andar kapag ginagamitko. Nakakapick-up din ito ng mga dumi-dumi sa sahig at mga fine dust sa mga carpet. Gusto ko rin kung paano pwede ko itong gawing handheld vacuum para naman magamit ko sa loob ng car namin. Kahit na medyo mahal ito, sobrang worth it naman ang price nito. Ito na ang bilhin nyo at hindi kayo madidisappoint dito for sure!

Good Review

Rosalinda Quite

  • Review by Rosalinda Quite
  • Apr 20, 2020
Design 5.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 5.0

So lightweight

Gustong-gusto ko ang vacuum na ito na talagang magaan lang. Meron akong scoliosis kaya masakit ang likod ko at ang convenience at ang weight ng vacuum ay importante talaga sa akin. Bumili rin ako ng stand nito at maging ito ay nagustuhan ko since hindi naka-haya haya lang sa sahig ang vacuum o kaya naman eh nakasandal lang sa dingding. Lahat ng mga attachment nito ay napapakinabangan ko sa bahay maging sa car namin. Madali kong nadadala ito kaagad papunta sa garahe dahil sa magaan lang talaga. Happy din ako dahil sa matagal din ang battery capacity nito kaya naman palagi ko itong inire-recommend sa mga kaibigan ko.

Good Review

Shin Gozos

  • Review by Shin Gozos
  • Nov 29, 2019
Design 5.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 5.0

Worth it kahit na pricey ito

Sobra kung mag-shed ng balahibo ng aso namin at saka iba pa yung mga dinadalan mga dumi at alikabok galing sa labas. Ang ginagamit ko nang ilang taon na ay ang Neato robot vacuum pero hindi ito magkasya sa mga maliliit na areas at sa mga sulok-sulok. Talagang nagagawa ng V8 ang job nito sa pag pick up ng mga alikabok kaya naman ang linis-linis ng sahig namin. At hindi ko kailangang ilagay sa maximum mode para gawin ito. I'm so satisfied with it.

Good Review

Anne Lustre

  • Review by Anne Lustre
  • Oct 22, 2019
Design 3.0
Buttons 3.0
Suction 4.0
Quietness 4.0
Size 4.0
Cleaning 4.0
Total 3.7

Daling mag discharge

Mahirap gamitin ang una naming Dyson na toh kasi yung handle ay masyado ang pressure sa may thumb ko pero nung masira ito nang under warranty pa, wala namang ganitong issue yung naging kapalit. Okay ang vacuum pressure nito pero ang battery life ay di tumatagal kahit na yung lower suction ang ginagamit ko. At ang pangit pa dito ay ang tagal-tagal nitong mag recharge. Nagagawa naman naming malinisan ang maliit na bahay namin bago mag discharge ang battery pero hindi palaging ganon.

Good Review

Maritoni Legario

  • Review by Maritoni Legario
  • Sep 29, 2019
Design 5.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 5.0

It's a great vacuum!

Nagustuhan ko kung gaano ito kagaan gamitin. Ang dali lang gamitin nito para sa akin at very convenient ako kasi importante sa akin ang weight ng vacuum na gagamitin ko. Bumili din ako ng stand nito at nagustuhan ko na hindi ito kailangan pang ihiga sa sahig o ipako sa wall ko. Lahat ng mga attachment nito ay nagagamit ko sa loob ng bahay at saka sa car namin. Madali ko lang nadadala sa garahe namin dahil nga magaan lang. Gusto ko rin ang battery capacity nito na matagal bago malow bat. I highly recommend it!

Good Review

Jean delos Santos

  • Review by Jean delos Santos
  • Aug 20, 2019
Design 5.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 5.0

Nice performance and quality

Ilang linggo pa lang namin na nagagamit ang vacuum na ito pero nagwo-work naman ito. Wala man itong fantastic features na akala ko ay meron, sa presyo nito ay sana tumagal ito nang maraming taon. Nabasa ko ang ibang reviews about this at gumawa kami ng shelf para sa mga attachments nito para madali namin itong makuha kapg kinailangan. As for it's performance, gustong-gusto namin itong gamitin at kahit maliit na pamangkin ko ay nagagamit din. Madali rin naman itong gamitin sa low setting at sabi niya ay para lang daw siyang naglalaro ng nerf guns.

Good Review

Meg Cruz

  • Review by Meg Cruz
  • Jul 31, 2019
Design 4.0
Buttons 5.0
Suction 5.0
Quietness 5.0
Size 5.0
Cleaning 5.0
Total 4.8

Okay itong suction

Sobrang okay ang vacuum na ito. Very sufficient ang suction sa medium or kahit na sa low setting pa at enough sa mga common na gamit. Nakikita kong marami ang nagco-complain sa battery nito pero to be honest, naka bente minutos akong gamit sa medium na srtting with power head. Intended ang vacuum na ito panlinis sa mga dum-dumi nang hindi na kailangan pang mag hila ng malaki at bulky na vacuum na merong mahahabang cords. Ang isa ko lan na hindi nagustuhan dito ay yung wand itself na parang gawa sa poor material. Bumagsak kasi nung isang beses ang wand nito na naka-attached sa head nung minsan na tinanggal ko at nagkaroon tuloy ng small dent sa wand tube nito. Pero so far, as for it's performance, it's a nice vacuum naman.

Good Review

Armyn Soler

  • Review by Armyn Soler
  • Jun 29, 2019
Design 4.0
Buttons 4.0
Suction 4.0
Quietness 4.0
Size 4.0
Cleaning 4.0
Total 4.0

Hindi worth sa price nito ang battery

Hindi ako kuntento sa tinatagal ng battery nito kung pagbabasehan ko yung price ng vacuum na ito. Sa maximum setting nito, limang minuto lang ang itinatagal nito at yon eh after ng tatlo at kalahating oras na pag-cha-charge nito. Sa pinaka-mababang setting naman, nagagamit ko ito sa paglilinis ng carpet namin ng mga trenta minuto lang katagal. Kaya naman hindi ito nag-work sa akin...okay lang ito sa maliliit ang apartment. Maganda sana at okay gamitin pero sana matagal lang ang battery.

Good Review

Rylin Padua

  • Review by Rylin Padua
  • Jun 11, 2019
Design 4.0
Buttons 4.0
Suction 4.0
Quietness 4.0
Size 4.0
Cleaning 4.0
Total 4.0

This is such a wonderful machine!

This vacuum is really helpful for me pero meron itong flaw kaya hindi ko mabigyan ng pinaka-mataas na rating. Yung isang hindi ko nagustuhan dito ay naka-sealed ang batteries nito sa head kaya hindi ako pwedeng bumili ng extra para dito. Hindi ko alam kung ginagawa lang ng company ito para bumili ng pangalawang ganito once na masira na ang product. Sana magkaroon sila ng version na pwedeng palitan ng battery pero alam kong malabong mangyari yon. Well, sa mga bibili naman nito, I suggest na i-charge nyo ito nang at least tatlong oras bago gamitin.

Good Review

Karen Barcelona

  • Review by Karen Barcelona
  • May 30, 2019
Design 4.0
Buttons 4.0
Suction 4.0
Quietness 4.0
Size 4.0
Cleaning 4.0
Total 4.0

Perfect for cleaning...

I've been using this Dyson V10 Absolute for about three months na. At tulad ng mga sinasabi ng iba, hindi worth it na i run ito oh high unless na importante talaga. At kahit na importante, matagal ang aantayin mo. Aside dito, perfect ito gamitin sa paglilinis namin araw-araw. Meron kaming dalawang aso sa bahay at kailangan naming palaging mag vacuum araw-araw. Dati ay mabigat kasi ang ginagamit kong vacuum pero nakakapagod din kasi at hindi convenient na araw-araw gamitin. Pero ang vacuum na ito ay ang gaan at nalilinis pa nito lahat ng surface sa bahay namin kahit na sa floor naming kahoy hanggang sa tiles at sa carpet pa. Okay din gamitin sa mga furnitures at ang maganda dito ay naaabot din nito ang mga spots na mahirap maabot unlike sa dati kong vacuum.

Good Review

Ayen Gabriel

  • Review by Ayen Gabriel
  • May 28, 2019
Design 1.0
Buttons 1.0
Suction 1.0
Quietness 1.0
Size 1.0
Cleaning 1.0
Total 1.0

Super disappointed ako!

Gumastos ako ng mahigit 40 thousand sa something na hindi makalinis ng condo ko. Tumagal lang ang battery nito sa kuwarto ko lang at kalahati nung ginamit ko ito nang mid power lang. Hindi maka-hold ng charge kaya kung gagamitin nyo ito, kailangang i-charge nyo agad ito isang araw bago kayo mag vacuum. Yung filter at yung airways nito ay nababarahan agad pagkatapos gamitin nang matagal. Yung trash ay hindi kaagad lumalabas unlike sa commercial. Kailangan pang ilagay ko ang kamay ko sa container para lang matanggal ito. Otherwise, palagi itong magbabara. Magaan ito pero sobrang gaan naman na parang nag-i-iskim lang sa ibabaw ng carper at kapag sinubukan ko namang idiin, pakiramdam ko ay mababali ito dahil yung mabigat na parte ay yung sa ibabaw at magaan yung sa ilalim. Sobrang liit ng container at parang nagbibigay lang ng ilusyon na nakaka-kolekta ng maraming trash. I'm so disappointed with this purchase!

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Vacuums

Medyo mabigat ang canister ng vacuum na ito kaya siguro pwedeng gamitin ito in intervals. Mabilis itong mag-chargge at tumatagal naman ang battery kapag ginagamit ko. Meron itong tatlong modes pero ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Luigi Palma CariƱo
  • Date : Jul 23, 2020

Wish ko lang na magustuhan ko pa ang vacuum na ito. Kaya lang ay hindi talaga nagwo-work na. Ayaw na itong mag-on o mag-charge man lang. Kinontak ko na ang Dyson dito at sinabi nila ay wala silang ...Read more

  • Rating : 1.0
  • Review by Jenn Cervantes
  • Date : May 25, 2020

I really love dyson. Perfect ang vacuum na ito sa tiles at sa kahoy naming sahig at maging sa mga basahan. Ginagamit ko ito sa banyo namin at sa kusina at i really enjoyed using it. Madali nitong ma ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Sarah Jane Ramos
  • Date : Sep 29, 2019
View Mode: PC | Mobile