DeVant 32 in. 32DL540 Forum : "Kulang"

Kulang

Baxia

  • Baxia
  • Oct 23, 2019

Parang kulang yung screw doon sa box, kakadating lang nito 2 days ago ngayon lang ako nag kaoras iassemble, kaso hindi ko makita yung isang screw para sa stand

Johnny Baduta

  • Johnny Baduta
  • Nov 21, 2019

Pwede ka naman bumili na lang screw niyan brad, hindi naman unique mga screw ng TV, punta ka Ace hardware at dalhin mo yung isang screw para may sample ka, in case na hindi mo alam yung tawag sa screw na gamit nung TV mo, mas hassle kasi kung ibabalik mo pa yan sa seller or aantayin madeliver sayo yung kulang na screw, mura lang naman din mga ganyan

Good Answer

Kakarot

  • Kakarot
  • Nov 21, 2019

Nung binuksan mo ba yan nakalagay sa plastic yung mga screw? Lagi nakalagay sa plasitc yung mga yun siyempre common sense na sa mga seller at manufacturer yun para hindi kung saan saan mapunta yung mga screw or mahulog pag bukas ng box. Kung wala sila sa plastic malamang may nagbukas ng box, either yung seller or yung courier

Good Answer

Ryan Gusion

  • Ryan Gusion
  • Nov 21, 2019

Screw saan ba yung kulang? Para sa stand o wall mount? Kung alin sa dalawa yung kumpleto yung screw edi ayun na lang gawin mo kasi ganun din naman, sa bagay kung wall mount hassle din pero kung stand yung gagamitin mo may solution naman lagi diyan saka hindi mo naman kelangan lahat ng screw doon, hindi lang siya super stable pero stable pa din yun kapag pinatong mo na TV

Good Answer

Kirby Cute

  • Kirby Cute
  • Jan 23, 2020

May nabibili naman na screw para sa stand at wall mount pero mahirap pa din maghanap minsan, yung mga common lang naman na ginagamit yung madalas na meron sa tindahan kahit sa Ace hardware, may hinahanap nga akong specialty screwdriver pero sa lahat ng hardware na mapuntahan ko wala sila, punto ko lang ingatan mo yung screw kasi mahirap din mag hanap, kung wala ka makita sa Ace hardware try mo sa mga nasa labas ng mall madalas sila kumpleto kapag wala, online shop

Good Answer

Phee Sky

  • Phee Sky
  • Jan 23, 2020

Kung sure na sure ka na talaga na wala sa box or hindi nahulog yung screw, wala ka talaga magagawa kung hindi bumili, check mo online kung anong klaseng screw or yung tawag sa screw na ginagamit sa Devant, at habang nag hahanap ka try mo din mag tingin sa mga online shop kung meron nag bebenta baka nga kasi hindi ka makakita basta basta sa mall

Good Answer

Ace Rivero

  • Ace Rivero
  • Jan 23, 2020 / Good Answers : 1

Hindi ba pwedeng humingi na lang sa appliance store ng screw kung kulang? Ilan ba nawawala? Alam ko may protocol sa mga ganyan na ibalik kahit isang screw lang kulang pero mas hassle kasi yun kesa bigyan ka ulit ng isang set ng TV, kung isa lang naman or dalawa mag tanong ka na lang kung pwede makahingi ng extra screw kung pwede

Good Answer

Kirby Cute

  • Kirby Cute
  • Jan 23, 2020

Ang alam ko hindi pwede humingi saka kelangan talaga ibalik yun kasi binibilang sa inventory yun ng store pati sa manufacturer, sa pag kakaalam ko lang, mahigpit kasi sa inventory mga yun siyempre malaking company. Pero try mo pa din kasi baka nga naman mapapakiusapan yung tindahan ayaw din naman nila ng perwisyo kaya baka pumayag sila kung meron man sila extra screw

Good Answer

MacMac Donalds

  • MacMac Donalds
  • Jan 23, 2020

Matanong ko lang, paano kung meron akong 4k na movie tapos gusto ko panuorin dito, gagana ba? Saka pag dating sa mga channel or quality ng palabas na galing sa mga mismong network at cable operators, paano kung ganun din, magpalabas sila ng movie na 4K yung quality, makakanuod ba kami 4K resolution o hindi? Kasi wala ka naman choice pag dating sa cable

Good Answer

Kyle Monterro

  • Kyle Monterro
  • Jan 23, 2020

Pagdating sa movie file, mga movies na papanuorin mo mula sa flash drive, hindi siya makikita ng TV kapag hinahanap mo na sa file explorer at kung mahanap man, lalabas lang error message. Sa mga cable company at TV networks naman, lagi sila nag reready ng magkaiba resolution ng palabas, hindi ko lang alam paano yung distribution nun pero automatic mag fix sa resolution ng tv yung palabas, either way lalabas lang din sa TV kung ano yung resolution na kaya niya siguro

Good Answer

Reply

Latest Topics for TVs

Harry Guson

NBA League pass

Wala ba itong NBA League pass? Gusto ko kasi manuod sa TV kesa sa phone

  • Last updated : Mar 20, 2020
  • Posted by Harry Guson
  • Replies of This topic : 3 Replies

Joy Olivarez

matibay ba ito?

new tv ang hanap ko ito ang on sale sa amin? okay ba ang feedback sa tv na ito?

  • Last updated : Mar 14, 2020
  • Posted by Joy Olivarez
  • Replies of This topic : 0 Replies

Drei.Just. Me 2020

service centers in Manila?

wala ba ito sa province? balak ko sana bumili para sa probinsya namin.

  • Last updated : Mar 14, 2020
  • Posted by Drei.Just. Me 2020
  • Replies of This topic : 5 Replies
View Mode: PC | Mobile