Chery Tiggo 5X Forum "Madami na pala sasakyan Chery?"
-
Madami na pala sasakyan Chery?
Trevor Primavera Jun 23, 2020
Kala ko sedan pa lang, parang bago pa lang kasi yung mga nakita kong sedan, may truck na din kaya sila?
-
Kenneth Banson Jun 24, 2020
Meron na hindi ko lang alam mga model ng truck nila, pero sa mga nakita ko yung mga maliit na truck lang at ewan ko lang kung meron din sa Pilipinas, hindi ko alam kung may mga trailer truck sila siguro sa ibang bansa pa lang or sa China pa lang meron, pero hindi din naman kamurahan yung mga kotse nila kaya mas mabuting bumili na lang sa mga kilalang brand ganun din naman
Good!
-
Vince Garcia Jun 24, 2020
Lahat ng kotse nila wala nga naman talagang mura, pareho lang yung presyo nila sa mga kilalang kotse, meron din naman mas mura galing sa Honda at Toyota kaya kung hindi pa kayo sigurado sa quality ng brand, mas mabuting doon na lang muna sa japanese brand wala din naman bagong o maganda sa mga kotse nila, pero kung gusto niyo din naman itry okay din naman, sabi ko nga wala naman masyadong pinagkaiba sa ibang brand
Good!
-
Nigel Del Mundo Jun 24, 2020
Kaso ang isang problema, may service ba niyan dito? Kung wala silang dealer dito sa Pilipinas edi mahirap mag hanap ng service center niyan hindi ba?
Good!
-
Felix Nabor Oct 23, 2020
Legit na ba talagang tong Chery brand? Kala ko sa smartphones lang madami naglalabasan na bagong brand meron din pala sa kotse
Good!
-
Paul Escobar Oct 23, 2020
As far as I know hindi bago ang Chery cars dahil mga 19' somethings pa yung company, ang pareho siguro nito sa mga bagong brand sa phones ay recently lang sila nag benta globally kasi chinese company din ang Chery, malamang katulad nila madaming mga company sa China na nag palakas muna sa bansa nila bago nag decide itry magbenta sa ibang bansa
Good!
-
Norman Hassam Oct 23, 2020
Late na sila naglabasan ng China, mahihirapan na sila baguhin yung tingin ng tao sa mga china products, paano yung mga nakalabas sa bansa nila puro scam products kaya tuloy ang tingin ng buong mundo sa mga pekeng produkto laging galing China na. Mababago lang siguro tingin ng tao sa chinese companies kapag naglabas na sila ng matinong product
Good!
-
Eddie Galang Oct 23, 2020
Hindi naman impossible na gumanda tingin ng mundo sa mga produkto ng chinese dahil may mga magagandang products naman sila, unang una yung Xiaomi smartphones, kahit may bloatware yung phones nila naimplement naman nila ng maayos kaya naging welcome sa karamihan. Yung Genshin Impact na game app at Mobile Legends, mga Chinese may gawa nun pero makita mo laking benta sa ibang bansa
Good!
-
Tim Salinas Oct 23, 2020
Karamihan naman ng parts ng kotse gawa din naman sa China kaya hindi natin pwedeng sabihin lahat ng gawa nila ay low quality, pero kung titigilan nga lang siguro mag clone ng mga products nitong mga ibang Chinese baka matigil na din yung negative na tingin ng tao sa kanila. Wala pa din naman tayo nababalitan na pangit sa mga sasakyan ng Chery, maayos naman siguro mga gawa nila kasi kung hindi mag iingay mga tao sa social media
Good!
Latest Car Forum
-
PARTS FOR SERVICE CHERY TIGGO 8
When this vehicle starts to have mechanical problems...where can you purchase parts. I live in Tarlac City...so that means I need to drive to Manila or LA Union to have this vehicle serviced. The dealership in Tarlac City is Temporarily Closed..not sure ... Read more
-
how is its performance
Any owners here na makakapag share kung worth buying ang Chery Tiggo na kotse, sayang hindi kasi available sa showroom nung nag visit kami eh