Canon PowerShot G7 X Mark II Forum : "Ayaw gumana"

Ayaw gumana

BRNRD

  • BRNRD
  • Aug 30, 2018

Kabibili ko lang Canon PowerShot G7 X Mark II na camera,ang problema niya hindi ko ma zoom in kapag na take ako ng picture,hindi ko kasi namalayan pag bili ko,ng try ako nang isang pictures okey na okey siya kaya lang hindi ko natry na mag zoom in and zoom out kapag kumukuha ako nang pictures,pagdating ko sa bahay namin doon ko nalaman na hindi pala gumagana yong zoom in niya ninakawan ko kasi ng pictures ang lolo ko,pwede ko pa ba itong ibalik sa kanila,o papalitan ko nang bago.

drake masangkay

  • drake masangkay
  • Sep 2, 2018 / Good Answers : 1

since bago sir pwede niyo ito ibalik sa store with the receipt and box. Lahat po ng ksma para cgro ma replace nila. Of course ichecheck din nila ang problema kung defective talaga ang camera kasi baka may nagawa din kayo kaya hindi na ito gumagana. Sila lang makaka check nito. Under warranty panaman ito for sure. Kaya ibalik niyo na habang bago pa.

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 13, 2018

Pwede mo ibalik yan, lagi naman may 3 days return policy mga tindahan basta wag mo kakalimutan yung resibo, saka make sure na walang gasgas yan pag balik mo kasi gagawin lahat ng store para lang ireject yung return mo, pakita mo din yung issue. Malamang sasabihin nila na ipacheck mo na lang sa service center nila yan, wag ka papayag sabihin mo gusto mo palitan kasi baka refurbished yang binigay sayo

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 7, 2018 / Good Answers : 1

Sigurado ka bang hindi nagana yung zoom ng camera mo or hindi mo lang alam paano gawin? Check mo sa instruction manual muna bago mo ibalik kasi sayang oras mo kung ayun lang naman problema mo. Kung napalitan mo na at talagang sira lang yung zoom ng camera mo edi ayos, pero next time wag mo kalimutan icheck lahat ng feature bago mo bilhin

Good Answer

Judith Saremo

  • Judith Saremo
  • Oct 11, 2018

napaka simple lang naman mag zoom siguro alam naman niay gamitin ang camera na ito. Pero kung sira ito since bago lang ibalik niyo na dapat kaagad baka defective ang nakuha niyo na camera kaya ganyan po siya hndi na zozoom pero dapat bago niyo binili ito na test niyo na sa store yung functions niya bago niyo ito binayaran.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 11, 2018

sana lang nabalik niyo kaagad kasi sayang naman ang bili niyo kung may sira pala itong nabili niyo na camera. mahal panaman ang camera na ito kaya medyo impossible din na defective ito eh baka may mali lang sa ginagawa niyo kaya hindi gumagana ang zoom na option ninyo. tama yung sabi nila basahin nyo din manual baka may kailangan kayo na gawin muna.

Good Answer

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 11, 2018 / Good Answers : 1

for sure yan defect, bibili ka ng camera tapos hndi mo alam gamitin impossible naman, kung hndi mo na try sa store possible na defective pero kung na try niyo naman baka nasira niyo na

Good Answer

Harold Remulo

  • Harold Remulo
  • May 18, 2019

Defective naman ata yung unit, dapat binalikan mo yung tindahan na pinagbilhan mo para matesting din nila, baka kasi may tamang settings lang din

Good Answer

Aria Ibisate

  • Aria Ibisate
  • May 18, 2019

Sayang po hindi niyo agad natesting yung zoom function ng camera, kung nalaman niyo agad sana yung problema baka hindi na kayo nahassle bumalik pa ng tindahan na pinagbilhan niyo niyan, minsan pa naman maarte yung staff sasabihin problema niyo na yan o hindi paghihinalaan pa kayong pinalitan yung item, bawas kita kasi sa kanila

Good Answer

Reply

Latest Topics for Digital Cameras

Peeps Felizarta

on tripod?

any type of camera ba pwede ilagay sa tripod?

  • Last updated : Jul 15, 2020
  • Posted by Peeps Felizarta
  • Replies of This topic : 6 Replies

Marilen Gonzalez Kahn

worth it paba?

may magandang phone camera naman ako pero parang gusto ko mag explore sa photography so parang gusto ko ng dslr na camera, o pwedeng phone nalang din gamitin ko?

  • Last updated : Jul 14, 2020
  • Posted by Marilen Gonzalez Kahn
  • Replies of This topic : 0 Replies

Glen Sanchez

Ang mura huh?

Eto ata yung murang nakita ko sa mga dslr, lumang model na ba to?

  • Last updated : Jul 13, 2020
  • Posted by Glen Sanchez
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile