Canon PowerShot G7 X Mark II Forum

Canon PowerShot G7 X Mark II

Lowest Price P25,800 29 Prices
Compact camera that focuses on great performance and compact design suitable for people who are in the go,
  • Compact, 20.1 MP
  • ISO 125-6400 (in Auto mod... more specs
Canon PowerShot G7 X Mark II
Latest model

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

vint ben

  • vint ben
  • Jul 15, 2019

pwedi ba itong mazoom in tsaka out? hindi ko kasi makita yong zoom kapag nagttake na ako ng selfie or mga photos and videos magttingin ako non para clear sa paningin ko. di ko kasi mahanap ang setting kasi nga bago palang ako may ganito. bagong bili ko lang and first time ko pang magtake ng picture gamit ang canon brand new camera. so parang sa akin masyadong mahirap pala pag first timer ka. buti pa yong iba alam na alam nila ang paggamit ng ganitong camera. yaan niyo na guys malalaman ko rin ang proper shot ng mga magagandang tanawin. sa ngaun respect post mona ha.. heheh joke lang.. basta settings lang para makita ko yong zoomm,, san ba yon banda>??

Reply

Laureen Kim

  • Laureen Kim
  • Jul 11, 2019

Marami akong nakikit na vlogger sa youtube ito ang camera na gamit, so ibig sabihin okay talaga siya pang vlogging? ano pinagkaiba nito sa ibang camera naman?

Ale

  • Ale
  • Jul 18, 2019

naku marami nakayang gumagamit ngaun ng gopro ano ka ba...sa dami dami ng blogger ngaun dito sa pinas ito yong sikat na camera na madalas ginagamit ng iba. take not madalas ginagamit ng ibang blogger ngaun dahil daw sa mas effective to and mas may kaakibat na ganda ng camera na ito. di naman din masasayang yong pagbblog mo dahil nga gaya ng sinabi ko very good siya for blogging ..and sa tingin ko na man ee hindi ako nagkamali sa sagot ko. dahil iyon ay totoo and kitang kita and alam na alam nating lahat ng super duper in demand ito ngaun swear ko yan sa inyo.

Good Answer

Reply

BRNRD

  • BRNRD
  • Aug 30, 2018

Kabibili ko lang Canon PowerShot G7 X Mark II na camera,ang problema niya hindi ko ma zoom in kapag na take ako ng picture,hindi ko kasi namalayan pag bili ko,ng try ako nang isang pictures okey na okey siya kaya lang hindi ko natry na mag zoom in and zoom out kapag kumukuha ako nang pictures,pagdating ko sa bahay namin doon ko nalaman na hindi pala gumagana yong zoom in niya ninakawan ko kasi ng pictures ang lolo ko,pwede ko pa ba itong ibalik sa kanila,o papalitan ko nang bago.

drake masangkay

  • drake masangkay
  • Sep 2, 2018 / Good Answers : 1

since bago sir pwede niyo ito ibalik sa store with the receipt and box. Lahat po ng ksma para cgro ma replace nila. Of course ichecheck din nila ang problema kung defective talaga ang camera kasi baka may nagawa din kayo kaya hindi na ito gumagana. Sila lang makaka check nito. Under warranty panaman ito for sure. Kaya ibalik niyo na habang bago pa.

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 13, 2018

Pwede mo ibalik yan, lagi naman may 3 days return policy mga tindahan basta wag mo kakalimutan yung resibo, saka make sure na walang gasgas yan pag balik mo kasi gagawin lahat ng store para lang ireject yung return mo, pakita mo din yung issue. Malamang sasabihin nila na ipacheck mo na lang sa service center nila yan, wag ka papayag sabihin mo gusto mo palitan kasi baka refurbished yang binigay sayo

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 7, 2018 / Good Answers : 1

Sigurado ka bang hindi nagana yung zoom ng camera mo or hindi mo lang alam paano gawin? Check mo sa instruction manual muna bago mo ibalik kasi sayang oras mo kung ayun lang naman problema mo. Kung napalitan mo na at talagang sira lang yung zoom ng camera mo edi ayos, pero next time wag mo kalimutan icheck lahat ng feature bago mo bilhin

Good Answer

Judith Saremo

  • Judith Saremo
  • Oct 11, 2018

napaka simple lang naman mag zoom siguro alam naman niay gamitin ang camera na ito. Pero kung sira ito since bago lang ibalik niyo na dapat kaagad baka defective ang nakuha niyo na camera kaya ganyan po siya hndi na zozoom pero dapat bago niyo binili ito na test niyo na sa store yung functions niya bago niyo ito binayaran.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 11, 2018

sana lang nabalik niyo kaagad kasi sayang naman ang bili niyo kung may sira pala itong nabili niyo na camera. mahal panaman ang camera na ito kaya medyo impossible din na defective ito eh baka may mali lang sa ginagawa niyo kaya hindi gumagana ang zoom na option ninyo. tama yung sabi nila basahin nyo din manual baka may kailangan kayo na gawin muna.

Good Answer

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 11, 2018 / Good Answers : 1

for sure yan defect, bibili ka ng camera tapos hndi mo alam gamitin impossible naman, kung hndi mo na try sa store possible na defective pero kung na try niyo naman baka nasira niyo na

Good Answer

Harold Remulo

  • Harold Remulo
  • May 18, 2019

Defective naman ata yung unit, dapat binalikan mo yung tindahan na pinagbilhan mo para matesting din nila, baka kasi may tamang settings lang din

Good Answer

Aria Ibisate

  • Aria Ibisate
  • May 18, 2019

Sayang po hindi niyo agad natesting yung zoom function ng camera, kung nalaman niyo agad sana yung problema baka hindi na kayo nahassle bumalik pa ng tindahan na pinagbilhan niyo niyan, minsan pa naman maarte yung staff sasabihin problema niyo na yan o hindi paghihinalaan pa kayong pinalitan yung item, bawas kita kasi sa kanila

Good Answer

Reply

analou gal

  • analou gal
  • Aug 16, 2018

Mayroon akong gustong malaman sa camera na ito, ano po ba ang dahilan kapag yung shot nang camera naka harap sa may araw? hindi ko siya matansya nang maayos at gusto ko hindi siya blurd pagkakuha ko nang ibat ibang sceneries. Ano po yong una kung gawin para gagaling yung shot for take a picture? pwede niyo po ba akong payuhan..please PM me

peachygirl

  • peachygirl
  • Aug 16, 2018

pwede m naman subukan gmitin ibang modes ng pagkuha ng pictures. nsa tamang ang gulo lang yan manuod ksa sa Youtub mrami photography na tutorials doon.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 7

Hindi ko gets yung unang tanong, kung yung shots mo kasi lagi nakaharap sa araw madali lang solution diyan, tumalikod ka sa araw or hindi kaya humanap ka ng angle na wala yung araw. Tungkol naman sa blur, kelangan ifocus mo yung camera or lens sa gusto mo picturan, depende sa camera mo hindi pwede yung masyadong magalaw yung kamay mo, kapag gumalaw yung camera habang kinukuha yung pic magblur talaga yun

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 10, 2018

Ayusin mo yung focus ng camera mo, kung tao yung pinipicturan mo, iset mo yung focus sa mukha niya or katawan, pwede din doon sa parts na hindi kita yung araw para bawas yung liwanag galin doon. Kung hindi mo kaya, maghanap ka na lang ng ibang angle na hindi masyadong affected ng sikat ng araw yung shots mo, mas madalas ka gagamit ng skills sa pagkuha ng picture kesa umasa sa features ng camera

Good Answer

Aria Ibisate

  • Aria Ibisate
  • May 18, 2019

Gaano ba kalaki yung effect ng pagkuha ng ibang anggulo ng object sa quality ng shot?

Good Answer

Joshua Raymundo

  • Joshua Raymundo
  • May 18, 2019

Naku napakalaki ng effect sa pictures mo kung makakakuha ka ng magandang angle para sa object mo, dahil depende sa angle magiiba yung itsura ng picture, parang kapag may dinedescribe kang tao, depende kung ano pagkakakilala mo sakanya yung pag describe mo, ganun din yan sa pag kuha ng angle, pwede ka nga makakuha ng 5 magkakaibang shot ng mansanas

Good Answer

Reply

MARISS ESCUDERO

  • MARISS ESCUDERO
  • Aug 14, 2018

You know what...currious talaga ako sa bagong nilabas na Canon camera, ano ba talaga ang pinakabagong dala nito sa atin? Bakit po siya binabalikbalikan? ehhh..kun sabagay meron ako niyan noon niregalo ni mama sa akin noong nag debut, pero in fairness naman nagamit ko siya ng isang linggo ngunit hindi ko akalain hindi na siya nagbukas..sobrang gulat ako talaga, kasi sabi ni mama ito daw ay original..pero iwan ko lang talaga kung maniwala kayo..kayo nalang yung manghusga kung ano pa ang mangyayari.

Cherry Ann C. Martinez

  • Cherry Ann C. Martinez
  • Aug 14, 2018 / Good Answers : 4

Isa to sa mga mgandang camera niya kaya imposible na may ganyan issue pero kung totoo man edi gamitin niyo nalanga ng warranty nito kasi bago lang naman ninyo ito nabili eh wla namang mawawala kung ibabalik niyo ito sa shop na binilhan niyo bsta may ksma itong resibo kasi kung wala hndi niyo magamit ang warranty nyan.

Good Answer

trix_c

  • trix_c
  • Aug 26, 2018

Balik muna tayo sa tanong niya,ang alam ko ito talaga ang pinakamagandang Canon PowerShot G7 X Mark II na camera, ito kasi kadalasan ginagamit sa mga photographer maganda kasi ang mga kuha n mga shots niya,siguro ang nabili ng mama niya ay hindi original dapat sinuri niya muna ng maayos minsan kasi may mga seller din na magaling mgsales talk sabihin nila na original to pero hindi pala tapos ang mahal pa.

Good Answer

Joshua Raymundo

  • Joshua Raymundo
  • May 18, 2019

Hindi naman sa binabalik balikan pero matagal na kasi yung brand ng Canon at subok na din, halos lahat ng nilalabas nilang camera maganda ang quality so siyempre saan ka pa bibili ng camera kung hindi sa subok na? Hindi ko din alam kung sino ba yung original na nagpauso ng camera pero ang alam ko lang kasabay pa ito ng Kodak

Good Answer

Reply

neal samonte

  • neal samonte
  • Nov 20, 2017

Magandang hapon sa inyong lahat, gusto ko po sanang itanong talaga po bang medyo darker yung mga photos nito o hindi ko lang maitama yugn settings?

Albert Reyes Jr.

  • Albert Reyes Jr.
  • Nov 21, 2017 / Good Answers : 1

ayusin niyo lang po ang settngs ng camera niyo kung mejo madilim ang images na lumalabas, nsa tamang pag adjust lang po yan for sure maayos din, nsa setting lang naman po ng digital camera yan at pwede niyo manual settings mismo.

Good Answer

Valley

  • Valley
  • Nov 27, 2017 / Good Answers : 3

Possibleng hindi mo lang naayos yung settings or pangit yung lighting ng shot na kinukuha mo or pwedeng both yung problem, Try mo muna ayusin yung brightness, tapos hanap ka ng lugar or side na may magandang lighting

Good Answer

Locsin

  • Locsin
  • Aug 8, 2018

I think nasa manual list mo yan basahin,.. nakalagay kasi sa manual list ang dapat mong gawin o mga step by step na guidelines para insakto mong ma-adjust yung lights niya..kasi nag karoon din ako nang Canon PowerShot G7 X kaya parang kabisado ko na..Una kasi nalilito ako pero binasa ko ng maigi yong manual, so na-solve ko na.

Good Answer

mykeey punz

  • mykeey punz
  • Aug 10, 2018

Good Afternoon....,kung nalilito ka kung paano mo maitama yung setting ang kailangan mo lang i-click mo lang mode para ma adjust mo lang ang kanyang shutter sound at para maganda rin ang resolution nito...pagkatapos i-adjust mo rin yung Auto Lighting Optimizer has also been improved for enhanced blowout reduction, for better backlit shots. Ganyan din ang ginawa ko sa bago kong bili na camera ina-adjust ko lang nang maayos...

Good Answer

Valentine

  • Valentine
  • Aug 28, 2018

actually po para malaman mo kung ano gagawin mo diyan sa camera mo pumunta ka nalang sa shop kung saan binili mo yang camera na yan para masiguro m0 kung ang ang settings lang ba ang may problema or baka mayroon talagang ibang problema yan.siguro may sira na yan sa pagbili mo hindi mo lang namalayan.

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Digital Cameras

Laureen Kim

vlogging camera

Marami akong nakikit na vlogger sa youtube ito ang camera na gamit, so ibig sabihin okay talaga siya pang vlogging? ano pinagkaiba nito sa ibang camera naman?

  • Last updated : Jul 18, 2019
  • Posted by Laureen Kim
  • Replies of This topic : 1 Replies

Jane mel

battery issues!

while i was charging the battery is getting heat i dont know whats the problem with this cause i just both a new battery for this one. think i need to buy new one!

  • Last updated : Jul 18, 2019
  • Posted by Jane mel
  • Replies of This topic : 7 Replies

Kody Cuevas

Connection

Pwede ko ba iderechong connect sa computer ito? Wala kasi ako card reader

  • Last updated : Jul 18, 2019
  • Posted by Kody Cuevas
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile