Canon EOS 1300D (Rebel T6) Body Forum

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

Coupon5

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 18, 2020

Ang nakalagay kasi sa description may kasamang lens pero wala nung dumating kanina yung delivery, pwede ba to follow yun?

Sven Atienza

  • Sven Atienza
  • Jul 19, 2020

Ewan ko lang kung may ganun seller pero kapag mga supplier o store papabalik talaga nila yung buong item kasama yung box, set kasi binebenta kapag ganyan saka siguro para din madali bilangin sa inventory nila pero pag binalik mo yung item, babalik nilang buong set, hindi ko alam kung ibang unit na din yung ibibigay nila pero for sure ibang accessory yung kasama sa box kesa doon sa una mong nakuha

Good Answer

Mario De Guzman

  • Mario De Guzman
  • Jul 19, 2020

Hindi ba hassle yung para sa seller saka sakin? Online ko kasi nabili ito kaya kung ibabalik ko pa yung buong box para lang makuha yung isang kulang na accessory, gagastos pa ko pang ship pabalik tapos lalabas pa ko ng bahay, kaya mas okay sana kung pwedeng padala na lang sakin yung lens kasi baka kung bagong unit pa makuha ko baka makachamba naman ako ng defective

Sven Atienza

  • Sven Atienza
  • Jul 19, 2020

Pag dating sa ganyan kayo mag usap ng seller, malay ko din kung paano yung gawain niya kapag may mga ganyan issue, kung sa mga seller dito mo nabili yung camera baka mantandaan mo kung kanino mo nabili yan, check mo ulit yung page nila para doon sa contact info nila at ng makapag tanong ka, kung walang contact info mag iwan ka lang siguro ng comment sa page okay lang

Good Answer

Reply

Alex Mirasol

  • Alex Mirasol
  • Jun 18, 2020

15k yung lowest price na nakalagay pero isa lang nakikita ko na seller tapos 13k yung benta, second hand pa

Trevor Primavera

  • Trevor Primavera
  • Jun 20, 2020

Baka 13k na yung preyso, may promo siguro o discount kaya ganyan o pwede din hindi lang naupdate yung bagong presyo? Pwede kasing technical issue din kaya hindi magkapareho yung presyo sa item dito at yung presyo ng seller pero lagi niyong tatandaan na yung presyo ng seller yung susundin kasi for comparison lang presyo dito, hindi online shop itong website

Good Answer

Sonny Valiente

  • Sonny Valiente
  • Jun 20, 2020

Isipin mo na lang, nakalimutan palitan yung presyo sa website, malay mo naman official price kasi yung 15k at promo price yung 13k or second hand price kaya bawas ng 2k kaya hindi pinalitan, pwede mo naman tanongin yung seller din mismo kung curious ka talaga, pag iorder mo naman itong camera doon ka mag order sa page ng seller kaya may chance ka pa mag comment

Good Answer

Sergio Marquez

  • Sergio Marquez
  • Jun 20, 2020

Yung totoo mga tropa, dalawa kasi yung seller kaya ganyan, parehong eBay lang sila nagbebenta kaya siguro ginawang drop down na lang yung isang presyo ng seller, kung mapapansin niyo naman nakalagay din sa details 2 sellers, maliit lang yung text kaya hindi talaga agad mapapansin unless babasahin mo ng maigi, sa listahan ng sellers pindotin mo lang yung 1 more or + sa baba ng go to shop button, maliit lang sila para mag collapse at lumabas yung isang seller na 15k ang presyo

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Digital Cameras

Mikey Ang

Battery at SD cards

Compatible ba lahat dito na battery at sd cards? May extra kasi ako gamit ko sa dati kong camera, sayang kung hindi ko magagamit

  • Last updated : Sep 18, 2020
  • Posted by Mikey Ang
  • Replies of This topic : 0 Replies

Laarni Madrideo

high specs camera

Ito naba ang isa sa magandang camera ng Canon, price wise worth it ba? need to have a professional camera.

  • Last updated : Aug 16, 2020
  • Posted by Laarni Madrideo
  • Replies of This topic : 4 Replies

Ogie Fabella

Saan pwede pa deliver ito?

Gusto ko sana padeliver sa Singapore kasi yung anak ko may kelangan nito, pwede kaya?

  • Last updated : Jul 28, 2020
  • Posted by Ogie Fabella
  • Replies of This topic : 3 Replies
View Mode: PC | Mobile