Canon EOS 1100D (Rebel T3 / Kiss X50) Kit Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Ben Buenos

  • Ben Buenos
  • Aug 17, 2019

binebenta kasi sa akin ng mga 10k lang worth it paba na bilhin ito?

Janine Mae P.

  • Janine Mae P.
  • Aug 17, 2019

for me its not, super old model baba pa ng specs niya

Good Answer

Celica Rivera

  • Celica Rivera
  • Aug 23, 2019

Kung pang training camera why not? Siyempre Php10,000 is very expensive para lang bumili ng camera for training pero sayang din bibili ka ng camera na latest at mas mahal dito tapos for training lang, sayang kasi yung shutter count, kung hindi mo alam yun iresearch mo, importanteng alam mo yun, anyway mas maganda pa din kung bibili ka ng murang second hand for training kesa brand new

Good Answer

Albert Tupa

  • Albert Tupa
  • Aug 23, 2019 / Good Answers : 1

Kung pang casual na gamit lang okay na siguro ito, hindi naman kelangan ng maganda at brand new na dslr kasi sayang lang lalo na kung wala ka naman talagang photography skills, pero kung maganda naman yung phone mo mas mabuti ayun na lang gamitin mo kasi ganun din yung mga magiging kuha mo, eto man gamitin mo yung camera ng phone

Good Answer

Alma Bayet

  • Alma Bayet
  • Aug 23, 2019

Okay naman ito, mura na nga yung Php10,000 kahit may makikita ka pang mas mura dito pero malamang mga mas lumang model na yung mga yun. Mag research ka din tungkol sa shutter count kasi mas madami yun mas mababa yung presyo ng camera pag second hand, pag umabot na kasi sa max malaki na yung chance na masira yung camera

Good Answer

Reply

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 10, 2018 / Good Answers : 1

hanap ko kasi mura lang pero magandang quality naman sana. I think Canon is good, any Canon owners here? okay ba itong EOS 1100D?

janice bernine

  • janice bernine
  • Oct 15, 2018 / Good Answers : 1

Okay naman po angCanon pero kung ito ang gusto mo medyo mababa po ang camera pixels niya so baka hindi masyado maganda ang kuha. hanap nalang kayo ng iba pang camera na mas malaki ang specs marami namang offered ang Canon kaso baka mas mahal a ito luma na din kasi.kaya low spec tapos mura na din sa online.

Good Answer

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 15, 2018 / Good Answers : 1

Nakita ko na yung iba medyo mahal nga ito medyo okay ang price para sa akin kaya medyo nagustuhan ko naisip ko baka kahit mababa siya malinaw pa din naman.

janice bernine

  • janice bernine
  • Oct 15, 2018 / Good Answers : 1

Parang cellphone lang yan sir pag baba ang megapixels edi hindi malinaw. Mas mataas pa nga spec ng front camera ko sa megapixels ng camera na ito. May difference naman po pero hindi worth it kasi iba talaga pag mataas ang specs na pipiliin niyo.kaya dapat ganoon din ang gagawin niyo sa pagpili ng camera niyo.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 15, 2018

Huwag mong bilhin ito hindi maganda ang quality ng images niya. Ito ang first DSLR ko akala ko basta DSLR maganda, hindi naman pala nakaka disappoint tapos hirap gamitin ng mga settings niya complicated mag toggle o switch sa ibang modes. Kaya kung ako syo iba nalang poh.Marami na ngayon mas maganda at magaan pa.

Good Answer

Kit G. Yara

  • Kit G. Yara
  • Oct 15, 2018 / Good Answers : 1

sayang naman gusto ko panaman ito bilhin para masubukan ko, akala ko madali lang ito gamitin, sabagay hindi naman din ako marunong pa gumamit ng ganitong camera.

marietta

  • marietta
  • Oct 16, 2018

Nung bago pa ito maganda pa sya kasi hindi pa din talaga uso yung magaganda na camera pero ngayon kasi ang gaganda ng camera ng phones kaya parang hindi a maganda bumili pa ng ganitong klase. Tapos malaki pa. kaya para sa akin parang hindi naman worth it na bilhin.kung gusto mo lang naman mag picture sa cellphone nalang diba mas magaan pa.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 16, 2018

syempre iba pa din kapag may sarili kang camera na gagamitin at hiwalay ang phone. Hindi kanaman pwede mag shoot ng pic tapos bgla may tatawag syo eh, hassle yun. depende kung saan mo gagamitin kung mahilig ka talaga sa photography kailangan may sarili kang camera pero mas maganda dito kasi ito low spec na ito kaya hindi okay.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 16, 2018

sabagay may point kanaman sa sinasabi mo. pero kung pang professional lang nga baka mamahalin naman ang kailangan din. basta kasi ako kuntento na ako sa camera ng phone ko simpleng pictures lang naman tapos edit nalang at gamit ng filter okay na, ma mataas pa nga ang camera ko kumpara dito sa camera ng Canon.

Good Answer

Lou Lou Lumarang

  • Lou Lou Lumarang
  • Oct 16, 2018

at saka ibang ang storage capacity ng phone at quality ng camera nito kahit 12mp lang nya malinaw pa din yan at iba ang quality kapag na edit pa, basta kapag gsto mo magandang pictures talagang camera bibilhin mo hndi pwede yung cellphone lang ibang iba kasi ang kuha nila kahit may pa filter pa. pero kung hndi m naman hobby at kailangan okay na talaga ang cellphone lang.

Good Answer

marietta

  • marietta
  • Oct 16, 2018

oo nga tama ka, wala naman ako hilig sa ganyan kaya hindi din ako interesado na bumili pa. Pero syempre kung magkakaroon ako hindi naman masama yun, hindi lang ako marunong at mukhang mahirap gamitin ang ganito na camera marami kasing pipindutin pa, aaralin ko pa. kaya huwag nalang.pero mukhang maganda naman ito na camera bakit sinasabi mo na hndi?

Good Answer

Gregory Teodoro

  • Gregory Teodoro
  • May 19, 2019 / Good Answers : 1

Maganda mga camera ng Canon, kung naghahanap ka ng mas mura Nikon ata, hindi ko lang sure pero naisip ko lang na mas mura yun kasi madami akong nakikitang may gamit nun kesa Canon, price lang yung nakikita kong reason bakit mas trip ng iba Nikon. Anyway, sa mga nagamit kong camera ng Canon wala pa naman ako nakitang pangit so far

Good Answer

Candice McK

  • Candice McK
  • Jul 16, 2019

basta Canon camera maganda kahit yung old model pa nito, bakit? kasi mas gusto ko pa yung lumang model ng Canon kumpara sa ibang bagong camera na hindi naman maganda ang kuha ng mga pictures, mas okay din para sa akin yung quality ng mga Nikon kaso medyo old school kasia nglook niya kaya Canon para sa akin complete package na

Good Answer

Richard Purge

  • Richard Purge
  • Jul 16, 2019

old model na ito obviously sa design at specs niya, pero maganda pa din naman. kung gusto niyo lang magkaroon ng camera okay naman din ito na choice kung kaya niyo pagtiyagaan medyo malaki ang built niya kaya hindi ko gusto pero kung kayo ang bibili nasa budget niyo nakasalalay kung bibili kayo o hindi

Good Answer

Nigel+Crusader

  • Nigel+Crusader
  • Jul 16, 2019

nope, not a food choice, old camera low specs na ito

Good Answer

Meghji2019

  • Meghji2019
  • Jul 16, 2019

oo nga low specs masyado,mas malaki pa megapixel ng cellphone ko dito siguro nga po luma na ito kaya hindi na worth it na bilhin kasi nga low specs na masyado ito kung ako sainyo try niyo na lang din icheck ibang camera na medyo okay ang specs o kaya bili kanalang magandang phone na okay parang mas okay pa yun

Good Answer

Chad Ravasco

  • Chad Ravasco
  • Aug 17, 2019

luma na kasi itong camera na ito kaya para sa akin hindi siya maganda, okay din sa akin ang Canon kasi maganda tapos affordable naman siya pero mas okay ang Nikon sa image quality kaso mahal lang talaga ang Nikon kaya hindi pa ako nakakabili ng Nikon sa Canon lang talaga kami tiwala kasi alam namin na maganda ang quality niya

Good Answer

Reply

Rezza Ferrer

  • Rezza Ferrer
  • Jul 16, 2017

Pwede po bang magvideo sa camera nayan?

MayAnne

  • MayAnne
  • Jul 27, 2017

Pwede naman tulad ng karamihan ng digital cameras

Good Answer

Koko Pearl

  • Koko Pearl
  • Oct 27, 2018

Ang mas magandang tanong, okay ba ito pang video recording? Saka may built-in microphone ba ito or kelangan bumili ng microphone accessory para dito? Kasi baka hindi marinig or malapit lang yung abot ng mic nito, hindi marinig sa video. Gagawa kasi kami ng flash report video para sa project namin sa Filipino kaya kelangan malinaw boses sa video

Good Answer

Kia Quick

  • Kia Quick
  • Oct 27, 2018

Mas safe pa din siguro na bumili ka na lang microphone accessory para dito sa camera na ito kung eto yung gagamitin mo para sa project niyo, more of photography kasi ito kesa pang video recording kaya kung meron man itong microphone, possible na hindi maganda yung quality niya, saka additional feature lang naman ang video nito hindi main feature, bakit nga ba hindi na lang video recorder bilhin mo kesa eto?

Good Answer

Koko Pearl

  • Koko Pearl
  • Oct 27, 2018

Kasi hindi ko naman talaga hilig mag video recording, hindi din ako magaling mag hawak ng video recorder dahil magalaw yung kamay ko, so pang one time event ko lang kelangan ng video recorder so kesa bumili ako ng ganun, mas mabuti pang bumili na lang ako ng camera na pwede mag record ng video para magagamit ko pa pang picture sa ibang event

Good Answer

Gregory Teodoro

  • Gregory Teodoro
  • May 19, 2019 / Good Answers : 1

Pwedeng pwede naman, pero hindi sure yung quality ng videos dito kasi for photography talaga ito. Logically speaking, kung maganda yung quality ng images ng camera dapat same din sa video, pareho lang naman yung lens na ginagamit pero hindi ko alam yung technicalities ng dalawa so hindi ko din alam bakit mas pangit video sa mga camera pang photography

Good Answer

Joshua Raymundo

  • Joshua Raymundo
  • May 19, 2019

Hindi naman totally na pangit yung videos, siyempre maganda pa din yung quality nila pero mas pangit lang compared sa mga video recorders talaga, may mga features na meron sa recorder na siyempre wala sa dlsr kaya kung ang purpose mo talaga para sa camera ay videos dapat mag video recorder ka na lang talaga para kumpleto yung hinahanap mo

Good Answer

Reply

Ernesto Padilla

  • Ernesto Padilla
  • May 24, 2015

Nawala ko ang charger ko, pwede ba ako makabili ng bagong original na charger sa CAnon o order parin? Meron kayag site for online buying po? Hndi ko pa magamit ito ngayon mag one week a ito naka stuck sa kwarto ko..Patulong po,salamat

Bethel Albor

  • Bethel Albor
  • Sep 25, 2016

i have a one

Good Answer

Svan Alcan

  • Svan Alcan
  • Oct 27, 2018

Pwede ka naman bumili ng original charger pero alam ko mahal yun, meron naman mga universal charger or generic kung tawagin nung ibang tindahan, hindi sila original kasi hindi sila gawa specifically para sa make and model na yan pero hindi din naman sila fake, mas mura sila kesa sa mga original kaya tipid pero siyempre meron kasing mga battery na hindi compatible sa mga universal charger

Good Answer

Lorenzki

  • Lorenzki
  • Oct 27, 2018

Tanong lang, kung meron bang mga camera na non-removable na din yung battery? Kasi nauuso na sa mga gadgets yung mga non-removable type, so naisip ko baka meron din mga camera na non-removable ang battery, kapag ganun, paano kung may sira na yung battery? Saka ano purpose kung bakit pinagbabawal na tanggalin ng mga battery sa mga gadgets?

Good Answer

Kuroro

  • Kuroro
  • Oct 27, 2018 / Good Answers : 1

Wala pa ko narinig na meron mga camera na non-removable battery and design, nagcheck din ako sa internet wala pa din naman ako nakitang brand or model na ganun, pero hindi ko din masasabing wala talaga since hindi naman lahat makikita mo sa internet. Ang purpose naman ng non-removable battery ay para sa design ng mga smartphones, kung phone ang paguusapan, hindi na din basta basta makakalusot yung mga tubig sa loob ng phone kasi tightly enclosed yung designs ng mga non-removable kaya may onting water resistance na sila

Good Answer

Joshua Raymundo

  • Joshua Raymundo
  • May 19, 2019

Pwede ka naman bumili ng bagong charger sa mga tindahan, actually kahit anong charger pwede mo naman gamitin basta kasya sa port ng camera, ang importante kasi pumapasok yung kuryente sa camera para macharge, hindi naman masyadong importante yung compatibility, pero mas maganda lang kung makahanap ka ng charger para sa camera mo mismo

Good Answer

Harold Remulo

  • Harold Remulo
  • May 19, 2019

Madami nag rerecommend na kapag bibili ka ng mga charger o accessories para sa mga gadgets ay dapat yung talagang para sa gadget na yun mismo, pero actually hindi naman kelangan, as long as nakakapag charge kahit yung class A lang pwede na, yun nga lang hindi siya kasing safe ng original at wala ka pwede sisihin kung sakaling madisgrasya yung charger

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Digital Cameras

Gabby Ang

Pwede ba mag paayos sa mga shop ngayon?

Yung iba ko napagtanungan yung may warranty lang daw tinatanggap nila ngayon

  • Last updated : Jun 22, 2020
  • Posted by Gabby Ang
  • Replies of This topic : 1 Replies

Clarence Mendoza

Instax din ba ito?

Ang mahal niya pera sa instax, pwede din kaya ito mag print ng picture sa mga printer, like wireless connection?

  • Last updated : Jun 22, 2020
  • Posted by Clarence Mendoza
  • Replies of This topic : 1 Replies

Alex Mirasol

Bakit ganun yung presyo?

15k yung lowest price na nakalagay pero isa lang nakikita ko na seller tapos 13k yung benta, second hand pa

  • Last updated : Jun 20, 2020
  • Posted by Alex Mirasol
  • Replies of This topic : 3 Replies
View Mode: PC | Mobile