BYS x Nadine Lustre Lustrous Matte Lipstick Reviews

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.2

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Jhen Bueno

  • Review by Jhen Bueno
  • Apr 30, 2019
Total 3.0

Okay ang color pero pangit ang formula

Binili ko ito hoping na dupe ito ng isang sikat na brand ng lipstick na ginagamit ko dati. Okay naman ang pigment nito at maganda ang shape ng lipstick for application at wala pang anumang pangit na lasa o amoy. Kaya lang, napaka-uneven nga lang nito at nagiging splotchy kapag ini-apply ko na sa lips ko at kailangan ko pang mag-apply nang paulit-ulit na swipes at mag reapply.

Good Review

Mara Tolentino

  • Review by Mara Tolentino
  • Apr 29, 2019
Total 4.0

Madaling mag-fade

Perfect ang formula nito at madali pang i-apply ang lipstick na ito. Binigyan ko nga lang ng 4 stars dahil hindi talaga long wearing. Hindi mahalaga sa akin kung tumatagal ba o hindi ang isang lipstick kaya lang madali mabura ito. As in kahit na mga wala pang isang oras, mapapansin mo na wala na kaagad kulay ang lips mo kapag ito ang ginamit mo. Sana meron pa silang maraming shades na mapagpipilian pa. Kapag nagkaroon pa ng maraming selection ng mga shades, baka bumili pa ako.

Good Review

Coleen Hazel

  • Review by Coleen Hazel
  • Apr 27, 2019
Total 4.0

One of my favorite lippie!

Ang BYS x Nadine Lustre Lustrous Matte Lipstick ang unang matte lipstick na talagang nagustuhan ko nang sobra. Sobrang long lasting nito at hindi nakaka-crack ng lips ko jahit na ilang oras ko nang suot ito. At kahit na meron itong matte finish, sobrang smooth pa rin at hindi nagda-dry ang lips ko. Pero of course, kailangan kong mag reapply pagkatapos kong kumain at mag i-smear din ito kung hindi ako maingat pero pagdating sa presyo nito, sobrang amazing nitong lipstick na ito. Sana magkaroon ako ng lahat ng mga shades nito.

Good Review

Mia Acejo

  • Review by Mia Acejo
  • Apr 23, 2019
Total 5.0

Ang ganda ng quality ng lipstick na ito

Ang BYS x Nadine Lustre Lustrous Matte Lipstick ang pinakabago kong paboritong lipstick. Ang ganda kasi ng mga kulay nito at talagang tumatagal nang mahabang oras. Meron itong magandang matte texture na ang gandang tingnan kahit ito lang alone o pwede rin na bago ito ay mag-apply muna ng lip balm para mabawasan ang pagka-matte nito. Ang ganda ng shade nito at ito talaga yung gusto ko at hindi ito nagpa-patchy. I'm so happy sa purchase ko nito.. sobrang smooth sa lips.

Good Review

Filma Alondre

  • Review by Filma Alondre
  • Apr 16, 2019
Total 5.0

Beautiful lipsticks!

Ang gaganda talaga ng mga bagong labas na lipstick ng BYS na collab wiith Nadine. Halos lahat ng mga shade ay gusto ko at pareho talaga kung ano ang nasa picture na shade. Pero mas magiging madali lang talagang hanapan ng magma-match sa skin tone at magmi-mimic ng natural na kulay ng labi koo. Sobrang okay din na affordable lang ang mga lipstick na ito at madaling i-swipe nang smoothly at talagang super pigmented. I love it!

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Beauty

Nakita ko lang ang ad na ito ng BVLGARI Aqva Pour Homme Marine sa isang magazine at naamoy ko yung sample doon. Nagustuhan ko sobra ang scent noon kaya naghanap talaga ako ng mabibilhan. Pero wala.. ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Regine Lopez
  • Date : Nov 29, 2019

Sobrang nagustuhan ko ito. Ang ganda talaga nito at merong speckle ng gliters at hindi masyadong chunky. Sobrang gandang tingnan ng lips at sobrang light din ito at walang tacky feeling. Napaka-flatte ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Marivic Cruz
  • Date : Nov 29, 2019

Nakatanggap ako ng sample nito para matesting ko. And after kong matest ito, kinailangan kong bumili nito dahil nagustuhan ko ang amoy na may pagka-crisp, very fresh at light. Perfect itong gamitin ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Grace Ariola
  • Date : Nov 29, 2019
View Mode: PC | Mobile