BVLGARI Aqva Pour Homme Reviews

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 4.8

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Kristeta Ardiente

  • Review by Kristeta Ardiente
  • Nov 28, 2019
Total 5.0

Love the marine scent

Sinubukan ko lang ito dahil sa suggestion ng mga friends ko na gumagamit nito. Ito na siguro ang pinaka-interesting na aquatic scent na nasubukan ko. Hindi masyadong fruity ang top notes nito na citrus. Natakpan ito ng marince scent na tumatagal talaga. Merong pagka-salty at mineral vibe na wala sa ibang aquatic perfume na na-try ko before. At mas tumatagal ito kesa sa ini-exect ko. Very affordable pa kaya worth it ito to purchase.

Good Review

Cess Reyes

  • Review by Cess Reyes
  • Nov 21, 2019
Total 3.0

Nice scent but not for me

Ang BVLGARI Aqva Pour Homme ay merong salty, citrusy at aquatic na scent pagkabukas na pagkabukas pa lang ng bote. At after ng mga ilang minuto natutuyo ito na parang nagiging floral aquatic na medyo cloying dahil sa sobrang strong ng amoy. Siguro ay sa aking skin lang naman ito ganito pero yung blue scent nito na humahalo sa body heat ay parang hindi ko gusto. May pagka-clean at casual ang scent nito at bagay gamitin kapag daytime.

Good Review

Valerie Carmona

  • Review by Valerie Carmona
  • Oct 31, 2019
Total 5.0

Nice classy scent

Gustong-gusto ko ang scent nito. Sinabi rin ng boyfriend ko na sobrang gusto nya rin ito kaya nung nagba-browse ako isang beses sa Sephora, kinlick ko agad ito dahil alam ko na kailangan ko itong bilhin para sa kanya. Sobrang clean ng amoy nito at very classy pa. Pero may pagka-masculine din at sexy ang amoy nito. Gustong-gusto ko itong amoyin sa tuwing nag-i-spray sya. Medyo expensive ito pero I highly recommend it talaga!

Good Review

Niyyah Peralta

  • Review by Niyyah Peralta
  • Oct 27, 2019
Total 5.0

Sexy ang amoy

Gustong gusto ko ang amoy ng cologne na ito. Nagkaroon ang brother ko nito dahil niregaluhan sya ng tito namin.Tinest muna nila ito bago iniorder sa Sephora. Kapag ginagamit nya ito, parang gusto ko ring hiramin at minsan nga nahihiram ko. Kahit na panlalaki ito, gusto ko ang amoy kasi sobrang sexy at attractive ng amoy. Everytime na naaamoy ko ang scent na ito, I can't get enough of this cologne.

Good Review

Diana Grace

  • Review by Diana Grace
  • Oct 22, 2019
Total 5.0

Wonderful scent

Binili ko ang cologne na ito para sa boyfriend ko para sa Valentines day. Siya dahil sa yung Kenneth Cole lang ang gusto nyang cologne, hindi nya alam kung gagamitin ba nya itong gift ko. Mabango naman talaga ang Kenneth Cole pero nung maamoy ko ang scent na ito sa counter ay hindi ako mapakali kaya ito na ang binili ko. At pagkagamit nya ng perfume na ito, ito na yung ginamit nya simula noon. Hindi lang dahil sa gusto ko ito kasi kahit na wala ako ay ginagamit din nya ito kasi bagong paborito daw nya ito. May pagka-crisp, sweet at ang bango-bango talaga nito.

Good Review

Fatima Montero

  • Review by Fatima Montero
  • Sep 17, 2019
Total 5.0

We both love it!

Bumili ako ng perfume na ito in travel size lang. Sobrang unique lang nitong perfume na ito na may very light at sexy scent na hindi overpowering. Gustong-gusto ko ang scent na ito para sa boyfriend ko kahit noon pa hanggang ngayon. Halos maghapon ang scent nito sa kanya kahit na puro physical work ang ginagawa nya at sobra siyang napapawisan. We both fell in love with this perfume!

Good Review

Kristine del Castillo

  • Review by Kristine del Castillo
  • Aug 31, 2019
Total 5.0

Definitely my choice

Mapili talaga ako pagdating sa mga cologne na gagamitin ng boyfriend ko pero ang BVLGARI Aqva Pour Homme ang naging talagang isa sa mga paborito ko. Sobrang bango nito at parang yung scent nito ay nakaka-calm for me. It lasts for almost the whole day too. Kung naghahanap ka ng cologne for your love, your hubby o para sayo na rin, ito ang bilhin mo.You will never regret it.

Good Review

Faye Singson

  • Review by Faye Singson
  • Aug 26, 2019
Total 5.0

So pretty scent

Gusto ko ang perfume na ito kahit na strong ang scent nito pero hindi ito sobrang overwhelming ang amoy at palaging gusto ko ngang maamoy. Usually ay mapili ako sa mga perfume na ipapagamit ko sa bf ko pero nagustuhan ko talaga ang BVLGARI Aqva Pour Homme na perfume. Meron kasi ang friend ko nito at actually ay sa kanya ko naamoy kaya naman binilhan ko ang bf ko. Love the scent! Oh well!

Good Review

Aileen Santiago

  • Review by Aileen Santiago
  • Aug 20, 2019
Total 5.0

Fresh and seductive scent

May pagka-masculine ang amoy nito pero merong fresh na scent at napaka-seductive pa. Perfect panggamit kahit sa araw man o sa gabi. Naghahanap ako ng alternative sa paboritong pabango ng boyfriend ko na Versace Man Eu France at itong pabango na ito ang nag-matched sa scent nun. Gustong-gusto ko rin kasi ang scent na ito whenever ito ang ginagamit niyang perfume. Sobrang cool din ng design ng bottle at very handy pa na kahit saan ay pwedeng madala.

Good Review

Ethel Gonzaga

  • Review by Ethel Gonzaga
  • Jun 30, 2019
Total 5.0

Love this aquatic scent

Ito yung ginagamit kong pabango at ang kauna-unahan ko talagang nagustuhan. Hindi ako nagsasawa sa scent nito dahil ang sarap sa pakiramdam na ang bango-bango ko. Sana lang ay mas tumatagal ang amoy nito. Minsan naman ay ini-spray ko ito sa bed ko since ang bango talaga ng amoy nito. Aquatic ang scent nito na may pagka strong ang sea vibe. Hindi overpowering at pretty nice for me. Magugustuhan nyo ito for sure kung mahilig kayo sa mga aquatic scents.

Good Review

Honey Sablas

  • Review by Honey Sablas
  • Jun 25, 2019
Total 5.0

So gorgeous scent...

Kapag itong perfume na ito ang ginagamit ko, parang nai-imagine ko na nasa tabing-dagat ako. Sobrang gorgeous ng scent nito at meron din konting pagka-citrusy... parang may scent ng woods, amber, at ng sage at talagang it's more than just an aquatic scent. At para sa akin, yung paghahalo-halo ng amoy nito ang mas lalo pang naka-attract sa akin dito. Pwede itong gamitin araw-araw dahil parang may hint ito ng summer scent. Idagdag pa dito ang pagiging long lasting ng scent na talagang sexy at unique for me.

Good Review

Maridel Lozada

  • Review by Maridel Lozada
  • Jun 20, 2019
Total 4.0

Fresh scent

I really love this perfume. Sana lang, mas stronger pa ang amoy nito. Kung mas stronger nga lang ito ay ito na siguro ang magiging signature scent ko pero sadly ay nawawala kaagad ang amoy nito. On the positive side, afford ko naman ito kaya okay lang na mas marami ang i-ispray ko nang hindi ako nanghihinayang dito. Medyo mahirap sa akin i-describe ang scent nito. Parang medyo aquatic at medyo herbal at hindi sweet... Basta sobrang fresh lang ng amoy nito sa akin.

Good Review

Kimmy Pascual

  • Review by Kimmy Pascual
  • Mar 30, 2019
Total 5.0

In love with this scent

Alam ko na panlalaki ang pabango na ito pero addictive kasi ang scent nito. Kung lalaki ka at naghahanap ka ng bagong perfume, subukan mo ito. Ang scent nito ay talagang masculine. Binili ko ito para sa bestfriend ko at kapag ginagamit niya ito ay palaging gustong-gusto ko siyang amuyin at parang nakaka in-love. It last long din at sobrang bango talaga. As a girl, sobrang nagustuhan ko ito.

Good Review

Shannen Lope

  • Review by Shannen Lope
  • Mar 28, 2019
Total 5.0

Love the scent

Binili ko ito for my boyfriend last Christmas at naging ito na ang all-time favorite niyang perfume. Madali niya itong naubos gamitin. Hindi ko sure kung dahil ba sa maliit lang ang bottle nito o kung sobrang gusto lang talaga niya. Super fresh at very manly ang scent nito. At tulad nga ng naka-indicate sa label nito, pinaghalong aquatic at woody ang amoy nito pero hindi siya masyadong aggresive na scent. Just enough lang talaga para magustuhan ng kahit na sino.

Good Review

Mirriam Gutierrez

  • Review by Mirriam Gutierrez
  • Mar 22, 2019
Total 5.0

Great scent!

The best ang mga aquatic scents ng Bvlgari. Sobrang babango ng mga perfumes nila. At merong something sa line na ito na mas maganda kesa sa ibang aquatic scents na nagamit ng boyfriend ko kasi unique ito pero parang pamilyar din naman. Ang BVLGARI Aqva Pour Homme ang the best sa mga aqva line at sobrang nagustuhan ko talaga ang amoy nito na parang aromatic, aquatic, at woody fragrance. Sabi ng iba ay may pagkakahawig daw ito ng amoy sa Dylan Blue pero ang Aqva ay mas okay at mas may class ang scent. It's a great scent!

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Beauty

Nakita ko lang ang ad na ito ng BVLGARI Aqva Pour Homme Marine sa isang magazine at naamoy ko yung sample doon. Nagustuhan ko sobra ang scent noon kaya naghanap talaga ako ng mabibilhan. Pero wala.. ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Regine Lopez
  • Date : Nov 29, 2019

Binili ko ito para sa boyfriend ko at nagustuhan nya ito. Napaka-classic ng musky scent nito. Strong ang scent sa unang lagay pero once na mag-settle na ito ay nagto-tone down din. Para bang yung ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Lilian Lee
  • Date : Nov 29, 2019

Ang ganda talaga nitong perfume na ito at tulad ng mga ibang perfumes na kinokolekta ko, it lasts on my skin the entire day. Talagang na-impressed ako kung gaano ang itinatagal nito at na-obsessed na ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Marivic Cruz
  • Date : Nov 28, 2019
View Mode: PC | Mobile