Apple iPhone 11 Pro Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Frank Sayson

  • Frank Sayson
  • Mar 10, 2020

May binili akong game sa App store, Cytus II tapos nagpalit ako ng phone last month kasi bumili na ko nitong iPhone 11 Pro, nung iinstall ko na siya ulit hindi ko na siya makita sa purchase history ko tapos pinapabayad na siya ulit sakin, bakit ganun? Nag comment na ko sa page ng app wala pa sagot developer

Alan Yasay

  • Alan Yasay
  • Mar 10, 2020

For sure isa lang dahilan niyan bakit hindi mo madownload yung binili mong game app, nag update yung game nung oras na hindi mo siya gamit o nung nagpalit ka ng phone, at dahil hindi mo naupdate yung app, hindi mo ngayon siya madownload ng libre. Medyo mahabang paliwanagan yan pero long story short, dapat chineck mo muna kung may update yung mga apps na binili mo bago ka nag palit ng phone

Good Answer

Dexter Salas

  • Dexter Salas
  • Mar 10, 2020

Yung tamang explanation sa nanyari sa case mo, sa App store kasi ng Apple, kapag nagupdate ng app yung developer tinatanggal ng app store yung app saglit tapos saka nila ipapalit yung updated version at saka ngayon iuupdate ng App store yung mga app sa iPhone mo. Ngayon dahil hindi mo naupdate yung app mo at natanggal nga saglit yung app sa app store, akala nung system ay hindi mo pa nabili yung app so ayan. Pwede mo naman iemail yan sa Apple para mabalik sayo

Good Answer

Reply

Kyle Bisugo

  • Kyle Bisugo
  • Feb 24, 2020

Bumili ako ng mga kanta sa iTunes pati nga yung mga palabas na binili ko nawala, mababalik pa kaya yun?

Marcial Tuala

  • Marcial Tuala
  • Feb 24, 2020

Babalik yan pero mas mabuti kausapin mo na yung customer service ng Apple, meron naman silang email support, pwede ka mag email sa kanila gamit yun at mabilis din sila mag reply. Kapag may mga update kasi sa kanta minsan nawawala talaga yung mga yun sa iTunes mo kasi inaupload ulit yun kapag may inaayos or update so ang nakikita ng iTunes bagong song yun na hindi mo pa nabili

Good Answer

Craig Calutan

  • Craig Calutan
  • Feb 24, 2020

Madali lang yan, basta kapag may nakausap ka sa Apple support bibigyan ka nila ng song at video credits para mabili mo ulit ng libre yung mga nawala sayo, double check mo muna kung nasa purchase history mo pa sila kasi titignan din ng email support yun tapos kung ilang yung maverify nilang nawala sayo ayun yung credits na bibigay nila

Good Answer

Dexter Salas

  • Dexter Salas
  • Mar 10, 2020

Ang alam ko sa mga application lang pwede mangyari yan kasi hindi naman naguupdate yung mga kanta sa iTunes store, may clean at dirty version din yung mga kanta, yung clean ay yung mga edited na or censored na yung mga mura saka lahat ng bad words sa kanta tapos yung dirty yung original at unedited version ng kanta, so walang dahilan para mag update mga kanta sa iTunes store

Good Answer

Reply

Larry Soriano

  • Larry Soriano
  • Jan 20, 2020

Meron bang free na ebooks sa iPhone? Tulad ng sa Android

Phee Sky

  • Phee Sky
  • Jan 20, 2020

Paanong tulad sa Android? Yung app na libre ebook downloads? Ewan ko lang kung meron pa nun sa Android kasi nawala na yung dati, pero baka meron pang iba na hindi ko lang alam. Sa iPhone parang malabo na meron, halos lahat naman kasi doon may bayad, unless mag jailbreak ka ng iPhone for sure may makikita ka, pero sa ngayon wala siguro

Good Answer

MacMac Donalds

  • MacMac Donalds
  • Jan 20, 2020

Pwede ka naman mag download na lang ng ebooks mismo, pdf files kadalasan mga ganun ayun nga lang kung wala kang pdf reader na app, magbabasa ka sa mismong gallery app mo or unless may default pdf reader yung iPhone 11 Pro, hindi ko kasi kabisado features niyan. Problema kasi kapag wala kang pdf reader, babasahin siya ng phone as picture tapos ayun nga gallery ka mag babasa, madalas hindi maganda sorting doon

Good Answer

Larry Soriano

  • Larry Soriano
  • Jan 20, 2020

Edi meron naman sigurong pdf reader na application sa iOS? Pwede ko naman siguro idownload yun sa App store, or kelangan ijailbreak pa para makapg download ng mga pdf reader? May mga gusto kasi ako basahin kaso hassle sakin mag dala ng libro kahit mas preferred ko, lagi kasi ako nalabas baka mawala ko lang or maiwan kung saan

Ken Sambales

  • Ken Sambales
  • Jan 20, 2020

Hindi mo naman kelangan mag jailbreak, may mga libre naman din pdf reader sa App store problema lang kasi sa mga apps ng iOS karamihan may bayad or puro free trial lang, kung ganun lang din mas mabuting magdownload ka na lang ng ebook app na may monthly subscription hindi pa masasayang pera mo at less hassle sa pag hahanap ng ebook sa internet

Good Answer

Ryan Bongs

  • Ryan Bongs
  • Jan 20, 2020

Pwede din naman bumili ka na lang ng libro tutal mas gusto mo yun, less hassle pero mas magastos pwede nga din mag Android smartphone ka na lang para makadownload ka ng libreng ebooks, yun nga lang hindi ko din alam kung ano yung mga apps na meorn free ebook download, pero malamang nagkalat na yan sa internet. Ako kasi nagdadownload lang ng mismong ebook, konting tiyaga lang sa Google search kelangan

Good Answer

Reply

Josie Henay

  • Josie Henay
  • Oct 10, 2019 / Good Answers : 1

iPhone 11 na pala ngayon, akala ko nasa iPhone X pa din. Anong mga bago dito or naimprove?

Baxia

  • Baxia
  • Oct 10, 2019

Tatlo na din yung camera nitong iPhone 11 Pro pero hindi ko alam kung may front camera pa din or same place pero for sure meron yan kasi mas madaming gumagamit nun kesa main camera, alam mo naman puro selfie ang mga tao. Meron din Deep fusion feature bago lang yun pero hindi ko alam yung talagang nagagawa so hindi ko mapapaliwanag

Good Answer

Josie Henay

  • Josie Henay
  • Oct 10, 2019 / Good Answers : 1

Hindi naman ako masyadong magaling sa camera, di ko din magagamit yang Deep fusion if ever bagong feature ng camera yan, but iriresearch ko pa din baka magandang addition yan. To be honest, I was looking for an iPhone X dahil nagbabalak na ko bumili then nakita ko ito so change target na siguro ako ngayon, medyo konting ipon na lang naman may pambili na ko

Kakarot

  • Kakarot
  • Nov 12, 2019

General explanation, yung camera dalawang lens pa din pero iba na itsura, yung display iba na din yung gamit nila, hindi ko alam yung water resistance rating ng iPhone X pero sa 11 IP168, search niyo na lang yung meaning pero pwede ng ibabad sa tubig ng 2 meters yung lalim ng 30 minutes, para lang aware yung karamihan mababaw lang ang 2 meters kaya hindi niyo pa din pwede gamitin pang selfie sa dagat or swimming pool

Good Answer

Ryan Gusion

  • Ryan Gusion
  • Nov 12, 2019

Buti ng meron water resistance kesa wala, dati nakakatakot ilabas yung phone kapag umuulan kasi madaling masira, ang hirap nga din na mabagsak yung phone kahit hindi kataasan kasi madali matanggal yung mga screw sa loob. Yung battery niya mas okay? I mean nung iPhone 11, kasi kahit sa iPhone X madami nagsasabi walang bago

Good Answer

Lesley Tuala

  • Lesley Tuala
  • Nov 12, 2019

Yes! Ayan din yung worries ko, ang hirap pa naman madalas kausap ng Apple kasi ang daming hindi pwede at bawal, kahit sa pag papaayos kapag wala silang spare parts sa service center nila, bawal ka pa din maghanap sa iba. Ilan na nga pala yung mega pixel ng camera ng iPhone 11? Sa Android lahat lagpas 20mp na kaya ang gaganda ng kuha

Good Answer

sweet amy ramos

  • sweet amy ramos
  • Nov 12, 2019

syempre mas maganda na ang specs nito at yung nga mas marami na din ang camera na offered ng phone na ito, kita mo naman sa likod ang camera nila, basta bago uupgrade nila yan, so expect mo sa iphone12 mas marami na lalong camera ang ilalagay nila paramihan na ng camera ngayon yan ang napapansin ko sa mga bagong phones

Good Answer

Lianna Rose Perez

  • Lianna Rose Perez
  • Nov 13, 2019

Napaka mahal naman kasing iphone na cellphone, parang hindi ko naman makita ang pagkakaiba ng mga phones na mahal halos same lang naman ang quality nila, bakit ang Xiaomi maganda naman ang specs pero hindi naman ito mamahalin, at hindi umabot ng 50k ang presyo nila. Bakit ang iphone at Samsung mahal ang mga phones niya

Good Answer

Margarette Corpin

  • Margarette Corpin
  • Nov 13, 2019

sunod sunod lang naman ang number ng mga iphones eh hindi katulad ng Samsung random yung naming nila

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Mobile Phones

Jiangmiann

Aking iPhone X ghost touch

Narito ang 5 mga solusyon na maaaring gawin upang ayusin ang iPhone X ghost touch. Kung ang isyung ito ay nangyayari sa iyo, maaari mong subukan ang mga paraang ito bago pumunta sa tindahan ng Apple. 1. Malinis na iPhone X screen; 2. I-update ang lahat ... Read more

  • Last updated : Mar 19, 2020
  • Posted by Jiangmiann
  • Replies of This topic : 0 Replies

Jasper

Price

7k ba talaga price nyan? Paki sagot po, thank you.

  • Last updated : Mar 19, 2020
  • Posted by Jasper
  • Replies of This topic : 0 Replies

Hanz

Greenhills Iphone's

Legit ba yung mga iphones na ibinibenta sa Greenhills? who already tried buying there? Thanks.

  • Last updated : Mar 17, 2020
  • Posted by Hanz
  • Replies of This topic : 5 Replies
View Mode: PC | Mobile