Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
As of May 17, 2021 (scheduled), all new posts to reviews and forums will be stopped.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

Apple iPad Air 4 (2020) Reviews

Overall Rating

Design 4.9
Processing Speed 4.9
Operability 4.9
Portability 4.9
Battery 4.9
Display 4.9
Total 4.9

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Jamie Argel

  • Review by Jamie Argel
  • Mar 31, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Sharp screen!

Sharp naman ang screen ng iPad Air 4 na ito at bright din ang screen. Kapag nanonood ako dito ng 4K version ng movie, nakikita ko talaga na detalyado ang images at ang ganda parang buhay na buhay. Napakaganda ng color reproduction dito. Pagdating sa sharpness nito, meron itong 264ppi pixel density na halos kaparehas lang ng rate na makikita mo sa normal iPad at sa iPad Pro. Mas gusto ko pa nga ito kesa sa iPad dahil sa merong full lamination at anti-reflective coating ang screen nito at mas resistant pa sa glare at sa mga fingerprints.

Good Review

Hernan Dominguez

  • Review by Hernan Dominguez
  • Mar 27, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Speedy iPad

Kapag tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung anong magandang tablet na mabibili ngayon, ang sinasabi ko sa kanila eh itong iPad Air 4. Hindi lang ito mabilis at mas maganda ang style kesa sa ibang iPad, yung magic keyboard din nto ay perfect for this at para ngang pwede na ngang ma-beat ang laptop nito. Kung mas mahaba ang battery life nito at mas maliwanag ang display, ito na dapat ang best tablet ng Apple. Oo nga at talo ito ng Galaxy Tab S7 pagdating sa pahabaan ng battery life at isa pa eh mas mura yon. Kaso itong iPad Air 4 eh panalo naman pagdating sa bilis.

Good Review

Katrina Cerdeña

  • Review by Katrina Cerdeña
  • Mar 18, 2021
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Operability 4.0
Portability 4.0
Battery 4.0
Display 4.0
Total 4.0

Okay naman

Halos sampung oras kong nagagamit ang iPad Air 4 ko na ito kapag nagsu-surf lang ako sa mga social media accounts ko. Kaso mas nalamangan nga lang ito ng dati kong iPad Pro kasi sa patagalan ng battery ay mas okay iyon. Kasi kapag ginagamit ko eh inaabot pa ng gabi at may 40% battery pa. Unlike dito na kelangan ko rin kaagad mag-charge after ng 4 hours at depende pa ito sa usage ko. Kung manonood ako ng videos at may games pa, syempre mas mapapabilis ang charging ko nito.

Good Review

Talie Villas

  • Review by Talie Villas
  • Feb 28, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Amazing device!

Nag-upgrade ako sa iPad Air 4 na ito mula sa iPad mini 4. Nag-iisip pa nga ako before kung aantaying ko munang lumabas ang iPad mini 6 pero buti na lang bumili na ako nitong iPad Air 4 sa halip na antayin ko pa lumabas ang mini 6. Malaki ang size nito pero medyo magaan naman ito. Yung color green ang napili ko na merong 256GB na memory. Nagdagdag na lang ako ng wireless Bluetooth keyboard at mouse dito para magamit ko na parang laptop. Nag-order din ako ng pencil pero hindi pa dumadating kaya hindi ko pa ma-share. Okay ang performance ng iPad Air 4 na ito at nagustuhan ko naman. Kudos sa Apple for making this amazing device.

Good Review

Shekinah Cruz

  • Review by Shekinah Cruz
  • Feb 27, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

This iPad rocks!

Pinalitan ko ang iPad Air 2 ko sa pag-aakalang worth it ang iPad Air 4. At talaga namang hindi ako nagkamali kasi very flawless ang naging performance nito. Napakabilis kong nakuha ang mga old files ko using the same Apple ID at lahat ng mga apps at mga associated data ay nai-installed kaagad dito sa Air 4. Sobrang nakaka-impressed! Ang ganda ng graphics nito at napakabilis ng CPU. Naging user din naman ako ng iPhone 11 dati kaya yung kawalan ng home button ay hindi na big deal sa akin. It really gets the job done at hinding-hindi ka madidisappoint dito.

Good Review

Cindel Manalo

  • Review by Cindel Manalo
  • Feb 21, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Really beautiful and nice performance

Bumili ako ng iPad Air 4 na ito para may alternative ako sa laptop na ginagamit ko. Para lang meron akong magagamit kaagad kung gusto kong mag-surf sa social media at maglaro ng ilang casual games. Maganda ang speaker ng iPad na ito... malakas at full of depth ito kaya talagang maganda gamitin sa pakikinig ng mga music. Inirerecommend ko ito sa mga casual users at sa bago nitong chipset, naha-handle nito ang kahit na mga mabibigat na multitasking. Kung nagbabalak kang bumili ng iPad Pro, I am suggesting na ikunsidera mo rin ito maliban na lang kung video editing ang gagawin mo palagi. So far, I don't have any complaints sa device na ito.

Good Review

Chell Villaruel

  • Review by Chell Villaruel
  • Feb 12, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

The best so far!

Dahil sa nakagamit na rin naman ako ng iPad Air 2 before, masasabi kong itong iPad Air 4 sa ngayon ang the best. Kumpara sa dati, napakabilis nito at madali lang mag-transition at mag-load ang mga apps. Medyo nanibago lang nang konti pero wala namang issue at mas okay pa nga dahil mas malaki ang screen nito. Masasabi kong the best ang model na ito unless kailangan nyo pa ng mga dagdag na mga features ng iPad Pro.

Good Review

Dahlia Laureta

  • Review by Dahlia Laureta
  • Jan 30, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

High-quality talaga!

Superb talaga ang iPad air 4 kong ito at very futuristic din. Sobrang sikat talaga ng Apple at maging ang mga iPad at mga phones nila. Kaya nga kahit na mahal ang presyo nito ay okay lang kasi high-quality naman kasi ang mga products nila. I am one of the customers na satisfied sa device na ito na maganda ang design at maging ang color range. Yung mga naka-installed na mga apps dito ay mga advanced application na. Nice ang battery backup nito at very smooth ang touch screen. Kaya kung kayo ay nagbabalak na bumili ng tablet, consider nyo itong iPad Air 4 ng Apple at hindi kayo madidisappoint dito for sure.

Good Review

Jomari Valdez

  • Review by Jomari Valdez
  • Jan 21, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

The best tablet

Ang ganda talaga nitong iPad Air 4 ng Apple at kahit na 2 months ko na itong ginagamit, parang hanggang ngayon bago pa rin sa akin. Nakakapag download ako ng maraming apps dito kaya naman sobrang useful ito sa akin. Kumpara sa ibang tablet, this is really great at ang bilis pa ng processor nito. Ang maganda sa Apple iPad ay makukuha mo ang mga latest update na nila-launch ng Apple sa iPad. Ito na ang may pinaka the best na screen quality kumpara sa ibang tablets ng ibang brands ngayon. The best ang gaming experience ko dito at napakabilis nito for browsing, premium pa ang build quality. Maganda din ang quality ng camera at okay talaga itong pang multitasking.

Good Review

Ariel Sanchez

  • Review by Ariel Sanchez
  • Nov 29, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Sulit ang pag-aantay ko nang matagal

Ito yung una kong nabiling model ng iPad since nung 2014. Yung dati ko ay gumagana pa naman pero bumabagal na dahil sa bagong iOS updates. Itong bago kong iPad ay sobrang bilis at mas okay rin ang battery life at mas magaan pa kaya kahit hawakan ko palagi eh hindi ako nangangawit. Mas maganda din ang visual quality nito kesa sa dati at mas boost ang speed kaya naman yung mga dating games na hindi ko na nilalaro eh nalaro ko na ulit dito. Sana eh tumagal ito ng 7 years sa akin.

Good Review

Janelle Laudencio

  • Review by Janelle Laudencio
  • Nov 26, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Apple is the best!

Halos 12 years na akong user ng Apple at kahit minsan eh meron silang mga ups and downs, napaka-consistent naman nila pagdating sa update at saka talagang tumatagal ang mga devices nila. Nag-upgrade ako ng iPad ko to this iPad 4 na yung dati eh tumagal sa akin ng limang taon mahigit nang walang problema maliban sa software nito na hindi na supported ang iPad pero matagal naman namin itong napakinabangan kaya highly recommended ko talaga. Kung ayaw mo ng laging bumibili ng bagong devices dahil sa bumabagal na o nawawala na ang pagiging efficient, Apple ang brand na bilhin nyo.

Good Review

Nico Buenaventura

  • Review by Nico Buenaventura
  • Nov 22, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Multi-use iPad

Isa ito sa mga iPad na ginagamit sa bahay namin. At mas okay for me ito dahil mas better ang experience kesa sa regular iPad na merong magandang screen, speaker, at mabilis. Ginagamit ito lalo na ngayong may online class at nagagamit pang-research sa mga assignment ng mga pamangkin ko, pang browse sa Internet, panghanap ng mga bagong recipes, at iba pa. Kaya naman inirerecommend ko talaga itong iPad na ito sa mga ayaw ng iPad Pro.

Good Review

Jason de Veyra

  • Review by Jason de Veyra
  • Nov 20, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

This is really great to use!

Binili ko ang iPad na ito dahil na nasawa na akong gumamit ng phone at minsan, gusto ko maiba naman. Sa ngayon talaga kasi ay mas maganda na gumamit ng mga apps kesa sa mga website. Sa computer naman, medyo mahirap gamitin ang mga ibang services dahil yung iba eh nag-switched na to mobile version. Itong iPad eh talagang perfect gamitin kasi nakakapagbigay din naman ito ng functionality ng isang phone at maging ng PC. Ang maganda pa dito, kung meron kang iPhone, magwo-work ang dalawa na ito together nang very seamless. Nakaka-call din naman ako dito, nakakapag-send ng message at nakaka-receive din kaya parang malaking iPhone na rin ito. Magaan lang ang iPad kaya kahit na araw-araw kong dalhin sa backpack ko eh hindi big deal ito sa akin. Meron din akong keyboard for it na nagagamit ko. Kung nasasawa na kayo sa maliit na screen ng iPhone nyo, magugustuhan nyo ito. Game-changer ito talaga for me.

Good Review

Romeo Lopez

  • Review by Romeo Lopez
  • Nov 17, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Operability 4.0
Portability 4.0
Battery 4.0
Display 4.0
Total 4.0

Great iPad!

Maganda ang product na ito. Kung bibigyan ko ng rating eh 4 out of 5 ang ibibigay ko dito. Meron kasi ng ibang hinahanap kong mga features na wala dito kaya nagtataka ako. Wala itong low battery mode na meron ang ibang phone. Wala din itong naka-installed na calculator. Kailangan ko pang mag-download ng app para dito. Ayaw ko rin na meron itong fingerprint scanner. Nung una ay hindi naman ito issue sa akin pero nakaka-inis kasi at nakakalito pag palipat-lipat ako sa phone ko at sa iPad. Pero overall ay okay naman ang screen nito kaya nagustuhan ko naman. Great iPad!

Good Review

Junel Cuerca

  • Review by Junel Cuerca
  • Oct 30, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Battery performance is great

Kapag nag-increase ang size ng screen at ang processing power, mas kakain ito ng more power sa battery. At saka marami ding mga variables ang dinidipendahan ng battery performance ng isang device, napanatili ng Apple ang ini-expect na performance sa iPad na ito. Nakakatagal ito ng mga sampung oras sa average na browsing sa Internet at panonood ng mga videos sa WiFi kaya okay sa akin ang battery performance nito.

Good Review

Cyruz Pamintuan

  • Review by Cyruz Pamintuan
  • Oct 26, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

This iPad has great performance!

Ang iPad na ito ay may flat na edge at all-screen display. Meron din itong single rear camera at ibang subtle edge buttons at mukha talaga itong kaparehas ng iPad Pro na naiiba sa dating mga iPad Air na mukhang mas malaking version ng mga entry-level slates na merong malaking bezel at mga front buttons. Merong resolution ang screen nito ng 2360 x 1640 pero hindi ito kasing laki ng mga iPad Pro model. Marami itong mga magagandang mga features kaya naman napakaganda ng iPad na ito. As for the performance, it's great!

Good Review

Marjorie Lucero

  • Review by Marjorie Lucero
  • Oct 20, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Operability 5.0
Portability 5.0
Battery 5.0
Display 5.0
Total 5.0

Fastest na Apple tablet daw ito

Ang inilagay na chipset dito sa iPad na ito ay yung A14 Bionic na sinasabi ng marami na meron din daw ang iPhone 12. Ito ang kauna-unahang 5nm na chipset sa Apple mobile tablet at sinasabing pinaka-mabilis itong tablet ng Apple. Masusubukan ito once na makabili ako nito since isa rin ako sa mga nag-aabang ng release nito. Ang sabi ng Apple ay mas mabilis ng 30 percent ang performance ng tablet na ito kahit na nga syempre hindi pa napapatunayan natin at kailangan pang subukan bago masabi talaga.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Tablets

Love na love ko ang iPad kong ito. Perfect for me ito at tama lang ang presyo. Marami ang nagsasabi na pangit daw ito kasi hindi full screen at wala pang keyboard, at marami pang ibang complaints. ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Dana Dionella
  • Date : Mar 31, 2021

This is really an awesome product at kung gusto nyo ring bumili nito, go for it! Huwag na kayong magdalawang-isip sa pagbili nito kasi siguradong hinding-hindi kayo magsisisi. Hindi naman ako fan ng ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Richie Costales
  • Date : Mar 31, 2021

Sobrang nagustuhan ko ang iPad na ito kasi perfect para sa akin ito at tama lang ang presyo. Marami ang napapangitan dahil daw sa hindi ito full screen at wala pang keyboard. Kung ang gusto mo eh ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Zott Andrade
  • Date : Mar 27, 2021
View Mode: PC | Mobile