Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
Posting new content to reviews and forums has ended as of May 17, 2021.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

Acer Predator Orion 3000 PO3-600 Reviews

Overall Rating

Design 3.8
Processing Speed 3.8
Graphics 3.8
Expandability 3.8
Usability 3.8
Quietness 3.8
Attached Software 3.9
Total 3.8

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Kyrah Galicia

  • Review by Kyrah Galicia
  • Mar 29, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Perfect pang gaming!

Sa ngayon ay okay talaga ang computer na ito at halos lahat ng games eh kaya nitong i-handle at max graphic quality nang napakadali lang. I really love this at ang ganda talaga ng pagkaka-design ng cpu nito na nagustuhan ko. Pagdating sa performance, napakabilis nito talaga at okay ang thermals, cable management, at iba pa. Sobrang okay ng pagkakagawa nitong computer na ito na perfect pang gaming.

Good Review

Dexter Lazaro

  • Review by Dexter Lazaro
  • Feb 27, 2021
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Okay naman at sana tuloy-tuloy itong ganito

One week na sa akin ang computer na ito. After nung startup, meron pang mga guided setup na wala namang naging problema kasi madaling sundan at kahit na hindi techy ay magagawa ito. Kaso walang light controls sa machine na ito na ibig sabihin eh walang on/off setting. Pero wala naman akong nararanasan so far na sobrang pag-iinit nito. Sa ilang araw na paggamit ko nito, wala naman akong na-experience na crashing o kaya naman eh rebooting. Sana magtuloy-tuloy na okay.

Good Review

Eszel Carreon

  • Review by Eszel Carreon
  • Feb 22, 2021
Design 4.0
Processing Speed 3.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 1.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 3.4

Nagka-problema pa

Binili ko ang computer na ito nung magkaroon ng sale dito sa isang mall sa amin. Nagamit ko naman ito kaso mga ilang buwan lang eh nagkaroon na ng issue sa video card nito. Naging puti ang screen ng computer ko at nag-shut down na lang bigla. Yung GPU nito ay nagwo-work with 86 87C at halos umabot pa sa 90C. Sobrang poor ng system nito. Bakit kaya hinayaan ng Acer na mangyari ito. Dahil dito, nagka-aberya tuloy ang work ko at antagal bago ko na-recover. Kaya kung gusto nyong bumili ng computer, ibang brand na lang ang bilhin nyo.

Good Review

Cheche Ramirez

  • Review by Cheche Ramirez
  • Jan 28, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

No issues!

One week na ito sa akin. Nung initial start-up, may sinunod akong guided setup at wala namang problema kasi madaling sundan. Hindi naman kailangan ng technical knowledge para makapag setup nito. Isang Windows update lang ang ni-run ko at lahat na ng BIOS, software, at drivers naman ay updated na. Wala akong na-experience na excessive heat problems dito. Overall, lahat ng specs na stated eh exactly meron talaga at walang issues, walang freezing o rebooting akong naranasan. I love this computer!

Good Review

Alexis Perez

  • Review by Alexis Perez
  • Jan 27, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Beast in Gaming!

Talagang deserved ng Orion 3000 ang thumbs-up bilang napakagandang computer and very powerful pa. Nakakapaglaro ako dito kahit na mga heaviest gaming pa. Talagang perfect na perfect ito sa mga tulad kong gaming enthusiast. Oo nga at mahal ang presyo nito pero siguradong ma-sasatisfy naman kayo once na ito ang ginamit nyo for gaming. It really served its purpose bilang isang gaming device and it's really a beast!

Good Review

Jomel Padernal

  • Review by Jomel Padernal
  • Dec 30, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Okay talaga pang gaming

Last Augusti ko lang nabili ang pc na ito at very impressed talaga ako dito. Nagwo-work ito nang maganda sa mga triple A na mga games at wala akong nagiging issue sa paglalaro ng mga top VR titles. Ang naging concern ko lang dito ay yung CPU kasi nito ay medyo umiinit habang ginagamit ko kaya nagtataka ako kasi yung dati ko namang pc ay hindi ganito. Pero pagdating sa performance, wala akong reklamo.

Good Review

Charles Santos

  • Review by Charles Santos
  • Dec 27, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Mabilis mag-boot up

Medyo mahirap i-setup ang computer na ito kaya lang ay mabilis naman itong mag-boot up at halos lahat ay okay dito. Meron itong maliliit na headphone hooks na perfect para sa mga gamers. Maganda ang keyboard nito at meron ding ilaw. Medyo may pagka-buggy nga lang ang mouse nito. Kung ito yung gusto mong computer, dapat alam mo rin na wala itong naka preinstalled na Microsoft Office at kailangan mo pang magbayad after ng trial. Meron na itong kasamang Norton protection at tahimik lang ito mag-run, magaan at very compact.

Good Review

Russel Cruz

  • Review by Russel Cruz
  • Oct 30, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Good and bad!

French ang keyboard nito kaya naging problema ko ito. Kinontak ko na ang customer service ng Acer at ang tulong na maibibigay nito sa akin eh ibalik ito sa kanila. Hindi ko ma-dimmed o mapatay man lang ang ilaw sa front at sa loob nito na maliwanag na blue at minsan kasi eh ansakit na sa mata. Hindi ako makapag dagdag ng 2nd HDD dahil bina-block ako ng video card dahil okupado na nito ang spot kung saan ko ilalagay sana. Very smooth itong mag-render ng 4K video. Overall, very smooth naman ang performance nito.

Good Review

Walton Grace

  • Review by Walton Grace
  • Oct 26, 2020
Design 1.0
Processing Speed 1.0
Graphics 1.0
Expandability 1.0
Usability 1.0
Quietness 1.0
Attached Software 1.0
Total 1.0

Wag nyo nang bilhin ito

Maraming mga nagsasabi na ang mga unit na ito ay merong defect sa temperature at di ko malaman kung tungkol ba ito sa design o sa issue sa manufacturing. Kahit naka-idle kasi ito ay halos nasa 100 degrees Celcius ang init nito. Ang mali ko lang dito ay hindi ko na-diagnose kaagad ang issue na ito para sana naibalik ko kaagad. Pero kung nalaman ko kaagad ito eh siguradong ibinalik ko na ito kahit na wala pa akong laptop na magamit kaagad. Hindi kasi ako sigurado kung maaayos kaagad ito ng Acer. Kaya kung bibili kayo ng laptop, iwasan nyo na ito.

Good Review

Bong Carriedo

  • Review by Bong Carriedo
  • Oct 20, 2020
Design 1.0
Processing Speed 1.0
Graphics 1.0
Expandability 1.0
Usability 1.0
Quietness 1.0
Attached Software 1.0
Total 1.0

My mistake!

Naghahanap ako dati pa ng bagong PC na mabibili dahil yung ginagamit ko ay napakatagal na sa akin at gusto ko na sanang mag-upgrade. At sa halip na mag-assemble ako, bumili na lang ako nito. Pero masasabi kong nagkamali ako dito. Na-attract kasi ako dito nung makita ko pero nagdadalawang isip ako dahil sa mas gusto ko sana ang 2070 Super pero naisip ko na i-upgrade na lang ito later kaya ito rin ang binili ko. Marami naman itong space para sa air flow at maganda at bagay na bagay sa tabi ng monitor ko. Pero nung nag-update na ako ng lates update ng Windows 10, namatay bigla ang machine na ito nang walang warning man lang. Nagulat din ako sa temperature ng CPU na 73 degree celsius nito. Kaya naman dali-dali ko rin itong ibinalik sa store na pinagbilhan ko nito. Lesson learned: Huwag kaagad-agad bibili kung hindi naman sure ang bibilhin mo at nagdadalawang-isip ka.

Good Review

Danny Abdani

  • Review by Danny Abdani
  • Sep 28, 2020
Design 3.0
Processing Speed 3.0
Graphics 3.0
Expandability 3.0
Usability 3.0
Quietness 3.0
Attached Software 3.0
Total 3.0

Not sure if I will buy this.

Ganito ba talaga ang price ng mga desktop??? I think kailangan ko pagisipan mabuti kung ready na ba ko maglabas ng ganito kalaking pera para sa unit na to.

Good Review

Dexter Molina

  • Review by Dexter Molina
  • Sep 24, 2020
Design 2.0
Processing Speed 2.0
Graphics 2.0
Expandability 2.0
Usability 2.0
Quietness 2.0
Attached Software 2.0
Total 2.0

I need advised.

I need an honest opinion mas okay ba to kesa ACER Orion 3000. Planning to buy this pero di ako sure kung mas okay to kesa sa Orion 3000. Can you guys enlighten me, please? I will appreciate it a lot.

Good Review

Hayden Manalo

  • Review by Hayden Manalo
  • Aug 28, 2020
Design 4.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 4.9

Awesome pc

Unang beses ko lang itong makabili ng pc sa online at natuwa naman ako dahil prompt naman ang delivery nila at yung ini-expect ko talagang computer ang nasa akin at meron pang bonus na keyboard at saka mouse. Yon nga lang, naka-French pala ang keyboard nito at nung kumontak ako sa Acer support at ang tanging masasabi nila ay ibalik ko ito. Yung ilaw sa front at sa loob ay hindi pwedeng i-dimmed o patayin. Hindi ako pwedeng magdagdag ng pangalawang HDD dahil bina-block ng video card ang spot na paglalagyan nito. Nakakapag render naman ako ng 4K videos nang very smoothly dito.

Good Review

Jowaher Antonio

  • Review by Jowaher Antonio
  • Aug 20, 2020
Design 3.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 5.0
Quietness 4.0
Attached Software 5.0
Total 4.1

Okay ito for mid-higher end na mga games

Overall ay nagustuhan ko ang pagbili ko ng desktop na ito.

Pros:
- Meron na itong mga updates na naka pre-installed.
- Decent lang ang hardware ng machine na ito.
- Napakadali nitong i-setup at halos nakakalaro ako ng mga games na nakalagay sa maximum settings.

Cons:
- Hindi magugustuhan ng iba ang design ng PC na ito dahil below average lang ang itsura ng case nito.

Good Review

Kian Gonzales

  • Review by Kian Gonzales
  • Jul 31, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Epic talaga!

Nagustuhan ko ang bagong purchase ko na ito at wala akong anumang regrets dito. Nagagawa nito ang everything na kailangan ko at higit pa. Bumili ako ng external na 5TB na hard drive dahil sa na-amazed ako sa download speed nito at kahit na anong program ang i-open ko at gamitin, very smooth itong gumagana. Ang ganda din ng graphics ng video games nito at sa katunayan ay nilalaro ko ang Overwatch dito nang naka high setting. I am so happy with this computer.

Good Review

Jimayca Hernandez

  • Review by Jimayca Hernandez
  • Jul 23, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

So happy with this pc

Bumili ako ng pc na ito hindi para gamitin sa gaming kundi sa trading. Super amazing ito at talagang plug and play. Inabot ata ako ng kalahating oras sa pag unbox. Kinabitan ko ito ng tatlong monitor at ikinonfigure ko kung paano ko gusto ito mag work. Okay naman ang cooling system nito at maghapon na perfect. Gustong-gusto ko ito kaya siguro ita-try ko rin isang beses ang gaming. Excited kasi ako kung ano ang kaya pang gawin ng computer na ito. Okay ang keyboard at ang mouse nito kaya naman good purchase ito for me.

Good Review

Maxine Velasco

  • Review by Maxine Velasco
  • Jul 21, 2020
Design 1.0
Processing Speed 1.0
Graphics 1.0
Expandability 1.0
Usability 1.0
Quietness 1.0
Attached Software 1.0
Total 1.0

So horrible!

Last April ko pa nabli ang desktop na ito at ngayong July, kinailangan ko nang palitan ang motherboard nito at bumili ng mas malaking case. Papalitan ko na rin ang cpu cooleer at maging ang on board wifi at bumili ng mas matibay na power supply. Napaka-horrible kasi nitong gamitin. Sana nga eh hindi na lang ako bumili ng pre-built na dekstop pc. Lahat ng nasa loob nito ay cheap maliban sa processor at graphics card. Hindi ko mairerecommend ang PC na ito kahit kaninuman. Kailangan mo pa kasing gastusan ito para mapanatiling cool ito at nagra-run nang maayos.

Good Review

Gelyn David

  • Review by Gelyn David
  • Jun 30, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Ang bilis na gaming PC

Importante talaga ang level ng RAM sa mga gaing desktop. Kapag mas maraming memory ay mas okay. At itong desktop na ito ay talagang massive ang memory na perfect for gaming. Ang bilis pang mag load ng mga games. At saka yung RAM nito ay malaki din kaya hindi nagkakaroon ng laggy frames. The best ang performance nito at mas okay kesa sa ibang gaming PC. Perfect din itong gamitin sa video streaming.

Good Review

Recyl Santos

  • Review by Recyl Santos
  • Jun 27, 2020
Design 1.0
Processing Speed 1.0
Graphics 1.0
Expandability 1.0
Usability 1.0
Quietness 1.0
Attached Software 1.0
Total 1.0

Go for other PC

Hindi ko mairerekumenda ang PC na ito sa mga naghahanap ng high performance na gaming PC. Mas magandang maghanap na lang kayo ng alternative na mas maganda kesa dito. Kung sakaling bibili kayo nito, hindi rin kayo masisiyahan. Ang pangit kasi ng performance. Maganda lang itong tingnan. Na-attract lang ako dito dahil sa ang gandang tingnan pero kapag ginagamit ko na ay talagang nakakainis at nakakaubos ng pasensya. Madaling mag-init at laging nagha-hang. I don't know why.

Good Review

Marielle Genova

  • Review by Marielle Genova
  • Jun 23, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

A true gaming PC so powerful!

Napaka-importante para sa isang PC gamer ang graphics card. Ito ang pinaka-importanteng parte na gagawa o makaka-break ng setup at yung responsable para maging maganda laruin ang games. Kapag mas powerful ang graphics card, mas smoother ang magiging frame rates na maee-experience nyo. Kapag mas mataas ang resolution na napapaandar nyo itom mas magiging magandang tingnan ang games nyo. Para sa graphics, masasabi kong enough ang pagiging powerful ng PC na ito para makapaglaro ako ng mga games sa inirerekomendang level. This is a true gaming PC na pangarap ng maraming gamers ngayon.

Good Review

Page 1 of 2

Latest Reviews for Desktop Computers

Perfect na computer ito para sa mga on the go. Kung gumagamit ka ng phone, magugustuhan mo rin gamitin ito. Napakadali nitong iset up para sa home screen mo at mabilis mong maki click at mada-drag ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Fenelyn Montalba
  • Date : Mar 29, 2021

Maganda ang design ng PC na ito at yung size ay tama lang para sa akin. Okay din ang resolution ng screen nito pero ang mas ikinagulat ko ay yung bilis nito. Hindi ko ito ginagamit sa gaming. Hindi ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Armin Soler
  • Date : Jan 30, 2021

Ang dahilan kung bakit ito ang binili ko ay dahil sa ang sabi sa online shop na pinagbilhan ko nito eh meron daw itong optical drive. Hindi ko rin naisip na kailangan ko ring i-check mabuti ang specs ...Read more

  • Rating : 3.9
  • Review by Marnelli Espaldon
  • Date : Jan 28, 2021
View Mode: PC | Mobile