Acer Nitro 5 AN515-54 Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Paris Joaquin

  • Paris Joaquin
  • Apr 25, 2020

pwede po ba na SSd lang ang storage ng laptop at tanggalin ko ang HDD nito? o isa lang ang pwede ko na piliin?

Gregory Matias

  • Gregory Matias
  • Jun 10, 2020

Kung pwede talaga palitan yung internal memory, oo pwede mo palitan ng SSD yan saka isa lang naman ata slot talaga niyan kaya mamimili ka lang kung SSD o HDD. Kung ayaw mo pa itapon yung HDD may nabibili naman na case converter para diyan, magiging external hdd na siya para may magamit kang pang back up ng mga files mo kung kelangan

Good Answer

Kenneth Banson

  • Kenneth Banson
  • Jun 10, 2020

Kung may nakikita ka bang ibang slot para sa memory oo pwede mo gamitin pareho yan, pero dahil laptop itong Nitro 5 for sure isa lang slot nito, kaya mamimili ka lang talaga pero hindi na dapat pinag iisipan yan, dahil mas maganda at mabilis yung SSD ayun nga lang baka mas mataas yung memory ng HDD mo, anyway pwede mo naman gawin external yan para hindi masayang

Good Answer

Reply

Ana Alawi-An

  • Ana Alawi-An
  • Apr 23, 2020

Paano po ulit mag change ng color ng keyboard?

Arold Padua

  • Arold Padua
  • Apr 25, 2020

alam ko po merong settings sa keyboard po para mag switch ng color, wala akong ganyan pero nakagamit na ako sa bahay ng pinsan ko, sabi ko kasi masakit sa mata yung kulay kaya pinatay niya, baka may shortcut key na need mo ipress para mag switch ng color hindi din kasi ako totally sure kung paano ang gagawin kasi.

Good Answer

Jaja Tuazon

  • Jaja Tuazon
  • Apr 25, 2020

pwede pala yun akala ko isa lang po ang kulay ng keyboard

Good Answer

Lemuel Diaz

  • Lemuel Diaz
  • Apr 25, 2020

basta mga ganyan po na may lights for sure po na pwede ito ma adjust and settings, may turn off at on din po ito kaya kung gusto niyo man din na hindi gamitin at gusto niyo magingregular keyboards lang ganun po ang gagawin ninyo. I think makikita niyo sa Youtube kung paano ang aggawin to adjust the light ng ganitong keyboard

Good Answer

Kenneth Banson

  • Kenneth Banson
  • Jun 10, 2020

Change color ng keyboard? Yung backlight ba o yung mismong kulay ng mga keypads? Kung may backlight yan hindi ko alam, hindi ba dapat ikaw nakakaalam niyan kung ikaw may ari? Wala bang instruction manual yan? For sure kung hindi man sa settings meron yan software para macontrol yang ilaw. Kung kulay mismo ng keypad gusto mo palitan wag mo na gawin baka masira lang

Good Answer

Reply

Aliyah Fuentana

  • Aliyah Fuentana
  • Apr 19, 2020

sabi kasi nila okay ang specs so ibig sabihin okay din ito pang gaming?

Lewis Magsangka

  • Lewis Magsangka
  • Apr 21, 2020

siguro, mukhang pang gaming naman talaga itong laptop na ito eh

Good Answer

Queenie Jacob

  • Queenie Jacob
  • Apr 22, 2020

ang alam sa ganito na laptop po ay its actually an understated gaming laptop na sakto sa budget ng karamihan. Ang maganda kasi sa laptop na ito madali mo lang dagdagan ang memory and storage nito kung gusto mo man,so basically worth the money kung bibili ka and quite good din naman for gaming kung gagamitin sa games.

Good Answer

Ces Drisonto

  • Ces Drisonto
  • Apr 22, 2020

icheck mo lang lagi ang specs, the higher and newer specs ibig sabihin nun pasok sa pagiging gaming laptop, mapapansin mo naman agad sa specs ng laptop un eh lalo na pag gaming high specs talaga ito. Itong Acer Nitro sakto lang not the best pero pwede na din for gaming ito based sa specs na nakikita ko dito.

Good Answer

Heaven Paras

  • Heaven Paras
  • Apr 22, 2020 / Good Answers : 1

para sa akin okay na din itong ganito na laptop, pero kung gamer man ako hindi ko masabi kung okay naba ito na pang gaming, basta para sa akin okay specs okay na din ito para sa lahat. I dont think okay ang laptop for gaming mas okay kung desktop nalang bilhin mo kung pang games mo lang din naman gamitin ito.

Good Answer

Reply

Severina Callas

  • Severina Callas
  • Mar 12, 2020

may gaming laptop ba na mas manipis o maliit kaysa dito?

Nigel Del Mundo

  • Nigel Del Mundo
  • Jun 10, 2020

I don't think so saka hindi recommended yan, mas manipis ibig sabihin mas less effective yung cooling system or baka mahina kasi compressed masyado yung mga parts sa loob ng laptop, ang ending pa din niyan bibili ka ng accessory na fan para sa laptop edi ganun din mas hassle pa kasi dagdag yung dala mo na gamit imbis makatipid ka sa space

Good Answer

BJ Guinoo

  • BJ Guinoo
  • Jun 10, 2020

Wala, lahat ng legit na gaming laptop either malaki or mas mabigat kasi mas malaki yung mga parts ng mga high performance parts tulad ng mga video card at sound card, mas malaki din yung motherboard madalas dahil mas madaming slot na kelangan para sa RAM, kaya kapag may nakita kang manipis na laptop at sinabing for gaming yun, alamin mo agad yung specs, mataas yung chance mababa lang yun

Good Answer

Reply

Ryan Bongs

  • Ryan Bongs
  • Jan 15, 2020

Nauupgrade ba yung RAM nito or nadadagdagan?

Ace Rivero

  • Ace Rivero
  • Jan 15, 2020 / Good Answers : 1

Malabo yung specs kaya mahirap sagutin ng sigurado yung tanong mo, 4GB yung RAM pero may 2 slots pa, hindi ko alam kung ibig sabihin ba nun may 2 free slots pa or may tig 2GB RAM doon sa dalawang slots, pero tingin ko naman upgradable kung may RAM slot yung laptop, kung magoorder ka online check mo yung video review nito malamang ipapakita doon yung sagot sa tanong mo

Good Answer

MacMac Donalds

  • MacMac Donalds
  • Jan 15, 2020

So far sa lahat ng latest gaming laptops at feeling gaming laptops na nakita ko upgradable ang RAM na, yung 4GB siguro standard na yun like integrated na yun, tapos may 2 free slots para dagdag pa yung RAM kasi napaka impossible naman na 4GB lang RAM nito, mas mataas pa yung RAM ng phone ko kesa sa laptop? Tapos gaming pa ito

Good Answer

Ryan Bongs

  • Ryan Bongs
  • Jan 15, 2020

Ayun din actually yung naisip ko tungkol sa laptop at RAM nito, masyadong ng mababa para sa laptop yung 4GB, pang Google Chrome nga lang ata yan, scam yan kapag ganyan specs niyan kahit anong ganda pa ng ibang hardware hindi ko bibilhin yan. Wala pa naman ako balak bumili kaya magtitingin pa ko ng ibang laptop pero nakalista na ito sa possibleng balikan ko

Phee Sky

  • Phee Sky
  • Jan 15, 2020

Ewan ko lang kung may malaro ka ng maayos sa ganyan RAM, siguro kelangan patayin mo lahat ng mga program sa background para hindi ka ma fps drop, pero impossible yun kasi ang daming gumagana sa background ng computer, lalo na yang mga walang hiyang anti-virus, kahit kelangan mo sila para hindi masira agad agad yung computer, badtrip pa din yung laki nila sa RAM saka hard drive

Good Answer

Jay Julian

  • Jay Julian
  • Jan 18, 2020

Okay po ba ito for CAD? SketchUp and Photoshop?

Good Answer

Mark Sumilla

  • Mark Sumilla
  • Feb 20, 2020

Sa kinasamaang palad aking tropa walang sa mga sinabi mong software ang magandang pag gamitan ng laptop na ito, mababa kasi yung RAM nito sobrang kulang ang 4GB RAM para makagawa ng malaking project. Siyempre kung madagdagan yung RAM pwede na din siguro ito pero kung gusto mo talaga ng laptop na pang CAD, yung mga tig Php70,000 na laptop yung hinahanap mo

Good Answer

Gabby Mendez

  • Gabby Mendez
  • Feb 20, 2020

Okay naman yung laptop na to pang editing software saka CAD pero kelangan mo talaga iupgrade muna yung RAM at sa nakikita ko naman sa specs at sagot ng mga tao dito, pwede mo dagdagan yung RAM, siguro sa stock na RAM nito pwede pa yung Sketch up kasi ang alam ko sa software na yun mas mababa yung specs requirements niya kesa sa iba

Good Answer

Roy Grope

  • Roy Grope
  • Mar 12, 2020

halos lahat ng laptop upgradeable pero hindi lahat ng store nag uupgrade, tapos depende din sa slots ng laptop mo kung ilang RAM ang capacity ng laptop mo so kung mas gusto mo na mas malaki na RAM icheck mo kung ano capacity ng mabibili mo na laptop unless meron kanang laptop ipacheck mo nalang ito sa store din

Good Answer

Dee Wong

  • Dee Wong
  • Mar 12, 2020

phone lang hindi pwede iupgrade ang RAM

Good Answer

Andrew Tamayo

  • Andrew Tamayo
  • Mar 13, 2020

kaya pag pipili at bibili ng phone isa yan sa specs na chinecheck kasi mas okay yung higher RAM talaga kasi hindi naman ito napapalitan o upgrade compared sa computer, pero still limited naman hindi pwede kung gusto mo ay 8GB ang RAM mo ay magagawa mo ito kaagad depende pa din sa laptop mo kung kaya at pwede

Good Answer

Reply

Mystic K

  • Mystic K
  • Dec 25, 2019

19K pero gaming laptop? Legit price ba siya?

Jose Alano

  • Jose Alano
  • Dec 25, 2019

Baka nakapromo nga? Hindi naman ganun ka latest yung ibang parts niya tulad ng graphics card pero pwede na siya pang gaming talaga, gets ko nga lang din na medyo hindi kapanipaniwala yung presyo para sa ganitong laptop, kadalasan nga naman ng mga laptop na may ganitong specs ay at least umaabot na ng Php25,000 pataas

Good Answer

Mystic K

  • Mystic K
  • Dec 25, 2019

Yes! Actually lahat ng laptops na nakita ko sa mall na kapresyo nito, puro basic lang, like as in for work lang

Luis Serra

  • Luis Serra
  • Dec 25, 2019

Bakit hindi mo tanongin yung seller or check yung page niya, lalabas naman sa pricing sa page niya if may discount or wala, kung ayan na talaga yung real price niyan maganda kung magbasa basa ka muna ng comments tungkol sa seller, for sure may mga comments yan sa page niya, if wala wag mo na subukan mag order unless gusto mo talaga irisk

Good Answer

Jose Alano

  • Jose Alano
  • Dec 25, 2019

Maganda matignan mo kung may physical store sila or wala, kung meron mas maganda doon ka na lang bumili lalo na kung walang comments or konti lang review sa seller, para lang makasure ka na may babalikan ka. Kung wala naman tindahan mismo yung seller pero okay lang sayo sumugal edi desisyon mo na yan, malay mo naman magbunga ng maganda

Good Answer

Ben Vicente

  • Ben Vicente
  • Feb 20, 2020

Nawala na yung nagbebenta ng 19k, nagreklamo ka kasi binawi tuloy yung presyo niya, pero for sure may bumili na nun kasi sa specs nito, hindi na siya talo sa 19k, laking discount na nga nun sa totoo lang kasi ang susunod na lang niya pag iipunan yung RAM, mas madali na yun kesa bagong laptop saka mas mahal yung mga laptop na may matataas na RAM pa din

Good Answer

Shekem Terado

  • Shekem Terado
  • Feb 20, 2020

May nagbenta nito ng 19k lang? Sayang hindi ko naabutan, kukunin ko din sana agad kung nakita ko, kakatingin ko lang ng specs nitong laptop maganda naman siya, saka magkano lang bumili ng DDR na RAM malamang sa 7K may mabibili na kong 4GB or 8GB, yung mga laptop na may 8GB RAM nasa 50K na yung presyo ng karamihan, mas mura pa din bumili nito saka RAM

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Laptops

Mac Espiritu

webcam specs

ano po ang quality ng webcam ng laptop na ito?

  • Last updated : Feb 16, 2021
  • Posted by Mac Espiritu
  • Replies of This topic : 8 Replies

Adim Dimebag Junjun

corel draw

pwede ba to sa grapics editing using coreldraw for large format printing?

  • Last updated : Feb 15, 2021
  • Posted by Adim Dimebag Junjun
  • Replies of This topic : 6 Replies

Sophia Tejerero

??

pwede na po ba to for onlime class purposes? or may iba pong suggestions na mas okay?

  • Last updated : Feb 15, 2021
  • Posted by Sophia Tejerero
  • Replies of This topic : 6 Replies
  • 3 Good Answers
View Mode: PC | Mobile