Acer Aspire 5 A515-51G Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Carlos Vargas

  • Carlos Vargas
  • Apr 22, 2020

Kelangan ko ng laptop na pang edit, video, sounds and pictures okay sana desktop at meron na ako pero ang hirap din kasi kapag isesend ko pa sa email o kung saan yung file para lang idownload sa office

Terrence Escudero

  • Terrence Escudero
  • Apr 22, 2020

Pwede na pero kelangan mo yung 8GB RAM saka minimum lang ata yung specs nito para sa mga editing software mo, makakapag edit ka pa naman pero yung pag render ng edit mo matatagalan pa din yan baka nga masusunog muna yung motherboard bago matapos, pero depende sa bigat ng pag edit mo pa din yan, kung sa video, basta siguro hindi ka mag edit ng 1hr kakayanin mag render agad

Good Answer

King Ihada

  • King Ihada
  • Apr 22, 2020

Hassle nga yan lalo na kung hindi naman kabilisan internet sa office niyo, suggest ko maghanap ka pa ng mas maganda o laptop na may mas mataas na specs dito pero depende sa klase ng mga video na ineedit mo. Kung pictures lang kasi pwede na ito at kung sounds hindi din naman masyadong demanding yun pero yung video editing ang maarte sa specs

Good Answer

Reply

Elmer Bonifacio

  • Elmer Bonifacio
  • Apr 22, 2020

May ginagamit kasi akong software para sa mga engineer at malaki yung hinahanap na specs nun, kaya ba nitong Aspire 5? Autocad yung software

Locos 4 Lyf

  • Locos 4 Lyf
  • Apr 22, 2020

Naku po maawa kayo sa laptop na to, kung nakakapag salita lang yung mga laptop baka kasuhan ka ng physical abuse nito kapag sinubukan mo mag Autocad dito, mababa yung specs nito para gamitan nun dahil for sure hindi naman maliit yung magiging 3D model mo, kelangan mo yung mga at least tig Php70,000 na laptop at walang biro yan

Good Answer

Klint Arias

  • Klint Arias
  • Apr 22, 2020

Pwede na din naman yung mga tig Php50,000 na laptop pero kelangan piliin mo din yung specs kasi meron mga mahal na laptop pero pangit pa din yung graphics card, pinakamadaling ipagtanong sa mga seller yung laptop na pang gaming kasi ayun yung mga may matataas na graphics card at processor na bagay para sa Autocad

Good Answer

Reply

Joe Marie Pines

  • Joe Marie Pines
  • Jul 12, 2018

Sure po ba yung specs nankalagay dito pag binili mo ayun din yung daratin
Processor: Intel Core i5-7200U processor, 2.5 GHz CPU speed and
Ram: 8GB RAM +
Storage: 1TB HDD and 128GB SSD storage
Graphics: Nvidia Geforce 150mx ?

May Dvd-rw or DVd-r Po ba ito ??

Mark Sumilla

  • Mark Sumilla
  • Feb 27, 2020

Sure naman yan kasi hindi naman basta basta napapalitan yung specs ng mga laptop, integrated kasi karamihan ng hardware sa motherboard, kaya kung ano yung specs na makikita mo diyan o doon sa official site ng Acer, ayan din yung makukuha mo. Ang madalas lang na madali baguhin diyan ay hard disk at RAM pero ewan ko lang dito sa model na ito kung pwede talaga palitan yung RAM

Good Answer

Gabby Mendez

  • Gabby Mendez
  • Feb 27, 2020

Walang nakalagay sa specs kung meron o wala, at base sa picture wala din ako nakikita sa gilid ng laptop na mukhang dvd drive, kaya mataas chance na wala

Good Answer

Czar Ramos

  • Czar Ramos
  • Mar 12, 2020

icheck niyo mismo sa online nial para makita mo kung tama ang specs

Good Answer

Andrew Tamayo

  • Andrew Tamayo
  • Mar 13, 2020

para makasigurado ka sa specs ng hanap niyo mas okay kung direkta nalang kayo sa mall para makita niyo ito mismo sa box kung tama ba ang specs at kung ito nga ang hanp niyo. Dapat hindi din kayo magduda kung anu ang nasa online kasi reliable source naman din sila kasi kilala ang mga shops na nagpost dito kaya tama yan

Good Answer

Anita Macaspag

  • Anita Macaspag
  • Mar 13, 2020

icompare mo nalang online at sa mall

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

  • 1

Latest Topics for Laptops

Dudung

for video editing

Looking for a laptop that can be use for video editing,okay na kaya ang ganito from Acer?

  • Last updated : Aug 3, 2020
  • Posted by Dudung
  • Replies of This topic : 2 Replies

Sergio Marquez

Office works pwede na kaya ito?

Kelangan lang ng pang work from home na computer yung kaya office works, pwede naman na siguro dito yun?

  • Last updated : Aug 3, 2020
  • Posted by Sergio Marquez
  • Replies of This topic : 6 Replies

Rj Inoue

Pwede ba emulator dito?

Di naman ako naghahanap ng gaming laptop pero at least sana kaya nito yung mga classic games, pampalipas oras lang din

  • Last updated : Jul 22, 2020
  • Posted by Rj Inoue
  • Replies of This topic : 4 Replies
View Mode: PC | Mobile