Notice of service termination

Priceprice.com will discontinue all services as of June 30, 2021 (scheduled).
Thank you for using our services.

About review/forum posts

Termination of new review and forum posts
Posting new content to reviews and forums has ended as of May 17, 2021.
About existing review and forum posts
Review and forum posts will no longer be available as of June 30, 2021.
If necessary, it is recommended that you save any posted content that you may need before the above date.
Click here for details

ASUS ROG Strix GL10CS Reviews

Overall Rating

Design 4.2
Processing Speed 4.2
Graphics 4.2
Expandability 4.1
Usability 4.2
Quietness 3.7
Attached Software 4.1
Total 4.1

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Nheil Villegas

  • Review by Nheil Villegas
  • Mar 29, 2021
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Not the best but it's nice naman

Ito yung first PC ko mula nung mag-switch ako mula sa console at masasabi kong okay talaga. Hindi man ito beast sa mga rig pero nagagawa naman nito ang gusto ko at maganda pa ang design nito na nakaka-attract talaga.
Pros:
- Napakadali nitong i-start uo at tahimik naman mostly ang pagra-run nito kapag gumagawa ako ng minimal work at nagge games din.
Cons:
- Gugustuhin mong magdagdag pa ng RAM dito at mas okay kung magdagdag pa ng mas maraming fan.

Good Review

Robin Vergara

  • Review by Robin Vergara
  • Jan 30, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 2.0
Attached Software 5.0
Total 4.6

Too loud

Okay naman ang computer na ito kaya lang ang drive nito ay pretty loud. Meron ako dati na Lenovo computer pero halos wala akong marinig na ingay. Kung meron kang tahimik na computer sa tahimik na kwarto, maririnig mo ito talaga kapag nag-work na ang drive. Hindi naman ako masyadong naba-bothered nito kaya lang nasanay ako na hindi ganito ang computer ko dati. Medyo hindi kasi ako comfortable mag-work pag ganito...

Good Review

Antoinette Labrador

  • Review by Antoinette Labrador
  • Jan 28, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Enough for me

Kailangan ko ng computer na malaki ang storage, reliable, at madaling gamitin at itong computer na ito ang perfect sa akin. Gusto ko kasing i back up ang mga pictures, videos, at mga music ko na naipon at naghahanap ako ng hard drive na makakapag-oofer ng capacity na kailangan ko ngayon pero meron pa ring space para sa mga ise-save ko in the future. Sa 1TB nitong storage, it's enough na for me.Nag-research din naman ako at itong brand na ito ay may magandang track record ng reliability. So happy with this computer!

Good Review

Haydee Lleva

  • Review by Haydee Lleva
  • Jan 19, 2021
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

It's great

Okay ang size ng drive nito para sa akin at halos lahat ng mga files ko na mga pictures from my camera eh andito na. Halos isang taon at kalahati ko nang ginagamit ito at wala pa naman akong nagiging problema so far. Okay ito at okay din ang storage space para sa akin. Medyo pricey nga lang ito pero sa kapag nagkaroon naman kayo nito eh talagang masasabi nyong worth it magkaroon nito.

Good Review

Lovella Ochoa

  • Review by Lovella Ochoa
  • Dec 30, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Decent PC

It's a nice working computer naman pero meron lang mga bagay na dapat malaman ng iba. Nung na-received ko ito, merong ilang damage ito. Nahirapan din ako mag re-route ng mga cables nito dahil sa nakakabit na yung iba nung dumating at kinailangan ko pang paghiwalayin. Hindi rin gumana agad ang fan nito at inabot pa ng isang araw bago ko ito mabuksan. At saka dapat malaman ng iba na ang RAM nito ay 32GB lang kaya sa mga heavy gamers, kailangan nyo pang mag-upgrade nito.

Good Review

Amelia Jimenez

  • Review by Amelia Jimenez
  • Dec 27, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Ideal talaga ito for gamers!

Isa akong gamer at naghahanap ako ng computer na magandang gamitin for gaming at ito yung nakita ko. I am telling you, ito na talaga yung the best na mabibiling gaming pc. For the price, it's worth it naman kasi amazing ito at very smooth ang running at mabilis pa ang lahat ng mga games na ini-oopen ko dito. Kaya nga recommended ko talaga ito sa mga gamers na tulad ko.

Good Review

Jesse Esguerra

  • Review by Jesse Esguerra
  • Nov 30, 2020
Design 1.0
Processing Speed 1.0
Graphics 1.0
Expandability 1.0
Usability 1.0
Quietness 1.0
Attached Software 1.0
Total 1.0

Hindi maganda ito!

Nagkamali ata ako dito. Ang akala ko kasi eh magaganda talaga at high quality ang mga desktop ng ASUS kaya lang eh namatay ang motherboard nito after ng apat na buwan at nalaman ko na hindi pala pwedeng matanggal at palitan ang motherboard nito dahil naka built ito sa case. Sobrang nakaka-frustrate ito. Nabili ko ito nang sale kaya ang akala ko eh naka-jackpot ako pero basura pala ang plastic nito na mumurahin at saka ang metal case. Naglagay din sila ng pinaka-murang motherboard at fan. Sobrang nakaka-disappoint ito at hindi ko akalain na makakabili ako ng junk sa ASUS.

Good Review

Janelle Laudencio

  • Review by Janelle Laudencio
  • Nov 23, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 3.0
Attached Software 4.0
Total 4.6

Nice value desktop

Lahat ng mga nagamit kong desktop before ay tumatagal ng apat na taon na normal ngayon sa mga inire-release nilang mga PC. Ginagamit ko ang desktop ko para sa work ko at minsan eh konting games. Ito yung una kong PC na merong Windows 10 at more than 1 month ko na itong ginagamit. Ito yung na-observe ko dito sa desktop na ito:

Pros:
- Mas mura ito sa dati kong desktop na DELL
- Mabilis itong mag-load sa start-up
- Maganda ang graphics nito

Cons:
- Medyo maingay kesa sa luma kong desktop pero hindi naman masyado nakaka-distract.
- Meron nang MCAFEE na preloaded tulad ng Dell ko at ang unang ginawa ko eh unu-uninstall ko ito. Ang problema ko sa MCAFEE dati pa eh ang laki ng binabawas nitong memory sa computer kaya sobrang bumabagal.

Good Review

Walton Grace

  • Review by Walton Grace
  • Oct 30, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 1.0
Attached Software 4.0
Total 3.6

Noisy lang sya

Ang isang naging problema ko habang ginagamit ko ang computer na ito ay ang ingay nito. Kaya kung ang hanap mo na pc ay yung hindi masyadong maingay habang nag-ooperate, hindi ideal para sayo itong ASUS ROG Strix GL10CS. Pero kung hindi naman ito ginagamit sa games at nagsu-surf lang kayo sa Internet o kaya eh nanonood ng mga video sa YouTube, wala namang ingay ang pc na ito. Pero pag ginagamit talaga sa games at sa mga editing software, talagang nagwo-work ang fans nito kaya ang ingay.

Good Review

Dino Albeza

  • Review by Dino Albeza
  • Oct 27, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Smooth ang performance nito...

Very smooth mag-edit at mag-render ng mga videos sa computer na ito at saglit lang ang inaantay ko kapag naglo-load ako ng mga projects. Kung about gaming naman ang pag-uusapan, okay na okay din ang computer na ito at saka ideal din para sa mga photographers at videographers kung hardware ang pag-uusapan. Kaya lang ay nakukulangan ako sa ports nito kaya nakaka-apekto din ito kapag gumagawa ako ng mga creatives.

Good Review

Michael Ignacio

  • Review by Michael Ignacio
  • Oct 26, 2020
Design 4.0
Processing Speed 4.0
Graphics 4.0
Expandability 4.0
Usability 4.0
Quietness 4.0
Attached Software 4.0
Total 4.0

Lack of versatility

Kung pag-uusapan eh mga tower PC, itong GL10CS ang isa sa pinakamaliit na mabibili ngayon sa market na may sukat na 428mm na taas at 180mm na lapad. Kaya lang, parang ang awkward ito kapag inilagay na sa desk ko na maliit lang ang space. Pero perfect naman ito sa mga malalaki ang working space tulad ng office. Hindi lang nga ito masyadong kapansin-pansin dahil sa muted design nito. Okay naman ang USB 3.1 ports nito pagdating sa data transfer at connectivity. Kaya lang ay iisa ang HDMI port nito kaya sa may mga balak gumamit ng ilang screen ay isa itong malaking disadvantage. At saka isa pa sa nagpapakulang sa versatility nito ay dahil sa wala itong USB-C at maging ang SD card reader support.

Good Review

Jeffy Sumulong

  • Review by Jeffy Sumulong
  • Oct 20, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

Perfect for me ito

Dumating ito nang mas maaga sa inaasahan ko. Perfect ang computer na ito. Hindi man talaga ako sobrang heavy gamer pero naglalaro din naman ako ng ilang mga online games minsan at perfect ito para sa akin. Hindi ito maingay at nag-enjoy talaga ako gamitin ito. Wala akong naging issues about it at nagwo-work naman ito nang seamlessly. Nag-upgrade ako ng RAM para maging 32GB at mas nag-work ito nang mas maayos.

Good Review

Tatiana Marie Garcia

  • Review by Tatiana Marie Garcia
  • Aug 29, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

So good PC!

Nabili ko ito sa regular price nito last month dahil sa naka-work at home ako. Halos lahat ng gusto ko sa isang PC ay andito na kaya nga na-impressed din ako dito. Pwede rin ito sa gaming at sa setting na 60+ fps sa lahat ng games ay ang ganda nito at mas inirerecommend ko ito. Siguro kung bibili ako ng mga parts at ipapa-assemble ko na lang ay mas makakamura ako pero kailangan ko kaagad ng PC na magagamit kaya bumili na ako nito. It's nice kasi talagang maganda naman ang quality at hindi ako nagkamali. Ang downside nito: isa lang ang HDMI sa likod at kailangan ko sana ng dalawang monitor. Yung RAM nito usually ay umabot ng 5GB at hindi bumababa sa 4GB at siguro kung gusto ko pa ng more RAM ay mag-a-upgrade ako. Okay naman ito when it comes to coolung at tahimik lang ang mga fans.

Good Review

Jewel Villamor

  • Review by Jewel Villamor
  • Aug 26, 2020
Design 5.0
Processing Speed 5.0
Graphics 5.0
Expandability 5.0
Usability 5.0
Quietness 5.0
Attached Software 5.0
Total 5.0

This is a great PC

Ang ASUS talaga ang all-time favorite kong brand pagdating sa mga computers. Pero naghahanap ako ng gaming PC na pwede akong makapaglaro ng ilang games na nilalaro ko talaga sa computer at pwede rin gamitin na computer para sa mga school works. Okay ang computer na ito though hindi ko alam kung pwede rin ba ito sa mga heavy gamer. Pero kung average na gamer ka naman, mairerecommend ko naman ito kasi pwede rin namang i-upgrade ang ilang parts nito na gusto mong i-upgrade,

Good Review

Glaira Sarabe

  • Review by Glaira Sarabe
  • May 31, 2020
Design 3.0
Processing Speed 3.0
Graphics 3.0
Expandability 3.0
Usability 3.0
Quietness 3.0
Attached Software 3.0
Total 3.0

Masyadong mahal

Hindi ako makapaniwala sa presyo ng product nito. Makakakuha ka ng parehong specs nito sa mas mababang presyo kung gagawa ka ng sarili mo. Kung naghahanap ka ng computer, mas mairerecommend ko pang mag build na lang kayo ng sarili nyo. Gagastos lang naman kayo para sa labor at ibang fees at marami namang tutorial na makikita ngayon. Sobra naman kasing overpriced ang PC na ito.

Good Review

Leila Quizon

  • Review by Leila Quizon
  • May 25, 2020
Design 2.0
Processing Speed 2.0
Graphics 2.0
Expandability 1.0
Usability 2.0
Quietness 2.0
Attached Software 1.0
Total 1.7

Not what I expected

Kung may balak kayong bumili nitong gaming device na ito, kailangan nyo itong malaman... Meron itong i7 9700 na hindi naka-unlock pero okay lang naman dahil hindi mo naman pwedeng i over clock ito. Naglagay din sila ng stripped down mother board na walang option sa bios. Okay lang naman sana pero nag upgrade kasi ako ng RAM mula sa 16GB to 32GB at ang binabasa lang ng memory ay 2133. Hindi sana magiging problema ito pero dahil hindi ko mabago ang setting, naka stuck lang ako sa 2133. Kahit na tinawagan ko na ang support nila ay hindi naman nagrereply. Kaya kung may planong mag upgrade ng memory, walang mangyayari.

Good Review

Page 1 of 1

  • 1

Latest Reviews for Desktop Computers

Beast ang computer na ito. Sobrang bilis ng ssd nito at yung boot time nito ay umaabot lang ng mga pitong segundo na sobrang bilis talaga. Ang isang downside lang nito ay yung hdd connector ng ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Anna Rose Padilla
  • Date : Nov 29, 2019

okay naman ang nabili ko lang kahapon na desktop , medyo nasa mga small amount lang afford sa budget ko kaya naman agad ko itong binili kasi napapakinabangan pa tsaka needed din ng computer ko ang ...Read more

  • Rating : 3.4
  • Review by samantha de dios
  • Date : Nov 28, 2019

Super powerhouse nito para sa games. Okay di ang size nito. Kasing laki lang kasi ito ng router ko ito. Hind ko na kailangan pang magbitbit ng mabigat at bulky na computer. Meron itong hdmi slot kaya ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Angel Tejada
  • Date : Oct 22, 2019
View Mode: PC | Mobile