3CE Velvet Lip Tint Reviews

Overall Rating

Total 4.5

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Aileen Santiago

  • Review by Aileen Santiago
  • Aug 30, 2019
Total 5.0

Love the Taupe shade!

Hindi nakaka-dry ng labi ang velvet lip tint na ito at hindi rin nito nae-emphasize ang mga dry patches sa labi ko. Ang ganda pa ng color payoff at kahit na after kong makakain ay tinted pa rin ang lips ko. Kaya naman I'm thinking of purchasing different color pa para masubukan ko rin ang ibang shade kung bagay din ba sa akin. As of now, yung taupe shade pa lang ang gamit ko at nagustuhan ko ang unique na pagka-pula nito. Parang lalo akong pumuputi dahil dito. Hindi pa nakaka-dry ang formula at sobrang pigmented pa. Usually ay naglalagay lang ako ng konting amount nito sa lips ko at ikinakalat ko ng finger ko and it's done!

Good Review

Jin Ju Rae

  • Review by Jin Ju Rae
  • Aug 23, 2019
Total 5.0

The perfect tint!

Gustong-gusto ko ang shade na Daffodil ng 3CE Velvet Lip Tint na ito. Gusto ko ang subtle pero very rich nitong kulay at yung pagiging smooth ng texture nito na talagang velvety sa lips. Meron itong matte na finish pero hindi naman nakakatuyo ng lips. Pwedeng maging pigmented kung gaano mo kagusto ang pagiging pigmented nito kasi buildable ito. Ang bango-bango pa nito na parang candy. Minsan ay nagagamit ko rin itong pang blush at minsan ay ini-aapply ko sa eyelids ko as eyeshadow. I love this lip tint!

Good Review

Katherine Ventura

  • Review by Katherine Ventura
  • Aug 15, 2019
Total 5.0

Velvety

Meron akong limang shades nitong 3CE Velvet Lip Tint na ito at talagang nagustuhan ko ang pagka-velvety ng finish nito sa lips ko. Nagustuhan ko talaga ito kasi hindi nito dna-dry ang lips ko at may pagka creamy at matte ito. Mukha lang matte ang lip tint na ito pero hindi talaga ito matte. Gusto ko lahat actully ang lahat ng shades nila at talagang ang tagal sa lips nito. Very moisturizing pa talaga kaya inire-recommend ko ang lip tint na ito kung gusto nyo ng velvet finish.

Good Review

Marlynn Cornejo

  • Review by Marlynn Cornejo
  • Jul 29, 2019
Total 4.0

Nice velvety smooth lip tint

Madaling i-glide sa lips at very smooth ang 3CE Velvet Lip Tint na ito. Yummy pa ang mabango nitong vanilla scent. Isang swipe lang nito ay tama na para ma-cover ang labi ko na merong natural na color at okay din kung gusto ko pang magdagdag ng isang layer pa para ma-achieve ko ang bold na look. Kaya lang eh kailangang maging careful din sa pagbi-blend nito lalo na sa may inner part ng labi dahil pwedeng maging clumpy ito kapag napasobra ang lagay ng product.

Good Review

Elaine Yu

  • Review by Elaine Yu
  • Jul 23, 2019
Total 2.0

Uncomfortable to wear

Yung kulay ng lip tint na ito ay mas dark kesa sa nasa tube... mas sobrang bright ang pagka-pula kesa sa muted brick red na shade. Yung amoy nito ay parang kahalintulad ng baygon pesticide na napaka-strong ng amoy at parang hindi ako kumportable na i-apply sa lips ko. Hindi rin masyadong maka-stain sa labi. Hindi man transfer proof ito pero okay naman ang texture nito na may pagka-velvety.

Good Review

Honeylee Viana

  • Review by Honeylee Viana
  • Jul 20, 2019
Total 4.0

Taupe is love!

Gusto ko ang lip tint na ito ng 3CE dahil hindi masyadog strong at overpowering ang scent nito. Okay ito gamitin araw-araw dahil tumatagal kahit na nakakain na ako at uminom. Yung shade na Taupe ang nagustuhan ko dahil nag-match ito sa skin tone ko at madali pang i-blend. Very easy to glide sa lips though ini-expect ko na yung pagka-red nito ay tulad ng sa mga nakikita ko sa mga pictures.

Good Review

Khrizzle Jaime

  • Review by Khrizzle Jaime
  • May 31, 2019
Total 5.0

Talagang long lasting

Super love ko ang mga 3CE products at talagang for me ay game changer ito. Matitingkad ang mga colors nito at marami pang pagpipilian. Ang nagustuhan ko pa sa product na ito ay talagang long lasting ito at madali lang i-apply. Nagustuhan ko rin ang packaging nito.Nagagamit ko pa ito sa iba-ibang paraan. ,, sa lips, sa cheeks ko at sa eyes. At literal na tumatagal sa lips at sa face ko nang buong araw nang hindi na kailangan pang mag retouch o mag reapply nito. I will definitely repurchase this.

Good Review

Aprielle Fajardo

  • Review by Aprielle Fajardo
  • May 25, 2019
Total 1.0

Daffodil doesn't color my lips

Maganda ang texture nito kaya lang hindi talaga nagkakaroon ng stain ang lips ko tulad ng pina-promised ng product na ito. Yung color nito ang isa sa main reason ko kung bakit ko binili ang product na ito kaya talagang nadisappoint ako. Mas marami pang lip tints at lipstick na mas talagang better kumpara dito at may affordable price pa unlike dito. Hindi na ulit ako bibili nito.

Good Review

Gianne Grace

  • Review by Gianne Grace
  • May 24, 2019
Total 2.0

Hindi yung shade na gusto ko

Matagal ko nang nilo-look forward ang product na ito dahil marami ang nagsasabi na maganda daw ito pero sadly, hindi bumagay sa akin ang color. Yung Taupe na shade ay nakaka-disappoint talaga dahil ang akala ko ay kapareho ito ng color ng packaging pero kapag ini-apply ko na sa lips ko, parang sobrang tingkad na red orange nito. Siguro ay bagay ito sa ibang skintones pero hindi ito bagay sa akin. Okay naman ang formula nito at talagang comfortable ang lips ko dito.

Good Review

Shinana Dayao

  • Review by Shinana Dayao
  • May 21, 2019
Total 4.0

Velvety talaga

Gustong-gusto ko subukan ang 3CE velvet lipstick na ito matagal na at nung makita kong available ito sa Sephora, nag-purchase ako nito. Marami akong nababasang magagandang reviews tungkol dito at sinasabing may pagka-velvety at smooth daw ito sa lips. At talagang nag-agree naman ako sa kanila dahil sobrang lambot ng pakiramdam nito sa lips ko at sobrang moisturizing pa. Super love ko ang scent din. Kaya lang, I took one star away dahil sa hindi tumatagal nang buong araw pero worth it naman sa price ang formula nito at ang magandang quality.

Good Review

Blanca Pascual

  • Review by Blanca Pascual
  • May 20, 2019
Total 4.0

Taupe shade

Gustong-gusto ko ang pay off ng lip tint na ito at hindi mukhang lip tint talaga dahil sobrang tingkad at napagkakamalan ng iba na liquid matte ito. Yung shade ay talagang magugustuhan ng kahit na sino kasi parang nagmumukhang fuller ang lips dito at sexy pa. Kaya lang, medyo nagfe-fade ito pagkatapos ng ilang oras sa inner lip pero pwede rin namang i-reapply. Sobrang lightweight lang ng formula nito at hindi mo mafe-feel na meron kang ginagamit na product sa lips at all. Bibili ulit ako nito. Minus one star nga lang dahil kailangan pang i-reapply pero worth it naman ito sa money.

Good Review

Jonalyn Cecista

  • Review by Jonalyn Cecista
  • Oct 11, 2018
Total 5.0

Love this velvety lip tint!

Sobrang love ko ang 3CE brand as well as these tints. Nagustuhan ko ang consistency ng formula nito na talagang sobrang smooth at nice sa lips. Ang ganda pa ng color payoff at very light talaga sa lips ko at saka nagbibigay ng velvety finish. Hindi rin ito nakaka-dry ng lips kaya super nagustuhan ko talaga. Kahit na sobrang sensitive ng skin ko at prone talaga sa chapping, hindi ako nagka-problema sa lip tint na ito unlike sa ibang lip tints na nagamit ko dati na sobrang strong ng formula. But this lip tint is so mild at perfect for my lips. Though medyo expensive ito kesa sa ibang brand, pero para sa akin ay worth it naman ito.

Good Review

Nhica Lee

  • Review by Nhica Lee
  • Sep 30, 2018
Total 5.0

Really velvet-like...

Ang sarap sa pakiramdam at very comfortable ang lips ko kapag ang 3CE Velvet Lip Tint na ito ang ginagamit ko na parang velvet-like na katulad ng sina-suggest ng pangalan nito. Meron itong distinct na sweet na scent na parang vanilla na gustong-gusto ko pero I'm not sure kung magugustuhan din ng iba. Yung color na Going Right ay yung pinaka-perfect na nudy peach na hindi masyadong brown at isa sa mga paborito kong shade nito at maging ang Daffodil shade na napakaganda din ng color at parang natural lang kapag ginagamit. Sobrang impressed ako sa product na ito... so amazing! I will definitely repurchase!

Good Review

Imelda Givero

  • Review by Imelda Givero
  • Sep 29, 2018
Total 5.0

The best ito!

Marami na akong nasubukan na iba-ibang lip tints at masasabi kong ito talaga ang pinaka the best sa mga yon. Pinaka-smooth ang consistency nito at talagang very moisturizing sa lips. Nagtatagal din ito nang mas mahabang oras kesa sa iba, Meron din itong mabangong scent na gustong-gusto ko. Kahit na pagkatapos kong kumain, yung inner part ng lips ko na palaging unang natatanggal ang tint ay meron pa ring color. Medyo mas expensive nga lang ito kesa sa iba kaya lang ay mas worth it for me dahil talagang nag-i-istay nang mga walong oras ito sa akin.

Good Review

Celine Bautista

  • Review by Celine Bautista
  • Sep 29, 2018
Total 5.0

Ang bago kong go-to lip product

Literally ay wala pa akong nahahanap na lip product na magugustuhan ko agad-agad hanggang sa makita ko ang Velvet Lip Tint na ito ng 3CE. Daffodil ang napili kong shade at palagi kong ginagamit kahit na anong makeup look ang gawin ko simula nung nabili ko ito. Very pigmented ito pero hindi malagkit sa lips. Hindi rin ito nakaka-dry ng lips ko at merong great wear time kahit na medyo faded na siya at the end of the day. nag-iiwan ito ng magandang tint sa lips. Merong slightly scent ng vanilla pero sa tube lang ito kasi kapag ini-apply na ay nawawala na rin naman ang scent. Palagi ko itong inirerekomenda sa mga friends ko dahil talaga namang totally worth it ito.

Good Review

Geraldhine Vargas

  • Review by Geraldhine Vargas
  • Sep 29, 2018
Total 5.0

Really adorable

Sobra ang pagka-dry ng lips ko at kalimitan sa mga liquid lipsticks na ginagamit ko ay parang lalong nagca-cause ng pagiging lifeless nito at nakakawala ng amount ng moisture dito pero ang 3CE Velvet Lip Tint na ito ay talagang perfect for me. Nagustuhan ko yung nabili kong shade na Near and Dear. Napakaganda nito sa lips at talagang mukhang maganda tingnan talaga sa personal. At saka hindi ito nakaka-dry ng lips at parang nagkakaroon pa ng feeling na sobrang lambot ang lips ko na para bang hindi ako nag-aapply nito kahit na meron. I'm so satisfied sa pag-purchase ko nito at plano ko na mag-order pa ng ibang shade nito.

Good Review

Pearl Chavez

  • Review by Pearl Chavez
  • Sep 28, 2018
Total 4.0

Velvety talaga...

Mahilig talaga ako sa lipstick. Kaya palagi akong bumibili ng mga lipsticks at ngayon nga ay naipon ang mga lipstick ko. Malambot ang lipstick na ito at talagang velvety. parang sobrang buttery sa lips ito. Kahit na nagta-transfer nang konti ito, maganda naman ang color at very smooth sa lips kaya perfect na pang-gradient look. Perfect din ang pagka-nude shade nito para sa mga light medium na skin tone ko. Magaan lang ito sa lips kaya araw-araw ko itong ginagamit. Ang ganda-ganda sa lips ng result nito....

Good Review

Vilma Serna

  • Review by Vilma Serna
  • Sep 27, 2018
Total 4.0

Gamit ko ito araw-araw...

Ang velvet lip tint na ito ay talagang super soft at hind nakaka-dry ng lips. Naba-blur nito ang lips para hindi ito mag-se-settle sa mga fine lines. Maganda at saka talagang cute ang packaging nito. Meron itong scent kaya kung ayaw nyo ng product na may scent, hindi ito para sa inyo at di ko mai-rerecommend pero para sa akin ay nagustuhan ko ang amoy nito. Ginagamit ko ito araw-araw paired with a lip liner na medyo dark. Mas madali itong i-apply at i-blend kahit na di ka nakaharap sa salamin. Hindi ko man masasabi na nagtatagal ito sa lips pero talaga namang lightweight ito at hindi mo mararamdaman sa lips mo. Ang color ay talagang maganda at accurate kapag ikinumpara mo sa mga pictures pero depende pa rin ito sa kulay ng balat mo.

Good Review

Leslie Pinlac

  • Review by Leslie Pinlac
  • Sep 18, 2018
Total 5.0

Amazing talaga!

Ang 3CE Velvet Lip Tint na ito ang pinaka-gusto kong product at the moment. I love the Daffodil shade at talagang sobrang ganda nito sa lips. Hindi nakaka-dry ng lips ang consistency nito at parang pakiramdam ko ay mas na-mo-moisturized ang lips ko pag ginagamit ko ito kesa pag gumagamit ako ng ibang product. Kaya this is also good for those who have dry lips. At kahit na sobrang moisturizing nito ay nagtatagal naman ito nang buong araw sa akin. I highly recommend this lip tint. I'm planning to order pa ng iba pang shades at sana magkaroon pa sila ng iba pang shades nito. Medyo pricey nga lang pero worth it naman ito.

Good Review

Karen Sanchez

  • Review by Karen Sanchez
  • Sep 17, 2018
Total 5.0

So in-love to this lip tint!

I am so happy na nakabili ako ng product na ito. I got the Pink Break shade at napakagandang pinkish color nito na bagay na bagay sa skin ko at bagay gamitin sa kahit anong araw. Sobrang smooth ng formula nito kaya gustong-gusto ko. Hindi ito nakaka-dry ng lips at hindi rin nag-iiwan ng patches. Hindi rin ito sticky at ang ganda ng finish. Ito na ang aking everyday go to lip tint. Natatanggal din naman ito sa lips pero mga ilang oras pa.... siguro ay mga three hours pa which is understandable naman dahil lip tint ito at hindi lipstick. Ang ganda din ng packaging nito na may magandang matte smooth texture.

Good Review

Page 1 of 2

View Mode: PC | Mobile