Forum : Game Consoles

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Bakit hindi ko makita yung binili kong dlc?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Ang tanong saan mo ba binili yung bala mo ng Playstation 4? Kung digital copy yan siguro naman parehong account yung ginamit mo pang bili ng laro saka downloadable content, kung hindi dapat make sure na parehong bansa yung naka set sa account kung hindi talagang hindi mo makikita yung binili mong dlc sa Playstation store

Good Answer

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Dalawang magkaibang laro yung binilhan ko ng additional dlc, yung isa digital copy Tekken 7 para sure na dala ko kahit saan tapos yung isa physical copy ng Tales of Berseria. Yung Tekken 7 hindi ko maalala kung parehong account ko binili, pero kelangan ba talaga parehong bansa ka lang bibili ng laro saka dlc?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Technically, hindi kelangan same country yung account pero at least same region, pang sinabing region dapat kasama siya sa parehong grupo ng mga bansa, hindi ko alam yung hatian ng bawat region pero sa mga nakita ko continent yung hatian, yung Singapore, Japan at Hongkong pare parehong region 3, kapag region 3 yung copy mo ng game, digital man or physical dapat region 3 din yung dlc mo, kung hindi di mo talaga makita or magagamit

Good Answer

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Paano yung binili kong dlc kung sakali? Hindi ko na talaga magagamit? Sayang naman pera, mahal din nung nagastos ko para sa dalawang dlc. Wala bang way para maretrieve yun or marefund yung binayad ko? Hindi naman kasi pinaliwanag ng Sony yung tungkol sa mga region region na yan, dapat kapag gumawa ka ng account may tutorial man lang

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Nga nga ka na lang, hindi na makukuha yun sa ibang region, pero yung tungkol sa refund baka possible pa, hindi naman madamot yung ibang bansa pag dating diyan, pero kelangan macontact mo yung customer service ng Sony or Playstation para mainstruct ka nila kung paano magrefund, hindi ko kasi alam if sila mismo magprocess or magrequest ka mula sa account mo

Good Answer

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Paano sila macontact? Meron ba silang office dito sa Pilipinas or number na pwede tawagan? Baka pag tumawag ako overseas, macharge naman ako ng long distance call, masakit sa bulsa masyado hindi ko pa alam kung gaano katagal tumawag doon or gaano katagal yung paguusapan. Wala ba sila toll free number para diyan?

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Wala sila office dito sa Pilipinas although alam ko yung call centers nila meron dito, either way considered pa din long distance call yun kahit maconnect ka sa mga call center dito. Tungkol sa toll free number, check mo na lang sa website nila, malamang meron naman silang chat group sa mga social media kung wala sila Toll free number

Good Answer

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Okay. Nga pala, bakit madami akong nakikitang free full games daw na pwede idownload sa Playstation store, pero pag hinahanap ko yung mga free games na sinasabi, sinisingil naman ako

Victor Go

  • Victor Go
  • Sep 22, 2018

Para sa mga Playstation Plus users yun, ayun yung mga may monthly or yearly subscription na binabayaran para makapag connect sila sa karamihan ng online games sa PS4, kapag PS Plus user ka, aside sa makakapag laro ka online, may mga freebies sila na full games, pero malalaro mo lang sila as long as nagbabayad ka ng subscription, anyway sulit naman yung bayad kasi hindi naman sobrang luma ng mga games na binibigay nila for free

Good Answer

Hey Ahrold

  • Hey Ahrold
  • Sep 22, 2018

Okay okay, salamat sa lahat ng sagot. Try ko muna mag hanap ng contact info ng Sony, halos P10,000 din kasi yung binayad ko sayang kung hindi ko man lang mapakinabangan or refund, kung sakali pang bili ko yung half doon tapos pang subscribe ko sa Playstation plus yung another half, mukang mas maganda mag subscribe na lang kesa bumili ng mga laro eh

Reply

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

Eto ba yung pinaka bagong gen console ng Nintendo or parang PS4 Neo siya na new model lang ng WiiU?

Verano

  • Verano
  • Sep 19, 2018

Tingin ko parang both? Para siyang both PS4 Neo at PS5, kasi medyo sablay yung WiiU so kaya siguro nila ginawa itong Nintendo Switch, sa pagkakaalam ko kasi parang eto na dapat yung PS5 ng Nintendo, pero since maaga masaydo yung release ng Switch at kasabayan pa siya ng PS4 at Xbox One, siyempre yung mga games katapatan lang din ng dalawang console, wala pa din masyadong exclusive games sa Switch, karamihan port galing ibang console saka mobile phones

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

Kung pang 5th gen console yung Switch, bakit yung graphics niya mas mababa sa Xbox one saka PS4? Nabasa ko may mga problems sa graphics yung Nintendo Switch lalo na sa mga games na demanding sa graphics, siyempre compared sa PS4 saka Xbox 360 mas maganda yung graphics niya pero may mga times pixelated yung game or parang nagkakabug sa graphics

Verano

  • Verano
  • Sep 19, 2018

Yung mga reports na yun, kapag nakahandheld mode lang nangyayari kadalasan yun, siyempre isipin mo nagjampack sila ng mabibigat na hardware sa isang home at portable console, yung laki nung Switch hindi lang pampalaki ng screen yung purpose nun, dahil ganun kalaki din yung motherboard nun at yung kelangan ilagay sa loob, imagine mo yung laman ng PS4, pinaliit ng ganun size?

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

I see, nagets ko yung part ng hardware ng Nintedo Switch, pero hindi ba dapat kung gagawa ka na lang ng next generation console dapat madami kang lamang sa ibang console, plus kelangan din ng mga game exclusives kasi magmumukang copya lang lahat ng games nila mula sa ibang consoles, parang wala din naging bago mula ng WiiU

Verano

  • Verano
  • Sep 19, 2018

Yung katotohanan na lang na nakagawa yung Nintendo ng literal na portable console ay malaking bagay na, sabi ko nga sayo, yung Nintendo Switch parang PS4 or Xboxe One na pwede mong dalhin kahit saan, may problema man sa graphics sa ngayon, pero hindi naman siya ganun ka laking bagay para makasira ng laro talaga else hindi bebenta yung Switch, saka yung problema sa graphics madaling solutionan, mag laro ka lang gamit yung console hub aayos na yung graphics

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

Kung may ganun pala solution, baka nga pang home console lang yung Switch, pero sa bagay kung simple lang naman yung game pwede na sa handheld mode. Ang pang laban ata ng PS4 sa Switch yung VR nila? Ano yung sa Xbox? Kasi wala ako nababasa na pwede mag VR gamit yung Xbox except siyempre computers pero hindi naman Windows yun

Verano

  • Verano
  • Sep 19, 2018

Para sa Swtich, may ilalabas sila na Nintendo Labo, hindi siya VR pero parang transformable na accessory siya para sa Switch, instead na bibili ka pa ng mga racket or gun accessory para iconnect yung controller, game labo lang bibilhin mo all in one accessory na, hindi ko lang alam kung ano pa yung ibang features nun, anyway may motion sensor na yung Switch mas user friendly yun. Para sa Xbox wala din ako naririnig na VR para doon

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

Meron din bang online subscription yung Nintendo para makapag laro ng games online? Sa Playstation kasi may PS Plus tapos yung sa Xbox Gold membership, nakakabadtrip yung mga subscription ngayon sa mga console, binili mo na yung game magbabayad ka pa ulit buwan buwan para lang makapag online sa mga console tapos kapag hindi ka online ang dami mong hindi makukuha

Verano

  • Verano
  • Sep 19, 2018

Sa ngayon wala pa pero magkakaroon na daw, hindi ko lang alam if this year or next, ang masama pa nun kung magsave ka ng back up save files sa cloud ng Nintendo, mawawala yun kapag hindi ka nakasubscribe sa online nila, hindi naman agad, pero hindi pa din sinabi kung buwan ba yung time limit or weeks pero mawawala daw

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 19, 2018

Ganun? Ang daya naman, kala ko pa naman yung Nintendo na yung pinaka safe saka honest na company sa tatlong game consoles, balak ko pa naman bumili kasi aside sa motion controls niya saka pang bata mga laro, hindi sila corrupt sa mga downloadable content, yung sa friend ko may binili siyang season pass sa isang game, sobrang mura lang tapos lahat ng update na lumabas this year nakuha niya na plus mga bonus items

Reply

Kirby Rich Ramirez Bautista

  • Kirby Rich Ramirez Bautista
  • Jun 19, 2018 / Good Answers : 1

Madali lang po ba humanap ng mga bala nito?

Reply

Kirby Rich Ramirez Bautista

  • Kirby Rich Ramirez Bautista
  • Jun 19, 2018 / Good Answers : 1

Totoo ganito presyo nito kahit 3ds xl?

Reply

Tiks Santos

  • Tiks Santos
  • Jun 1, 2018 / Good Answers : 1

where to dl new free games ng PSP, meron paba?

Gio

  • Gio
  • Jun 21, 2018

romhustler.net po

Good Answer

Reply

Leonne Arf

  • Leonne Arf
  • May 19, 2018

Meron na daw jailbreak itong PS4, safe na ba?

DS4

  • DS4
  • Sep 15, 2018

Ngayon meron na, pero tingin ko hindi pa commercial ready tulad ng Nintendo Switch kasi wala pa ko nakikitang nagooffer ng jailbreak service sa mga malls, yung sa Switch meron na, madami na nag ooffer pati online. Tingin ko hindi pa din safe mag jailbreak, saka hindi pa ata ganun ka dami yung games na compatible sa jailbreak

Good Answer

Reply

Bibing

  • Bibing
  • Jan 28, 2018

maganda umaga po nasir yung screen ng nintendo ko gumaganda naman siya pero wala black yung screen niya may kilala ba kayo na pwede ko ma pa refer ito.

Kleine

  • Kleine
  • Feb 4, 2018 / Good Answers : 13

Depende kung saan ka located, pero sa mga malls pa lang madami na nag rerepair ng mga gadgets tulad niyang Nintedo 2DS, sa case mo possibleng screen replacement na yan which is probably mahal, pero tingin ko mas mahal pa din bumili ng brand new nito

Good Answer

Reply

chainsmoke

  • chainsmoke
  • Jan 13, 2018 / Good Answers : 6

paano po ba kumuha ng games na free lang po?

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Jan 16, 2018 / Good Answers : 8

Matrabaho yang gusto mo, pero kung modified na naman yang Nintendo 2DS mo, madali na lang yan. Kelangan mo lang mag download ng game sa mga website na nagbibigay ng free games, tapos icopy mo sa memory card ng 2DS then install

Good Answer

VK

  • VK
  • Jan 17, 2018 / Good Answers : 1

Ako kasi sa kaibigan ko ako nagpapa download ng games hindi ko din alam kung saan sabi nya malapit lang daw sa knila meron kaya binabayaran ko sya. Pero unti lang iba pa din kung bibili nalang ako ng legit games.

Good Answer

Karol Cruz

  • Karol Cruz
  • Jan 23, 2018 / Good Answers : 1

Mag download ka na lang sa internet, try mo mag search marami kang makikita pero dapat may matino kang anti-virus kasi pag nagkamali ka ng website at pangit yung gamit mo, madali mavirusan yang computer mo. Pwede din sa mga malls meron nag dadownload ng games kung ayaw mo irisk mag download

Good Answer

Reply

Harold Nacino

  • Harold Nacino
  • Jan 4, 2018

Ano ba latest ng psp? Help naman gusto ko bmli thanks.

John Arjon Ronquillo

  • John Arjon Ronquillo
  • Jan 13, 2018

Wow!! Gusto kutong gadget my stack PABA??

Good Answer

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Jan 21, 2018 / Good Answers : 8

Wala nang latest sa Playstation Portable dahil obsolete na to, probably mga bagong applications lang para doon like loader ng mga lumang Playstation games, pero yung games para sa PSP wala na, try mo check yung PS Vita since ayun yung successor model nito

Good Answer

Reply

VK

  • VK
  • Jan 3, 2018 / Good Answers : 1

where can I download free games for PS Vita? kung wala po magkano po ba mag install ng games for this?

Reply

Neil John

  • Neil John
  • Dec 30, 2017

Pano po ba ayusin yung pindutan ng psp yung bilog yung pang lakad at mag kano naman po aabutin pag pinaayos ayun lang po thank you

MariaTheresa@ymail.com

  • MariaTheresa@ymail.com
  • Jan 1, 2018 / Good Answers : 3

Better sa professional na technician na po ang puntahan ninyo para maayos po ang controllers ng playstation niyo pero i doubt naayos ito eh I think need niyo na lang po bumili ng bagong controllers na gagamitin ninyo.

Good Answer

Reply

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Dec 26, 2017 / Good Answers : 8

Saan po nakakabili ng subscription ng PS Plus?

Reply

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Dec 26, 2017 / Good Answers : 8

Disc pa din ba gamit nito para sa bala ng games?

Reply

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Dec 26, 2017 / Good Answers : 8

Naglalabas pa ba ng games dito?

Reply

alyasrobinhoodgirl

  • alyasrobinhoodgirl
  • Dec 21, 2017 / Good Answers : 1

Anu na po ba ang latest games ng Wii? pwede ba yun sa lhat ng wii consoles?

Efren Centeno

  • Efren Centeno
  • Dec 22, 2017 / Good Answers : 8

Latest game ng Nintendo Wii, wala na kasi gumagawa ng games para doon since 2 generations old na, ang pinaka latest na alam kong game ay yung Xenoblade Chronicles at Monster Hunter Tri, open world RPG yung former tapos semi-open world yung latter game

Good Answer

Albert Pineda

  • Albert Pineda
  • Dec 26, 2017 / Good Answers : 1

Pwede naman lahat ng Wii games sa lahat ng Wii consoles, pero kung tinatanong mo kung malalaro mo yung Wii games sa Wii U, pwede din naman, pero hindi ko alam if kelangan downloaded yung game or pwede yung disc mismo

Good Answer

Reply

John Laurence Carag Magmanlac

  • John Laurence Carag Magmanlac
  • Nov 28, 2017

San pwede itong maavail??

Cliff fittir

  • Cliff fittir
  • Nov 28, 2017 / Good Answers : 5

Pwede mo itry sa mga Sony stores, hindi pa naman ata phased out itong Playstation Portable, yung ibang Toy stores meron din binebentang PSP, so madami kang makikitang game stores na nag bebenta pa nito, hindi ko lang sure sa mga UMD

Good Answer1

Reply

Ãcie John II

  • √Écie John II
  • Nov 26, 2017

How much po ba yung Nintendo DS in this site ? Wala po kasing nakalagay na Price

Valley

  • Valley
  • Nov 26, 2017 / Good Answers : 3

Wala siyang price kasi wala pang seller na nagbebenta or nag post ng offer nila sa website, P5000 lang yung price nito sa stores sa pagkakaalam ko or possible na mababa pa, kung maantay mo yung update ng mga seller sa item na to, possible na mas mababa pa yung iooffer nila once available na sa kanila

Good Answer

Reply

Antoniette

  • Antoniette
  • Nov 18, 2017

Magandang araw po.,
Kailangan pa bang maggamit nag transformer pag Xbox 360 ?

alyasrobinhoodgirl

  • alyasrobinhoodgirl
  • Nov 19, 2017 / Good Answers : 1

bakit naman po need magtransformer? ang alam ko po ginagamit lang ang transformer kung ibang ang uotput ng voltage ng appliance po, so kung 110 po ito nened transformer para ma convert ito to 220 volts po kung wla kayo output na 110 na saksakan mismo.

Good Answer

Valley

  • Valley
  • Nov 28, 2017 / Good Answers : 3

Depende kung saan nabili yung Xbox 360 mo, kung galing ibang bansa yan, lalo na kung sa America or Japan, kelangan mo ng transformer dahil malamang 110 volts yan, at sasabog talaga yang console mo kapag pinilit mo sa 220 volts, kung hindi ka sure kung anong volt ng saksakan sa bahay niyo, mas mabuti gumamit ka na lang ng transformer

Good Answer

Reply

Mrs.M

  • Mrs.M
  • Nov 14, 2017 / Good Answers : 3

itong gadget na ito pang mario lang po siya? paano po ito lagyan ng mga games ng libre lang po?

mea honey

  • mea honey
  • Nov 22, 2017

Mrs.M good day po sa inyo base po doon sa pagkaka-unawa sa tanong nyo, ito pong Nintendo 2DS Mario Kart 7 Bundle ay may ibang laro din po hindi lang mario?

Good Answer

Reply

Page 1 of 5