Forum : Computer Accessories

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Kasi yung ibang online shop kelangan online din payment, baka mamaya mascam pa ko ng hindi ko namamalayan

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

So far hindi pa naman ako nakakaencounter ng online shop na na scam ako, seller sa online shop oo

Good Answer

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 1

Malas mo naman kuya, medyo mahirap nga makaiwas sa mga scammer kahit mag triple ingat ka pa, yung iba kasi sadyang magagaling. Ako kapag masyadong madami yung mga masasamang comment sa seller hindi na ko bumibili doon unless nakabili na ko before ng walang problema, tingin ko kasi pag check sa comment yung pinaka sure fire na makaiwas sa scam, kung walang comment yung seller hindi din ako nabili

Good Answer

Junyo

  • Junyo
  • Aug 18, 2018

Madaling sabihin yan, wag naman sana pero possible pa din machambahan ka pero tulad ng sinabi mo, kahit anong triple ingat mo, mga magagaling talaga mang loko ng kapwa

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pareho naman kayong tama, magandang idea nga na magbase talaga sa comments tungkol sa seller at totoo din na hindi ka habang buhay makakaiwas sa ganyan. Nataon lang na kelangan ko yung binili ko at isa lang yung seller na nakita ko nagbebenta kaya sinugal ko na, anyway palagi ako nagoonline shopping at halos lahat naman ng nabili ko, nadeliver sakin ng maayos, except nga lang doon sa mga nascam ako na bilang lang sa daliri

Good Answer

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Yung sa mga seller na scammer tingin ko naman normal lang yun, kahit naman sa mga tindahan mismo sa mga malls o sa tabi tabi, possible pa din mascam ka lalo na yung mga technician ng cellphone saka nagaayos ng kotse, kung online shop man yan or physical store parehong kelangan ka pa din mag ingat. Pero yung mga online shop mismo na website yung kinakabahan ako, hindi kasi ako sigurado kung safe yung mga information ko sa kanila

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pagdating diyan, tiwala lang din magagawa mo, kung magkaproblema man sa credit card mo or debit card, makikita naman sa monthly bill mo kung sino at saan nacharge yung card mo, itawag mo lang sa banko para mafile as fraud at marefund ka. Yung isang way na pwede ka makaiwas sa mga scam na website, ay icheck mo yung web address, pwede mo icopy at paste yun sa google search para makita mo kung legit talaga, lalo na kung hindi ka familiar sa mga tamang format ng isang web address

Good Answer

Junyo

  • Junyo
  • Aug 18, 2018

Kung may marereceive ka naman na email na galing sa banko or online shop na bigla na lang nag request ng card information mo or account information sa banko, wag mo na lang replyan lalo na kung wala ka naman nareceive na text or tawag mula sa banko tungkol doon, madalas nagiinform sila sayo kung may importante silang kelangan sayo, mas okay din kung itawag mo sa banko mo kung may mareceive ka na mga ganun email para sure

Good Answer

Jimboy Master

  • Jimboy Master
  • Aug 18, 2018

Okay, sa network ko ba, paano ko malalaman kung may nakaconnect sakin na iba or wala? May password naman yung router ko pero hindi mo din kasi masasabi, baka may magaling pala sa computer na kaya makapasok sa router ko, aware naman ako na mahina yung security ng routers saka ng mga default security na binibigay ng mga software saka anti-virus

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 5

Pagdating sa ganyan problema tingin ko hindi mo talga kelangan problemahin yan, ang dapat na nagkakaproblema tungkol diyan ay yung mga coffee shop or may public wifi kasi kung may hacker talaga na magaling sa computer, doon sila gagawa ng kalakohan kasi mas madami silang makukuha na information ng sabay sabay kesa isa isahin nila mga bahay sa isang village, unless importante kang tao or may matinding sikreto ka na tinatago, wala magsasayang ng oras magconnect sa router mo

Good Answer1

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 18, 2018 / Good Answers : 1

Actually tingin ko meron makakapal ang mukha na makikiconnect sayo, yung mga walang pambayad ng sarili nilang internet, pero hindi naman ganun karami yung mga hacker na walang pang internet, I mean saan sila matuto mag computer kung hindi sa internet din mismo di ba? Saka kung panay nuod mo ng video sa internet, babagal din connection nila sa internet kung sakaling nakaconnect sila sa router mo, hindi ka din nila pwedeng iblock or ikick sa router kasi malalaman mo siyempre na may ibang nakaconnect, pwede mo ireset yung router

Good Answer

Reply

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Gusto ko lang itanong kung paano mag install ng 2 monitor sa isang desktop, yung parang extension yung second monitor

Cardo Versoza

  • Cardo Versoza
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 1

Kung gusto mo mag install ng dalawang monitor para sa desktop mo, kelangan mo din siyempre ng dalawang graphics card, suggest ko na dapat same size yung dalawang monitors para hindi masyado nakakalito or nakakalito kapag natingin ka sa magkaibang monitor, assuming for gaming yung reason mo, depende kung para saan, okay lang kung magkaiba yung size ng mga monitor minsan kelangan talaga magkaiba

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Actually, meron na kong dalawang graphics card na nakainstall sa CPU ko, at nakabit ko din yung dalawang monitor, pero hindi kasi siya nagana, kapag nasaksak ko na yung dalawang cord sa CPU namamatay yung isang monitor, at kahit alin sa dalawa yung unahin ko isaksak, yung isang monitor lang yung palaging namamatay, chineck ko naman ng maigi yung mga cord at tama yung pagsaksak ko so hindi ko alam kung meron ba kong hindi nagawa or meron pa kong kelangan gawin bago ko isaksak yung mga monitor

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Medyo wierdo yang problema mo ah, ano error message nalumalabas doon sa monitor na laging namamatay? Malamang may lumalabas doon bago tuluyan mamatay diba?

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Parang "Video input not compatible" ata or something

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Ah okay, kapag ganyan ibig sabihin yung monitor na laging namamatay hindi kaya yung video resolution na nakaset doon sa monitor na isa, by default kasi kapag nagset ka ng extension monitor, gagayahin ng second monitor yung resolution ng first monitor, sa kaso mo mukhang hindi pareho yung resolution ng dalawang monitor na gamit mo at mas mataas yung isa, kaya kapag sinasaksak mo yung dalawang monitor sa CPU, yung isang may mababang resolution namamatay. Ang solution lang diyan, bago mo isaksak yung isang monitor, babaan mo yung resolution ng monitor na madalas mamatay

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Okay, ginawa ko na siya kaso, kahit anong adjust ko doon sa resolution ng isang monitor, namamatay pa din kapag sinasaksak ko na yung isa. Sinubukan ko isaksak yung dalawang monitor tapos ginawa kong main monitor yung namamatay palagi, napagana ko pero namatay naman yung isa, triny ko ulit iadjust yung resolution ng isang monitor pero nakalock naman yung settings sa "auto" at wala din ako makitang option para ioff yung auto settings

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Medyo nauubusan na ko ng solution tungkol diyan, medyo weirdo kasi yung case mo so unless macheck ko mismo yung computer mo mahihirapan ako mag bigay ng instructions. Pero since impossible yun, ang mapapayo ko na lang ay itry mo pag palitin yung pinagsasaksakan ng cord ng mga monitor, ibig ko sabihin kung yung monitor 1 nakasaksak sa port 1, isaksak mo siya ngayon sa port 2. Hindi ako sure kung may mababago pero subukan mo na din

Good Answer

Juniel

  • Juniel
  • Aug 17, 2018

Base sa mga nabasa ko sa usapan niyo, hindi kaya ang pinakamadaling solution eh bumili na lang siya ng monitor na kaparehong model ng gamit niya ngayon?

Good Answer

Bob Reyes

  • Bob Reyes
  • Aug 17, 2018

Actually naisip ko na din yan pero narealize ko hindi ko pala pwede gawin yun, kasi yung cord ng mga monitor ko magkaiba pala, yung isa vga at yung isa dvi, mas maliit yung plug at port ng vga compare sa dvi, hindi rin ako pwede mangheram ng ibang monitor yung mismong video card ko yung may vga slot so useless talaga

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Aug 17, 2018 / Good Answers : 5

Kung ganun ang nakikita ko na nga lang solution or pwede mo pang itry diyan sa problema mo ay, sundin yung payo nung isa at bumili ka ng panibagong monitor or bumili ka ng vga to dvi adapter plug, or kahit dvi to vga kung ano man sa dalawa, mas mura siyempre kung yung adapter yung bibilhin mo kesa sa bagong monitor, or kung may hdmi yung CPU mo pwede mo din itry

Good Answer

Reply

Toffee Luck

  • Toffee Luck
  • Jul 28, 2018

Pwede ko din ba scan yung mismong pics? Iba kasi yung substance ng photos baka hindi pwede sa scanner

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Actually hindi ko pa natry kasi puro documents lang iniiscan ko at mga id, pero tingin ko naman pwede. Try mo na lang din, tingin ko naman hindi masisira yung picture kapag nascan kasi ilaw lang naman yung scanner

Good Answer

Reply

Toffee Luck

  • Toffee Luck
  • Jul 28, 2018

Pwede ba kong mag print ng pictures gamit papel?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Siyempre pwedeng pwede, pero hindi advisable kasi mapupuno ng ink yung papel at bibigat, hindi din maganda yung quality. Pwede ka bumili ng photo paper para sa printer at doon ka mag print ng pictures pero hindi lahat ng printer pwede mag print sa photo paper

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Kelangan mo lang ng photo paper, may nabibili na ganun sa National bookstore or sa mga office at school supplies store, mas ideal kasi yun kesa sa mga papel kasi pangit yung quality ng picture, hindi rin lahat ng klase ng papel pwede mag print ng picture

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Pwede din ba isama sa network yung webcams? Balak ko kasi sana isubstitute muna as security cam

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Hindi pwede, pero pwede mo naman gamitin yun basta may remote access ka sa computer na kung saan nakakabit yung webcam. Hindi rin magandang pang substitute as security cam din yun kasi hindi naman nagagalaw yung angle nun remotely

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Paano ko pala isasama sa network yung printer?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Depende sa make and model ng printer, meron kasing automatic na naayos sa network at meron din na kelangan ikaw mismo mag set ng IP ng printer. Kung isasama mo sa network yung printer, siyempre dapat nakabukas yung printer, nakainstall sa computer at nakakabit din para maread

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Gusto ko sana gumawa ng home network, pero modem lang ba yung pwede ko gamitin or kahit yung mga router/modem okay na?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Pwede naman kahit yung router/modem na gamitin mo para sa home network, simple lang naman kasi yung home network saka konti lang naman devices na gagamitin mo siguro, actually kahit hindi ka na mag set, basta naka connect mga device sa iisang router okay na

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Wag ka na gumawa ng home network kung talagang para sa bahay lang yung gagawin mo, hindi ka naman magpapasa ng data sa mga computers mo sa bahay at kung maglalaro lang naman kayo pwede pa din kayo makapag multiplayer basta nasa iisang router kayo nakaconnect, kung para naman sa printer, mas madali kung install mo na lang sa lahat ng computer yung printer para pwede ka mag print kahit saan

Good Answer

Reply

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Lahat ba ng monitor compatible sa 1080 at 4k resolution?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Hindi siyempre, may mga monitor na hanggang 720 lang, yung mga UHD or Ultra High Definition na monitor ayun ata yung pang 4K resolution. Hindi mo din naman kelangan talaga yung 4k actually kasi kahit 1080p maganda na at detailed

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Ang advice ko lang, mag stick ka na lang sa 1080 muna, hindi pa naman ganun kadami yung mga palabas at laro na may 4K resolution at malamang matatagalan pa bago maging 4K lahat ng mga yun so sayang lang pera mo, maganda na din naman ang 1080

Good Answer

Reply

i8

John Tiu

  • John Tiu
  • Jul 28, 2018

Meron na po ba nito or i7 8th gen pa din yung latest?

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Ewan ko sa i8 pero i9 intel na nga nakikita ko ngayon na binebenta, baka nag skip ng 8? Uso naman mag skip ng mga number ngayon sa mga model name, hindi ko pa din nachecheck yung specs ng i9 intel, pwede mo icheck sa internet kung interesado ka

Good Answer

Reply

yeng*yang

  • yeng*yang
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 1

Mgakano na kaya ang pag repair ng desktop ngayon? hndi na ksi nagoon hndu ko lang kung anu nagyari walng power. may ide aba kayo? alabang area lang

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 21, 2018 / Good Answers : 5

Kung hindi talaga siya nag oon, yung as in wala kang nakikitang umiilaw sa CPU, malamang yung power box yung problema niyan, depende sa ipapalit mo yung presyo niyan plus labor kaya hindi ko masasabi yung gagastosin mo, pero normally 500 lang ang labor at may mga 2500 na power box

Good Answer

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Depende siguro sa power box na ipapalit, kung mas mataas kesa sa ginagamit mo ngayon malamang mahal yun, hindi lang kasi ayos na gagawin diyan, part replacement na, idagdag mo pa yung singil para sa labor. Mas maganda kung ikaw na lang mismo maghanap ng power box para wala ng dagdag presyo yung technician na magaayos

Good Answer

Reply

Claire Montano

  • Claire Montano
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 1

ano po ba ang size ng laptop na merong number pad? kasi sa 13 inch ko walang number pad, yung sa taas lang ang hrap ng ganun eh.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 23, 2018 / Good Answers : 5

Hindi sa size basehan ng laptop kung may numpads or wala, yung mismong model ng laptop so kahit 20 inches pa yan kung hindi naman included yung numpads sa laptop hindi talaga magkakaroon yun. Pwede ka naman bumili ng mga external numpads, mura lang naman

Good Answer

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Yung sa friend ko na ginagamit namin sa school, 13 inch din yung laptop niya pero meron numpads so tingin ko depende nga sa make at model ng laptop yun. Kung naghahanap ka pa lang ng laptop, edi hanapin mo na lang yung meron numpads kung gusto mo talaga, sa pics pa lang makikita mo naman agad

Good Answer

Reply

yeng*yang

  • yeng*yang
  • Jul 9, 2018 / Good Answers : 1

Na experience niyo po ba yung puno ng langgam ung dsktop niyo? paano kaya maiwasan ito? naisra na ksi dti dahil sa langgam ang PC namin

Cherry Ann C. Martinez

  • Cherry Ann C. Martinez
  • Jul 10, 2018 / Good Answers : 2

Just make sure na clean ang area ng computer nyo para maiwasan yung mga langgam, kapag malamig ang panahon talagang naghahanap ng pagkain ang mga yan, weird lang bakit masisira ng langgam ang desktop never ko pa na experience kasi at ngayon ko lag narinig ito.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 12, 2018 / Good Answers : 5

Basta malinis lang at walang natatapos na pagkain or kahit ano sa desktop, hindi naman kasi basta basta lalapit langgam doon lalo na dahil mainit yun kapag ginagamit. Linisin mo lang siguro kahit yung case lang ng CPU every now and then

Good Answer

Mel Garces

  • Mel Garces
  • Jul 29, 2018

Iwasan mo lang mahulugan ng mga pagkain yung comptuer mo tulad ng bread crumbs, biscuit or kahit anong klase ng pagkain para hindi langgamin, linisin mo din yung keyboard saka yung case ng CPU mo isang beses sa isang buwan or kung madumi na talaga

Good Answer

Reply

Claire Montano

  • Claire Montano
  • Jul 9, 2018 / Good Answers : 1

pareho lang ba ang mga laptop keyboards? anu po ba ang difference ng ito?

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 9, 2018 / Good Answers : 5

Anong laptop keyboards ba pinaguusapan? Yung mga keyboards talaga sa laptop or mga external keyboards para sa laptop? Design lang naman kasi kadalasan pinagkaiba ng mga keyboards, aside doon, yung ibang laptop walang numpads at yung iba meron

Good Answer

kyla143

  • kyla143
  • Jul 10, 2018 / Good Answers : 1

para sa akin napansin ko iba iba ang klase ng keyboard external man o ung nsa laptop, iabng material ang gamit may iba kasi na parang malambot ang keyboard may ia na normal ito especially pag external iba ang design nito mas ok laptop.

Good Answer

Reply

Darren Espanto Jr.

  • Darren Espanto Jr.
  • Jul 4, 2018 / Good Answers : 1

im using wireless na mouse, at times nagdodouble click ito basta hindi nagfufunction ng maayos, mahina na kaya ang battery o sira na ito?

Karen Joy

  • Karen Joy
  • Jul 9, 2018 / Good Answers : 1

Pwede niyo po itry mag change ng batteries muna then tingnan niyo kung nagfufunction na ito ng maayos kung hndi naman po cgro po ay sira na nga ang mouse ninyo at kailngan na ito palitan o baka sira na ang usb nito.

Good Answer

peachygirl

  • peachygirl
  • Jul 10, 2018

ganyan din ang akin, I change the batteries lang tapos okay na so working panaman ito, iba pa din talaga ang wired na mouse wlang issue, kapag wireless ksi hndi mo malaman kung ano ang topak minsan aalamin mo pa ito.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 5

Kung double clicking problema mo, hindi battery problema niyan malamang, baka yung mismong clicker lang. Depende din kung gaano kadalasan nanyayari sayo yan, icheck mo yung configuration ng mouse mo sa settings kasi naka set din yung sensitivity niyan

Good Answer

Reply

Darren Espanto Jr.

  • Darren Espanto Jr.
  • Jul 3, 2018 / Good Answers : 1

normal lang po ba kung maingay ang tunog ng fan sa computer? hindi po kasi normal ang ingay niya.

Reply

Tom Jones

  • Tom Jones
  • Jul 3, 2018

pwede ba lagyan ng protector ang keyboard? not just any cover as in parang laminated ito para hindi mag fade ang letters and numbers.

Reply

yeng*yang

  • yeng*yang
  • Jul 1, 2018 / Good Answers : 1

paano po malalaman kung yung port ay for mp3 or mp4 ang magplay?

Darren Espanto Jr.

  • Darren Espanto Jr.
  • Jul 4, 2018 / Good Answers : 1

Kung sa computer naman po same port lang naman ito na USB, kapag hindi compatible mag aalert lang naman po ang PC niyo saying unsupported device po kung sakali ganun po ang alam ko. pero usually naman po working naman po ito.

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

Yung mp3 at mp4 data format siya ng sound file, kaya hindi mo kelangan problemahin kung saan port mo isasaksak yung usb. Para malaman mo naman kung alin sa dalawa yung ginagamit mo, makikita mo yun sa dulo ng filename, halimbawa shakeit.mp4, mp4 siya kasi mp4 yung dulo

Good Answer

Reply

Claire Montano

  • Claire Montano
  • Jul 1, 2018 / Good Answers : 1

Anu po bang murang keyboard ang pwede gamitin sa Mac na laptop ko, sira na ksi kaya need ko external kso hirap ng compatibility niya. Any advise pls.

Darren Espanto Jr.

  • Darren Espanto Jr.
  • Jul 4, 2018 / Good Answers : 1

Mahirap talaga hanapan ng keyboard na mura ang Mac mas okay kung Mac item din talaga, kaya mas okay pa din Acer or Asus lang instead sa Mac complicated kasi ito, kaya for me talaga I will go for cheaper stuff.

Good Answer

John Ray Cruz

  • John Ray Cruz
  • Jul 29, 2018

CDR king na keyboard, meron na sila mga keyboards at accessories na compatible sa Mac at mura pa, hindi nga lang ganun katibay pero kung pang work lang naman pwede na yun, tatagal din naman ng isang taon mga keyboard nila basta konting alaga lang

Good Answer

Reply

Lenne

  • Lenne
  • Jun 26, 2018

I mean part din ba siya ng cooling system ng CPU?

Red Salubong

  • Red Salubong
  • Jun 26, 2018

Yep, pinapatong ata to sa thermal paste sa may bandang heatsink para dagdag pampalamig, hindi ako sure kung pinapatong ba or another option kung walang thermal paste pero hindi naman masamang idagdag to lalo na kung magamit ka ng CPU

Good Answer

Sam Kilabot

  • Sam Kilabot
  • Jun 28, 2018

I do suggest na maglagay ng cooling pad para dagdag din sa cooling system ng computer mo, lalo na kung matagal ka gumamit ng computer at isa or dalawang cooling fan lang meron CPU mo. Mura lang naman din cooling pads pero medyo hassle lang ilagay

Good Answer

Reply

Page 1 of 10