Yamaha Vmax Forum

Yamaha Vmax

Yamaha Vmax
Model Vmax
Displacement(cc) 1,679.00
Available Color
  • Black
Transmission 5-speed
Starter Electric
km Per Liter -
Fuel Tank Capacity(L) 15.0
Weight(kg) 310.0
L*W*H(mm) 2,395 x 820 x 1,190
Type Bigbike,Cruiser
Offical Price

New & Used prices

Reviews

Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Xxx

Gerry Mapoy

  • Gerry Mapoy
  • Aug 17, 2018

Brandnew ba to.

Reply

aRTIAGA mISSy

  • aRTIAGA mISSy
  • Jul 18, 2018

paano niyo alisin ang tangke ng gas sa isang Yamaha Vmax may iba pa bang paraan para malinisan ko yong tangke ng Yamaha Vmax ko madumi na kasi medyo matagal na din itong hindi nalinisan kaya balak ko sanang tanggalin ito para malinisan ko ang loob nito.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 18, 2018 / Good Answers : 5

Hindi ikaw dapat ang naglilinis niyan, meron talagang mga binabayaran para mag linis niyan. Mahal yung mag palinis alam ko, hindi ko alam kung pareho sa motor kasi yung sakin kotse nasa P1000 pag papalinis, delikado kasi kung hindi mo alam yung tamang pag linis at baka masira mo lang motor mo

Good Answer

Karen Sagit

  • Karen Sagit
  • Jul 23, 2018 / Good Answers : 1

Kapag kalawang na hindi na malilinis yun, kung hindi mo kaya tanggalin at palitan yung tanke ng gas wag mo na din subuksan baka kung ano pa masira kasama ng tanke, derecho mo na yan sa talyer or paayusan at sila na kamo mag tanggalin niyan, dagdag gastos nga lang yung labor pero mas mabuti na yun kesa mas mahal bayaran mo sa mga dagdag sira

Good Answer

Reply

Karen Sagit

  • Karen Sagit
  • Jul 18, 2018 / Good Answers : 1

May compartment ba to? Para kasing wala ako makita na mukang compartment sa pics

Cherry Ann C. Martinez

  • Cherry Ann C. Martinez
  • Jul 18, 2018 / Good Answers : 2

Kung pareho lahat ng motor meron ito sa ilalim ng seats niya usually ksi ganun pero maliit lang hndi ata kakasya ang helmet may nakita akong motor medyo malaki ang compartment nya kasya pati helmet dito ko din ata nakita yun sa website.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 18, 2018 / Good Answers : 5

Malamang sa malamang meron naman ito lalagyanan or compartment, kelangan mo kasi lagi dala yung mga papeles ng motor para na din kung may traffic enforcer na maghanap at malamang naisip naman ng mga manufacturer yun kaya siguradong gagawa sila ng space sa motor para mapag lagyan mo

Good Answer

Kyle Morgue

  • Kyle Morgue
  • Jul 23, 2018

Meron yan pero kung hindi ka kuntento sa laki ng compartment, may nakita akong nabibili na storage bag niyan pwede 2 ilagay sa gilid ng motor, kabilaang side. Actually may nakita lang ako na ganun yung setup niya, hindi ako sure kung parehong model pero magkamukha kasi

Good Answer

Reply

Kyle Morgue

  • Kyle Morgue
  • Jul 12, 2018

Eto ba yung chopper?

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 15, 2018 / Good Answers : 5

Actually hindi siya chopper na motor, hindi ko alam yung tamang tawag sa mga ganitong klaseng motor pero normal lang ito na klase pero medyo hawig nga niya yung mga chopper kapag sa picture at malayuan, hindi ko alam kung mas mataas yung cc nito sa chopper pero pwede eto sa mga exrpress way kaya alam kong pang karera yung bilis nito

Good Answer

Jong Wa Hara

  • Jong Wa Hara
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 1

Iab o ata yung chopper, kasi Yamaha Vmax ito at magandang bigbike ito ng Yamaha, top of the line. Ewan ko lang kung pwede ikarera ito ksi bigbike sya eh pero mabilis din naman ito, maganda ang takbo niya khit anung kalseng kalsada din.

Good Answer

Reply

Karen Joy

  • Karen Joy
  • Jul 9, 2018 / Good Answers : 1

Pwede kaya palitan ang muffler kung masyado ito maingay? 2nd hand lang ksi baka binago nila mufflers msyado ksi malakas ang tunog nito.

kyla143

  • kyla143
  • Jul 10, 2018 / Good Answers : 1

hi sis, kung second hand yan possible namang napalitan dn talaga nila kya mas okay kung tanungin niyo atalyer kung paano ito ibabalik sa stock kung yun ang gsto nyo alam ko ksi pinuputol yun pra maging maingay eh.

Good Answer

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 16, 2018 / Good Answers : 5

Pwede yan palitan, unless may problema yang motor sa pag palit ng mufflers, lahat naman ng parts ng motor pwede palitan. Kapag bumili ka sa mga motor shop ng parts, magtanong ka din sa nagtitinda kung ano maganda para sa motor mo or kung ano pwede

Good Answer

Reply

peachygirl

  • peachygirl
  • Jul 1, 2018

Lumang klase na ba ang ganitong bike bakit parang harley type din ito?

kyla143

  • kyla143
  • Jul 2, 2018 / Good Answers : 1

hindi naman mukhang luma ito I mean I think its really build like that, siguro nga parang old school type ito pero I dont think its old, mahal din kasi ang mga ganitong klase na motor vehicle basta malaking klase mahal ito at mamahalin ang mga parts for sure.

Good Answer

Reply

via Men

  • via Men
  • Jun 18, 2018

isa lang ba yong available na kulay nito wala na bang iba hindi ko kasi beat yong kulay na nkalagay sa details niya gusto ko kasi ng unique para maiba naman yong kulay kadalasan kasi sa nakikita ko halos pareparehong kulay lang sila.

Sam Kilabot

  • Sam Kilabot
  • Jun 18, 2018

Kung ano lang ata meron sa details ayun lang yung stock colors na pwede pag pilian sa mga brand new, kung gusto mo talaga ng customized color kelangan mo ipagawa yun sa pintor ng mga motor, pero mahal nga lang yun

Good Answer

Juan Immortal

  • Juan Immortal
  • Jun 21, 2018

Mag pakulay ka na lang sa mga motor painter, iisa lang naman ata yung painter ng kotse saka motor para hindi ka na mahirapan mag hanap ng kulay na gusto mo, dagdag gastos nga lang pero kung alam mo naman na hindi available yung kulay na hinahanap mo eto na yung solution

Good Answer

Reply

Hammy Taro

  • Hammy Taro
  • Jun 18, 2018

Saka magkano din downpayment nito?

Juan Immortal

  • Juan Immortal
  • Jun 18, 2018

Mga ganyang tanong, mga sellers na lang makakasagot sayo niyan, marami kasing seller din dito so malamang iba iba yung installment plan nila, yung iba second hand seller kaya baka hindi sila pumapayag ng hulugan, maganda sila makausap mo tungkol diyan

Good Answer

#JULYAnne

  • #JULYAnne
  • Jul 16, 2018

usually naman po 20% ang asking price, pero hndi ako sigurado kung may dp hinihingi ang sellers dito, na try ko ksi magtanong cash lang ang bayad na hingi nila, magulo po daw ang ganung bayaran, kaya mas maganda kayo mismo makipagusap sa sellers.

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Motorcycle

achilies arquienza

for delivery

meron kaming Fino na motor, hindi ksi nagagamit sa bhay, gusto rentahan ng kapitbhay namin para sa delivery nila. Pwede ba nial magamit ito for delivery?

  • Last updated : Sep 19, 2018
  • Posted by achilies arquienza
  • Replies of This topic : 6 Replies
  • Last updated : Sep 17, 2018
  • Posted by Baadshah Baadshah
  • Replies of This topic : 0 Replies

Charles Orola

2nd hand r6 yamaha

Sir ask ko lng how much ung 2nd hand ng yamaha r6.tnx

  • Last updated : Sep 15, 2018
  • Posted by Charles Orola
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile