L'Oreal Paris Infallible Pro-Glow Foundation Reviews

L'Oreal Paris Infallible Pro-Glow Foundation

Lowest Price P500 9 Prices
A creamy and lightweight long lasting foundation that delivers a smooth with glow finish perfect for covering skin imperfections.
  • Foundation
  • Hydrating, Lightweight, L...
  • Cream
L'Oreal Paris Infallible Pro-Glow Foundation

Compare prices

Reviews

Forum

Overall Rating

Total 3.8

Please feel free to post your review on this product.

Write a Review

Charmie Salazar

  • Review by Charmie Salazar
  • Jul 31, 2018
Total 4.0

Nice finish

Siguro para sa may mga dry skin ang L'oréal Pro-Glow Infallible Foundation. Nabili ko ito sa Watson's at wala itong funky undertone. Nararamdaman ko rin na nagse-settle ito sa pores ko pero di naman masyadong drastic. Maganda naman ang finish ng foundation na ito at merong tamang coverage na tulad ng kini-claim nito. Hindi nagki-cling sa mga dry patches at di rin nagiging cakey. Na-impressed naman ako sa product na ito.

Good Review

Nancy Hipolito

  • Review by Nancy Hipolito
  • Jul 13, 2018
Total 1.0

It's like a tinted moisturizer

I'm thinking why ang product na ito ay nakakakuha ng magagandang reviews. Binili ko ito after kong makapanood ng several reviews about it at maraming YouTubers ang nagrerekomenda dito. Para sa akin, parang BB cream or CC cream ito. At kung gusto mo mo ng real high coverage na foundation, hindi ko masasabing ito ang product na yon dahil para lang itong tinted moisturizer. Hindi advisable gamitin kung marami kang red marks o mga blemishes na kailangang takpan.

Good Review

Grasheila

  • Review by Grasheila
  • Jan 25, 2018
Total 5.0

In love with it

To start off, meron akong oily na skin. Nagustuhan ko ang pro-matte at gusto ko rin na i-try itong pro-glow. Kahit na meron akong oily skin, nagustuhan ko ang dewy look. Ayoko ng mga thick at full coverage na makeup. At ito ay may thin at very liquidy foundation pero nagpo-provide pa rin ng decent amount ng coverage. Gusto ko lang matakpan yung mga konting redness, acne scars at skin discoloration at nagwork ito talaga for my skin. Palagi akong gumagamit ng primer at ipa-pat ko ng manipis na layer on wiht a beauty blender. Kailangan kong i-set ang foundation na ito para mag last at okay lang sa akin na gawin yon. I love this foundation at I totally recommend ito sa lahat na gusto ng light coverage na mukhang natural.

Good Review

Rosette

  • Review by Rosette
  • Sep 21, 2017
Total 5.0

L'Oreal Paris Infallible Pro-Glow Foundation

Nabili ko ito nung nag-sale ang Maybelline. Medyo mahal kasi ito sa mga drugstore foundation na meron ako. Kaya lang, I'm so surprised dahil maganda ang finish nito sa skin ko. Medium ang coverage nito at para sa akin ay perfect ito. Naco-cover nya most ang mga imperfections ko at nagbe-blends well. May liquid-y side ito na ayoko pero somehow, nag work and product na ito sa akin. Ini-aaply ko ito at bini-blend using a brush at so far, okay naman. Medyo may kamahalan ang price nito pero considering yung great finish na sobrang gusto ko na hindi masyadong dewy at di rin naman matte at di nag-o-oxidize. At nagla-last ito ng buong araw lalo na kapat na-set ko ng powder.

Good Review

Page 1 of 1

Latest Reviews for Beauty

I'm a L'Oreal True Match user for already five years na. Ito ang first choice ko pagdating sa mga foundation dahil gustong-gusto ko ang coverage nito. Meron akong mga skin pigmentation at dark spots ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Risa Nobles
  • Date : Oct 31, 2018

Medyo light itong foundation na ito kesa sa ini-expect ko. Meron akong fair skin at akala ko ay nai-order ko na yung tamang shade at akala ko ay magiging maganda sa akin pero in the end ay nagmukha ...Read more

  • Rating : 4.0
  • Review by Carrie Jocson
  • Date : Oct 31, 2018

Naka-try na ako ng halos 90 percent na ng mga foundation at so far ay ito yung isa sa mga favorite foundation ko. Kalimitan kasi ay nagse-separate talaga ang foundation sa combo skin ko at nagiging ...Read more

  • Rating : 5.0
  • Review by Rea Salazar
  • Date : Oct 30, 2018
View Mode: PC | Mobile