Apple iPhone 8 Plus Forum

Apple iPhone 8 Plus

Latest model
Lowest Price P42,000 77 Prices
Contact Seller AJT Gadget World
Storage
  • ALL
  • 64GB
  • 256GB
Color
All-new Glass design, Water and Dust Resistant, Wireless charging capabilities, Retina HD display, A11 Bionic chip, Dual 12MP main, 7MP front-facing camera, Fingerprint sensor/Touch ID Home button iOS 11, better battery life with fast charge.
  • Release date : Sep 2017
  • Smartphone, Phablet, iOS 11
  • 5.5 inches, 1920 x 1080 (...
  • 2G, 3G, 4G (LTE), 256GB, ... more specs
Related Models
Apple iPhone 8 Plus

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

News

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Ganito na talaga itsura ng iPhone 8 Plus? Bakit parang mas okay yung iPhone 6?

Verano

  • Verano
  • Sep 29, 2018

Parang pare pareho lang yung design simula ng pinaka unang iPhone kaya hindi naman ganun na ka importante yung itsura na ng iPhone, mas nakakamangha pa nga na may nakita kang difference sa itsura nung mga iPhone. Lagyan mo na lang siguro ng case, tutal madami naman phone case mga iPhones para gumanda ng unti yung phone mo kung bibili ka

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Para lang kasing nawala yung pagka edge nung display, hindi pa din ako naka iPhone pero nagbabalak na, pero parang gusto ko pa din mag stay sa Android so hindi ko alam kung good move ba mag iphone ako

Verano

  • Verano
  • Sep 29, 2018

Well unang una bakit mo nagustuhan mag iPhone, ano gusto mo sa Android smartphones? Pangalawa, anong features na hinahanap mo sa iPhone na wala sa Android? Kung tingin mo ba worth it mag iPhone edi lipat ka, bias ako sa Android phones kaya wala ako nakikitang magandang bagay para magdalawang isip ka na mag iPhone pero ikaw bahala sa trip mo

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Ang sleek kasi tignan nung interface ng iPhone 8, hindi nga lang siya ganun ka user friendly pero alam ko may settings para padaliin yung pag gamit ng phone, maganda din yung camera, tingin ko ayun talaga yung nagustuhan ko sa iPhone, yung android smartphones okay din naman actually ang gusto ko talaga sa android yung mga free apps at freedom ng customization

Verano

  • Verano
  • Sep 29, 2018

Mas madami ka pa lang dahilan para mag stay sa android kesa lumipat ng iPhone, bakit ka pa bibili ng iPhone kung interface at camera lang naman pala hanap mo? Yung Galaxy S8 at S9 kasing ganda din saka sleek ng iPhone X, tingin ko nga mas maganda pa yun, I mean pare pareho lang naman kasi designs ng iPhones, hindi rin papatalo sa camera yung Samsung

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Sa bagay pero gusto ko lang din siguro maexperience yung ibang phones, sa android kasi kahit anong brand bilhin mo, pare pareho lang naman yung laman, difference lang ay anong yung mas mabilis or mabagal saka quality ng camera, aside doon kung ano meron sa Samsung Galaxy phones, meron din sa LG phones, pero siyempre nag dadalawang isip talaga ako kasi mahal iPhones

Verano

  • Verano
  • Sep 29, 2018

Hindi naman masama yang trip mo, ayun nga lang okay lang ba sayo na gumastos para sa mga apps?

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Natanong ko nga din yan sa mga kakilala kong nagamit ng iPhone, halos lahat nga daw ng apps binibili saka mahal, pero may mga free apps naman sila hindi ba? Except siyempre sa Facebook at Instagram, hindi naman siguro literal na lahat ng apps sa Apple may bayad, alam ko din na pati mga ringtones may bayad saka music pero hindi ba pwedeng idownload na lang din yun?

Verano

  • Verano
  • Sep 29, 2018

Sa panahon ngayon, hindi mo din masasabi na talagang may free applications, libre nga idownload pero para magamit yung full app kelangan mo pa din mag bayad, pinagkaiba lang, sa android madaming free app na magaganda at useful, sa iPhone wala literal na basura yung mga free apps. Pwede ka naman mag download ng musics pero ng unti icopy sa iPhone, yung ringtone wala ka talaga choice kung hindi bilhin

Good Answer

Yakee

  • Yakee
  • Sep 29, 2018

Walang ya, so parang high maintenance na girlfriend pala yung iPhones? Tingin ko okay lang sakin yung sa ringtones, matitiis ko naman na puro default ringtones lang gamitin, basta yung musics pwede ko idownload kasi malamang yung ibang kanta na hahanapin ko wala sa iTunes, magastos din kung lagi na lang ako bibili ng music, pero sa bagay may Spotify naman

Reply

Maca

  • Maca
  • Jul 5, 2018

kailangan ko bang magpanic kasi yong Apple iPhone 8 Plus ko ay mag overheat subrang init talaga siya pero napagtanto ko kaya siguro din siya uminit kasi nilalaruan ko siya ng games ito kasi kadalasan maririnig ko kapag ang phone ay nilalaruan umiinit siya sayang naman pag sira na ito ang mahal pa naman nito.

Arturo Ayawpapili

  • Arturo Ayawpapili
  • Jul 23, 2018 / Good Answers : 5

Sa experience ko sa iPhone, hindi talaga siya pang games. Madali talaga uminit yan lalo na kapag high end yung game, plus naka on pa yung mobile data kung online game yung nilalaro mo, pero pag Wifi okay lang hindi naman umiinit

Good Answer

Kyle Morgue

  • Kyle Morgue
  • Jul 28, 2018

Hindi niyo pa naman po kelangan mag panic, normal lang po na uminit yung karamihan ng mga smartphones habang naglalaro or nagamit ng internet gamit mobile data, kahit icheck niyo po yung mga issue ng ibang tao sa mga phones nila, may makikita kayong similar case tulad ng sa inyo regardless sa make at model

Good Answer

DS4

  • DS4
  • Sep 12, 2018

Medyo lang, kasi kaya umiinit yan dahil hindi kinakaya ng iPhone yung usage mo, I mean meron kasing mga users na hindi alam mag close ng app or nakakalimot kaya ang daming nakabukas, or meron mahilig mag video call, hirap yung iPhone kapag ganun kasi hindi naman siya design para sa ganun usage, pero take note normal reason pa lang yan. Wost case, may problema na yung motherboard kaya ganyan, pero malalaman mo lang yun kapag napansin mong may onting topak na yung phone

Good Answer

Reply

Peri

  • Peri
  • Jun 19, 2018

ang alam ko sa Apple iPhone 8 Plus ito yong latest model nila ngayon matanong ko lang kung ilan yong built in apps niya at saka yong free apps niya lahat naman ng phone may free apps pero yong iba kasi yong mga usual apps lang like calculator and calendar itong phone na to may ITUNES U na ba siya or di kaya GarageBand.

Juan Ponce

  • Juan Ponce
  • Jun 24, 2018

Lagpas sampu yung built in apps ng iPhone kasama na yung phone at messaging applications, yung free applications 4 lang yung natatandaan ko kasama na doon yung Garageband na app, hindi ko na maalala yung pangalan ng iba

Good Answer

Red Salubong

  • Red Salubong
  • Jun 26, 2018

Yung iTunes for sure meron na yan, kasi doon ka lang naman pwede mag download ng movies, music pati ringtones sa mga iPhones eh. Yung Garageband, free app yun, alam ko idadownload mo pa yun since malaki yung data file niya, hindi siya pwede basta isama as stock app

Good Answer

Reply

fifi Ben.

  • fifi Ben.
  • Jun 13, 2018

magandang umaga po ano po ba ang mas maganda gamitin iphone x or iphone 8 plus ,mayroon kasi akong iphone 8 plus medyo may problema kasi siya kung pag nilagyan mo ng headset medyo may pagkaluskos tunog yong dalawang headset.

Juan Ponce

  • Juan Ponce
  • Jun 24, 2018

Same year lang naman kasi nilabas yung dalawang model kaya hindi ako sure kung alin yung mas maganda, siguro kung spec-wise iPhone X ang mas maganda pero kung budget-wise iPhone 8, pareho naman mataas yung specs nila kaya kung hindi ka naman nag hahanap ng high end phone pwede na yung iPhone 8

Good Answer

Red Salubong

  • Red Salubong
  • Jun 26, 2018

Tingin ko yung earpiece lang may problema hindi yung phone mismo, natry mo na ba mag music or manuod ng video gamit yung speaker lang ng phone? Itesting mo muna kasi baka magpapaayos ka ng iPhone 8 Plus pero earpiece lang pala problema

Good Answer

Reply

Rose

  • Rose
  • Mar 26, 2018

May ganito po ba sa tacloban city?

Dr. Martinez

  • Dr. Martinez
  • Jun 6, 2018 / Good Answers : 2

siguro naman po may mall sa Tacloban city, kasi kung may SM for sure may cellphone stores doon, kung sakali hndi ito available wala po kyo options kung hndi mag order online po, kapag chineck niyo dito sa website marami pong sellers online sila po ang pwede nyo kausapin kung gsto nyo bmli.

Good Answer

Juan Ponce

  • Juan Ponce
  • Jun 24, 2018

Meron yan for sure, mag hanap ka lang sa mga malls or Apple retail stores, hindi naman sila nauubusan ng stocks lalo na kapag latest models. Kung sa halos napaka impossibleng chance na wala ka makita sa lahat ng tindahan sa Tacloban, pwede ka naman mag order sa mga sellers dito online para madeliver sa bahay niyo agad

Good Answer

Reply

Kristine Chavez

  • Kristine Chavez
  • Dec 26, 2017

Worth it ba yung price ng X or mas mabuting mag 8 na lang ako?

boy toy

  • boy toy
  • Jun 6, 2018 / Good Answers : 2

ako mas gusto ko yung ip8 mas mataas ng unti ang specs nito kesa sa ipx eh, at saka yung design kasi ng x marami kgaya, wlang originality kaya hndi ko ito pipiliin, kung yun ang nagustuhan nyo bili nalang kyo ng murang version din.

Good Answer

Reply

kaka-lokal

  • kaka-lokal
  • Oct 6, 2017 / Good Answers : 1

bakit po kaya iba ang prsyo sa argomall at mas mahal pa ang benta nila? legit kaya yn?

Ma. Theresa Segovia

  • Ma. Theresa Segovia
  • Oct 7, 2017 / Good Answers : 3

usually po mababa kapag sa original store or maker tlga pero kpag parang ibang retailer ang magbenta ng phone mas mahal po cgro, mas okay po na tanungin niyo nalang ang may ari sa argomall kung malaki tlga ang difference ng price nila.

Good Answer

noemy

  • noemy
  • Oct 12, 2017

Gandang araw sa iyo kaka-lokal para mas masagot yung tanong moo try mo mag-inquire sa stores. Pero kung titingnan mo makikita mo sa specs may iba-ibang laki ng storage siya, kadalasan kasi nagva-vary din yung price sa secs meron yung item. :)

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Mobile Phones

Aerold Chavez Azugue

Ask lang po

Ask lang po kung ilang oras po tumatagal to sa mga heavy games like ROS?

  • Last updated : Nov 12, 2018
  • Posted by Aerold Chavez Azugue
  • Replies of This topic : 0 Replies

Karl Baculi

Mag kano

Mag kano po ba yung iPhone 4s??

  • Last updated : Nov 11, 2018
  • Posted by Karl Baculi
  • Replies of This topic : 1 Replies

Princess Escobar Garate

iPhone XS 5.8

kaylan po ba magiging available ang iPhone XS dito Pinas??

  • Last updated : Oct 29, 2018
  • Posted by Princess Escobar Garate
  • Replies of This topic : 6 Replies
View Mode: PC | Mobile