ASUS ROG Strix GL503 Forum

Lowest Price P49,109 23 Prices
Go to Shop enigma technologies
CPU
  • ALL
  • Core i5
  • Core i7
HDD
  • ALL
  • 1TB
  • 2TB
SSD/eMMC
  • ALL
  • 128GB
  • 256GB
  • 512GB
A 15.6-inch Anti-Glare, wide-view display gaming laptop powered by Core i5/Core i7 processor coupled with Intel HM175 and GeForce GTX GPU.
  • Core i5, Core i7
  • DDR4 SDRAM, 32GB, HDD+SSD...
ASUS ROG Strix GL503

Compare prices

Specs

Reviews

Forum

Please feel free to post your questions on this product.

Start a new topic

mv_maricar

  • mv_maricar
  • Oct 12, 2018

Ano pa po ba yung naibibigay ng laptop nato or advantage tsaka disadvatage nalang? Para malaman ko yung capacity ng ganitong device. Kasi pangit naman din kung bibili ako tapos baka may damage na pala yung binili ko, gusto ko kasi na may assurance? lahat naman po siguro ng mga vendee is gusto nila may assurance sa kung anong item na binili nila diba? Ano pa po din yung mga quality na ipinapakita nito? Yan na yung last question ko.

Apuhao ale

  • Apuhao ale
  • Oct 18, 2018

Siguro yong advatage po nito is makakapag download ka ng mga heavy apps tsaka heavy games po and then yong disadvantages naman din po niya is wala pong free installment kapag may plano kang bumili ng ganitong laptop kasi sa iba meron po yon ewan ko lang po kung haggang ngayon is still continuous pa po yung free installment. Yung quality po? Maganda naman po siya so far, bili nalang po kayo para malamn niyo yong sagot hehhe.

Good Answer

Reply

nancy lyn

  • nancy lyn
  • Sep 26, 2018

Hello po magandang hapon. Magtatanong lang ho sana. Kapag ba bumili ka ng ganitong laptop e may kasamang mga accessories na ito? i mean meron ng PC, sd card, mouses, tsaka keyboard man lang meron pang isa nakalimutan ko gaming pad rin kasi mahilig akong maglaro ng mga famous games ngayon. salamat po sa inyo.

Marz Renzo San Pedro

  • Marz Renzo San Pedro
  • Oct 3, 2018

Meron po yan mouse at bag.

Good Answer

Luther Ray

  • Luther Ray
  • Oct 9, 2018

Sa tingin ko po separated yung set ng laptop kapag bumili ka. May whole set na laptop meron ding wala i mean you can able to choose different laptops, mouses, keyboards, gaming pad and everything. Naka-depende po yan sa mga nagbebenta po. You can actually visit there site po if ever na gusto mong magbili ng lahat ng magaganda nilang laptops and accessories po. Yan lang po talaga yung mai-sasuggest ko.

Good Answer

Reply

Matt Ismol

  • Matt Ismol
  • Sep 25, 2018

Magandang hapon po sa inyo, gusto ko lang magtanong kapag bumili ka nito may discount siya tapos may free charger, sd card tapos adapter. Meron din ba itong kasamang free screen bato. Ano po bang qualifications tsaka specs nito kasi hindi ko mahanap yung site nila para malaman ko kung anong nagagawa ng ganitong klasi na laptop. please po ako gusto ko lang talagang malaman kasi gamit to sakin for my studies. thank you po sa time na basahin yung tanong ko.

kim jonbert

  • kim jonbert
  • Oct 22, 2018

Hindi ka pa nga bumibili e humihingi kana ng discount hahah, siguro para sakin magbibigay lang po yan sila ng discount if ever na regular customer ka nila but if hindi is wala po yan silang discount pero may promo yan silang ini-endorse. With regards sa kung may free charger, sd card or even adapter siguro wala po yon bibili talaga kayo I dont think kung sa iba meron ba or wala. Basta yung alam ko lang talaga is ito lang.

Good Answer

Reply

galyn

  • galyn
  • Sep 24, 2018

Pwede po bang magtanong? Kapag ba bumili ka ng ganitong klasi na notepad, all set bato i mean package deal na lahat mula sa monitor niya, mouses charger oh kahit anong pweding iconnect sa notepad device nato. Pwede rin batong mainstallan ng iba't-ibang graded na gaming apps? Kasi mahilig ako sa mga famous games ngayon ee tapos wala ako ng ganun. Pwede kaya? Wala kaya tong bayad kapagmagdadownload ka ng apps mismo sa pinagbihan mo?

Reply

Cheche8

  • Cheche8
  • Aug 24, 2018

Nasurprised talaga ako ng malaman ko na may ASUS ROG Strix GL503 na palang laptop na binibinta kaya agad agad akong bumili nito dahil may nakapagsabi kasi sa akin na maganda daw ito for gaming,mahilig kasi ako maglaro ng mga online games subalit ng ginamit ko na siya bakit ang bilis uminit ng ASUS ROG Strix GL503 laptop ko kababago ko lang binili ito lalong lalo na kapag nilalaruan ko na siya natatakot talaga ako baka sumabog dahil sa sobrang init niya halos nga mapaso yong kamay ko,ano kaya ang dahilan nito bakit bago palang siya uminit na agad kapag naglalaro ka,sino sa inyo nakaranas ng ganitong issue ng laptop can i have some opinion kung ano ang sira nito.

WOOOh

  • WOOOh
  • Aug 27, 2018

Natural lang naman talaga uminit ang laptop lalong lalo na kapag nag lalaro kasi hindi talaga yang maiwasan at saka nasobraan sa pag gamit kaya siguro uminit,mayroon naman yata time limit ang laptop kapag nilalaruan ito pero hindi ako sigurado kung may time ba,ako kasi kapag naglalaro may time limit ako,o di kaya sa laptop talaga yan na madali lang uminit.

Good Answer

Kram Kram

  • Kram Kram
  • Aug 29, 2018

Ang mabuting gawin niyo diyan sa ASUS ROG Strix GL503 laptop niyo ipatingin niyo na lang sa mangagawa baka may mga parts yan na sira na naging sanhi kung bakit uminit siya,para din hindi maakpiktuhan ang ibang mga bahagi nang laptop,at at saka para iwas din sa disgrasya po baka sasabog yan sa sobrang init.

Good Answer

Rosita Matias

  • Rosita Matias
  • Sep 8, 2018

Tama naman mga inputs niyo. Pero kung worried kayo masyado sa pag init nito lahyan niyo ng fan ang laptop niyo para dagdag cooling niya kasi kung nsa mainit na kayo na lugar tapos naglalaro pa kayo iinit po talaga ang laptop ninyo so mas okay kung nsa a/c at kung may cooling pad ito.for sure less heating na ang laptop niyo at safe pa itong gamitin.

Good Answer

mercedez stephanie

  • mercedez stephanie
  • Sep 20, 2018

for me kasi normal naman talaga na uminit yong laptop mo, kasi usable siya, everyday or rare mulang siyang ginamit talagang iinit yon. Lalo na kung nanonood ka ng mga movies, gumagawa kaba ng thesis, games or even research. Lahat ng mga gadgets umiit kasi ginagamit. Pero careful lang tayo kapag nagcha-charge tayo nito or even mobile phones niyo kasi hindi oblige na habang ginagamit mo yung gadgets eh nakacharge siya, which is mali yun baka kasi mag-overheat or short circuit yung outlet, tapos mag-memeet yong init ng laptop atsaka yung outlet dahilan para masira o magcreate ng sunog.

Good Answer

Reply

FERGIE

  • FERGIE
  • Aug 8, 2018

Hi !.. po itanong ko lang sana yong paano po ba itong bago bili na ASUS ROG Strix GL503 ko ay nag hung pagka abot kasi nang isang buwan hindi na siya gumagana ?.... hindi ko alam kung ano ang kanyang sira, ang mahal pa naman nang bili ko tapos ganon lang hindi gumagana...nakakainis sana hindi nalang ako bumili dun ...i PM nyo nalang ako...salamat

Darren Espanto Jr.

  • Darren Espanto Jr.
  • Aug 13, 2018 / Good Answers : 1

Try niyo nalang po ibalik sa shop baka covered pa ito ng warranty niyo pero dapat dala niyo yung resibo ksi kung wala hndi niyo magagamit ang warranty niyo kaya sayang diba wala kyo choice kung hndi gumastos para ipaayos ang laptop ninyo yun nalang ang pwede niyo gawin para magamit niyo pa din ang laptop na ito.

Good Answer

chesca salva

  • chesca salva
  • Aug 15, 2018

Ganyan-ganyan din yong laptop ko hindi na siya gumagana so ang ginawa ko pumunta ako sa store na binilhan ko, kasi nga mayroon kaming napag kasunduan. Maliban nalang po sayo kung may-roon po kayo napagkasunduan bago mo nabili yang ASUS ROG Strix GL503 sa brand owner nang laptop, para naman po sa iyong karapatan bilang customer.

Good Answer

e.s.t.

  • e.s.t.
  • Aug 17, 2018

Alam niyo po Maam Fergie bagong bili po yan, kailangan niyo po na mag request kayo sa store na ipinag bilhan para malaman nila, ma-check ang sitwasyon nito at makunan nang idea kung paano re-solve.Wag kana pong mainis, mapatingnan din yan nang maayos at magandang usapan kasi po may karapatan dahil ikaw ay customer sabi nga customer is always right..napakasayang lang hindi mo siya unahin.

Good Answer

maxie

  • maxie
  • Aug 30, 2018

Pwede ka naman po pumunta agad kong saan mo nabili ang laptop na yan para masuri nila kung ano ang dahilan kung bakit mag hung yang laptop na nabili mo sa kanila,magbigay ka nalang ng kaunting pera sa pag papacheck up diyan sa laptop mo, para magamit mo na or malaman mo kung ano ang dahilan kung bakit hindi na siya gumagana.

Good Answer

bing vill

  • bing vill
  • Sep 19, 2018

I think may warranty naman yang product na binili mo tapos may official receipt yan, just in case na may sira o may mga concern ka. Pwedi mo namang kunin yung contact # or even email nila para ma-address mo sa kanila yung mga concern mo. Tapos antay kalang ng feedback 2-3 days if ever wala kang marecieve na message. Pumunta ka sa main office nila para matulongan ka.

Good Answer

Reply

Page 1 of 1

Latest Topics for Laptops

Matt Ismol

free screen

Magandang hapon po sa inyo, gusto ko lang magtanong kapag bumili ka nito may discount siya tapos may free charger, sd card tapos adapter. Meron din ba itong kasamang free screen bato. Ano po bang qualifications tsaka specs nito kasi hindi ko mahanap yung ... Read more

  • Last updated : Oct 22, 2018
  • Posted by Matt Ismol
  • Replies of This topic : 1 Replies

mv_maricar

talks about the specs

Ano pa po ba yung naibibigay ng laptop nato or advantage tsaka disadvatage nalang? Para malaman ko yung capacity ng ganitong device. Kasi pangit naman din kung bibili ako tapos baka may damage na pala yung binili ko, gusto ko kasi na may assurance? lahat ... Read more

  • Last updated : Oct 18, 2018
  • Posted by mv_maricar
  • Replies of This topic : 1 Replies

nancy lyn

All in

Hello po magandang hapon. Magtatanong lang ho sana. Kapag ba bumili ka ng ganitong laptop e may kasamang mga accessories na ito? i mean meron ng PC, sd card, mouses, tsaka keyboard man lang meron pang isa nakalimutan ko gaming pad rin kasi mahilig akong ... Read more

  • Last updated : Oct 9, 2018
  • Posted by nancy lyn
  • Replies of This topic : 2 Replies
View Mode: PC | Mobile